You are on page 1of 9

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 10

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang


komunikatibo,mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalaga ng pampanitikan gamit ang
teknolohiya at ibang uri ng teksto at saling-akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng
kamalayang global.

Pamantayan sa pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng sariling opinyon sa nasabing


akdang pampanitikan.

Kompetensi
Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay kaugnay ng binasa.
(F10PB-If-g-67)
Nabibigyang-Kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa
konteksto ng pangungusap. (F10PT-If-g-66)

I. Layunin

A. Nauunawaan ang akdang ang “Kwentas” ni Guy de Maupassant sa tulong ng mapanuring


pagbasa.

B. Naisasapuso at nabibigyang halaga ang aral na napulot mula sa akdang binasa;at

C. Nakalalahok ng aktibo sa talakayan at pangkatang gawain.

II. Paksang Aralin

Paksa: Panitikan: “Ang Kwentas” Maikling Kwento mula sa France


Aklat: Filipino 10 kwarter 1 Modyul 5
Kagamitan: powerpoint, biswal aid at iba pa…

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A.Panimulang Gawain
1. Pagbati sa klase
Magandang umaga/hapon klas! Magandang Umaga Bb. Etcobañez!

Ako si Bb. Mary Jane Etcobañez ang


magiging guro ninyo sa umagang na ito.

Bago ang lahat basahin niyo muna ang mga


alituntunin na dapat ninyong malaman sa
aking klase:

Alituntunin:
1. Bawal maingay
2. Bawal ang cellphone
3. Bawal kumain habang may guro na
nagtuturo
4. Makinig ng mabuti sa guro
5. Umupo ng maayos

Maligayang pagbabalik sa ating Kwento-


tunan.Ang kwentong may kabuluhan, may
katuturan at ang kwentong punong-puno ng
hiwaga na maghahatid sa atin ng
panibagong kaalaman. Handa naba ang
lahat para sa panibagong kwento na ating Handa na po Guro!
masasaksihan sa hapong ito.?
Kung ganon ihanda niyo na ang inyong mga
sarili at ilang sandali na lamang ay
uumpisahan na natin ang ating
pagkukwentuhan.

2. Panimulang panalangin
Sa ngalan ng ama, ng Anak, ng Diyos Speritu Santo
Bago tayo magpatuloy tayo muna ay
amen…
manalangin

3. Pagsasaayos ng Silid- aralan


4. Pagtatala ng liban

B. Balik Aral

Klas! Sino ang makapaglalahad ng ating


aralin kahapon?

Ma’am Epiko ni Gilgamesh


Tama!

Ano ang ang natutunan ninyong aral sa


Epiko ni Gilgamesh? Ang aral na natutunan sa epiko ay ang tunay at
busilak na pagmamahal at pagpapahalaga sa isang
kaibigan na hanggang sa pagkawala nito, walang
makatitibag sa tiwala at pagmamahal.

Magaling! Bigyang ng limang milyon na


palakpak

C.Pagganyak
Ngayon naman ay dumako na tayo sa ating bagong
yugto ng kwento-tunan. Pero bago tayo magpa
tuloy ay magkakaroon muna tayo ng isang laro.
Gusto niyo bang maglaro?
Ang larong ito ay tatawagin nating Hulaan Mo!
Mayroon ako ditong kahon na naglalaman ng
isang bagay na inyong huhulaan. Kung sino ang
una na makahula sa inyo ay magbibigay ako ng
karagdagan na puntos mamaya sa pasulit.

Handa naba ang lahat? Opo, handang- handa na po kami!

(Nagsisimula sa paghula)
Magaling! Ito ay isang kwentas.
Ngayon naman ako ay may mga katanungan
Hanapin ninyo ang mga bagay na pinakaiingatan
ninyo sa inyong buhay.

Ilang hiyas ng mga katanungan:


1. Anong bagay ang iyong ipinakita? ( malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

2. Bakit mahalaga sa inyong buhay ang bagay na (malayang kasagutan ng mag-aaral)


ito.

Ang susunod naman ay hanapin at ipakita sa


amin ang bagay na iyong hiniram mula sa iyong
kakilala.
1. Anong bagay ang iyong hiniran mula sa iyong (malayang kasagutan ng mag-aaral)
kakilala? Bakit mo ito hiniram?
2. Bakit ang bagay na ito hindi mo pa naisasauli (malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
sa iyong hiniraman?
3. Kung nagkataon na mawala ang bagay na ito (Malayang kasagutan ng mga mag-aral)
ano ang iyong gagawin?

Napakahusay ng iyong mga tinuran. At ang lahat


ng inyong ibinahagi ay may kaugnayan sa isaang
tauhan na ating masasaksihan at ating makikilala
sa araw na ito. Handa naba ang lahat upang
marinig at makilala ang isang tauhang
naghahangad ng higit na bagay sa kanyang
buhay?
May ideya ba kayo kung sino?
Kung wala pa hayaan kong ipakilala sa inyo
kung sino sya. Kaya naman manyayaring
makinig sa aking kwento.

D. Pagtalakay sa aralin

Bago natin talakayin ang ating aralin nais ko


munang basahin ng sabay-sabay ang layuin na
nais kong matamo ninyo sa hapong ito.

A. Nauunawaan ang akdang ang “Kwentas” ni Guy


de Maupassant sa tulong ng mapanuring pagbasa.

B. Naisasapuso at nabibigyang halaga ang aral na


napulot mula sa akdang binasa;at

C. Nakakalahok ng aktibo sa talakayan at


pangkatang gawain

Tayo na at sama-sama nating tawirin ang dagat


ng Mediterranian at tuklasin ang kultura ng mga
taga-Pransya sa pamamagitan ng kanilang
maikling kwento na pinamagatang “ Ang
Kwentas”,

Pero bago ang lahat suriin muna natin ang akda

Pagsusuri sa Akdang “ Ang Kwentas”

Pinagmulan ng Akda
Alam niyo ba na ang kwentong “Ang kwentas”
ay nagmula sa bansang pransya. Sino dito sa
inyo ang nakarating na sa France?

Alam niyo ba na ang France ay isang malayang


bansa sa kanlurang Europe. Ito ay pangatlo sa
pinakamalaking bansa sa kanlurang Eurpoe at
European union. Ang kapitolyo ng France ay
Paris, ang pinakamalaking lungsud ng bansa at
sentro ng kultura at komersyo . katulad ng ibang
bansa sa mediterranean, mayaman sa panitikan
ang France. Ang panitikang ito ang nagsisilbing
kanlungan ng kanilang sinaunang kaugalian,
tradisyon, at kultura.

Pagkilala sa may Akda: Si Henri Rene Albert


Guy de Maupassant ay isang tanyag na French
na manunulat. Itinuring na isa sa mga magulang
ng modernong maikling kwento at isa sa mga
pinakamahusay at pinakamagaling sa lahat ng
anyo ng akda. Si Maupassant ay isa sa mga
kwento. Ilan sa mga pinakatanyag na akda niya
ang “ Kwentas” na nagsasalamin sa kultura at
katangian ng mga taga-Pransya.

Uri ng Panitikan: Ang kwentas ay isang


maikling kwento na mula sa bansang Pransya.
Ito ay kabilang sa tuluyang uri ng panitikan. Ang
maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na
may layuning magsasalaysay ng mga pangyayari
sa buhay pangunahing tauhan.

Paksa: Ang paksa ng kwentong “ang Kwentas”


ay pagiging mapag- adhika ni Mathilde ang
magmukhang may-kaya at maganda sa mga mata
ng ibang tao at sa lipunan.

Layunin ng Akda: masalamin sa sa karakter ni


Ginang Loisel ang hindi magandang katangiang
pagtatago ng totoong pagkatao o katayuan sa
buhay upang mapansin ng ibang tao. Lumabas
ang ganitong pag-uugali noong nais niyang
magkaroon ng magarbong damit dahil ayaw
niyang mapahiya sa ibang tao.

Tema: Ang kwenyong kwentas ay maaaring


ihambing sa tunay na buhay na kung saan
marami ang nagpupumilit na mkuha ang mga
bagay na gusto nila upang sa tingin ng iba ay
mas maganda at mas mayaman kaysa sa iba.
Bunga nito ay ang masidhing ambisyon para
kilalanin at tingalain ng lipunan.

Stilo ng pagkakasulat ng Akda: Deskriptibo


ang istilo ng may akda kung saan ang kwento ay
detalyadong paglalarawan.

Mga Tauhan:
Mathilde Loisel- isang ambisyosang babae na
puno ng paghihinagpis sa katayuan ng kanyang
buhay.
Monsier Loisel: Ang asawa ni Mathilde na
mabait at masunurin.
Madame Forestier: matalik na kaibigan ni
Mathilde.
Paglinang ng Talasalitaan

Hanay A Hanay B

lumbay lungkot

nagulumihan Naguluhan

Kahabag-habag Kaawa-awa

pangimbuluhan kainggitan

manghuhuthot Nagpa-utang ng
mataas na tubo

At ngayon bibigyan ko kayo ng limang


minuto(10) para basahin ang kwento
( masining na pagbasa sa maikling
kwentong“Kwentas”)

E. Paglalapat
Naunawaan po Guro!
Naunawaan niyo ba ang maikling kwentong ang
“Kwentas”?

Kung ganoon narito ang ilang hiyas ng


katanungan upang mas lalong mapalawak ang
inyong kaalaman sa paksa o akdang kwentas.
Hindi po masaya si Mathilde sa piling ng
1. Bakit hindi masaya si Mathilde piling ng kanyang asawa sapagkat hindi niya makuha ang
kanyang asawa? kanyang mga ninanais sa kanyang buhay
sapagkat walang sapat na kita ang kanyang
asawa.
Mahusaya na kasagutan!
Labag man sa kalooban ni. G. Loisel, binilhan
2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang niya ito ng magandang kasuot upang mapapayag
mapapayag ang asawa na dumalo sa si Mathilde na dumalo sa idinaraos
kasayahang idaraos ng kagawaran
Nais ni Mathilde na magkaroon ng magara at
3. Ano-ano ang nais mangyari ni Mathilde sa magandang buhay sa piling ng kanyang asawa.
kanyang buhay? Gusto rin niya na makuha ang mga bagay na
kanyang ninanais. Ngunit hindi ito natupad
sapagkat maraming maling desisyon ang
Tama! kanyang nagawa.

(Nakadependi sa sagot ng mga mag-aaral)


4. Kung ikaw si Mathilde ano ang gagawin mo
upang matupad mo ang mga pangarap mo sa
buhay?
5. Sa iyong palagay, bakit hindi dapat maging labis (Nakadependi sa sagot ng mga mag-aaral)
na maghangad ang isang tao?
Mga kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
-dapat matutong makontento sa kung anong
mayroon ka kapahamakan lang ang maidudulot ng
paghahangad ng labis na karangyaan.
-Hindi dapat magpanggap para lang sa ikakaganda
ng imahe sa paningin ng iba.
-hindi maitatama ang isang pagkakamali sa isa
pang pagkakamali
Naunawaan ba ng lahat ang buong kwento ng
akdang “ Ang Kwentas”?
Pangkatang Gawain
Sa puntong ito, upang malaman ko kung lubos
ninyong nauunawaan ang ating tinalakay ngayong
araw magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat, at pipili kayo
ng lider sa inyong grupo upang makapili sa nais
ninyong gawin sa pamamagitan ng pagbunot ng
piraso ng papel na nakalagay sa aking mahiwagang
kahon.
Pumunta kayo sa inyong grupo (Nag punta sa kani- kanilang grupo)

Limang(5) minuto lamang ang nakalaang oras


upang gawin at tapusin ang napili sa nasabing Maliwanag po ma’am!
gawain. Maliwanag ba?
Kung ganon aking tinatawag ang mga napiling lider
(Bumunot ang mga lider)
ng bawat pangkat upang maka bunot sa kahon na
ng inyong gawain.
Para sa pagsasagawa at sa aking pagmamarka ng Gawain:
inyong gawain ay kinakailangan ninyong taglayin.
Patunayan mo!
PAMANTAYAN
1. Mula sa akdang “Ang Kwentas” ni Guy
Kaangkupan 30% Maupassant, Pumili ng limang pangyayari na
inyong nagustuhan. Ipaliwanag at patunayan na
Kaisahan 30% ang mga pangayayaring ito ay maaaring
maganap sa tunay na buhay.
Kaayusan 20%
Paglalahad
Katalinuhan 20%
2. Ilahad ang mga mahahalagang pangayayari
Kabuuan 100% na naganap sa kwentong “ Ang Kwintas”.
Gamitin ang Flow Chart para sa paglalahad ng
mga pangyayari.
Ngayon maaari na kayong makapagsimula ng Pagbabanghay
inyong gawain.
( inaasahang isasagawa ng bawat pangkat ang
daloy ng pangyayari;

Tapos naba ang bawat pangkat? Kung talagang Sumigaw ng yes!yes!yes! Tapos na!
tapos na isigaw ang malakas na yes!yes!yes! Tapos
na!
Ngayon naman ating tungahayan ang presenatsyon
ng bawat pangakat.
(Pagbibigay ng hatol sa bawat pangkat na
nagpapakita ng kanilang husay at galing)
F. Paglalahat
Bilang pagtatapos ng ating kwento-tunan ay nais ko
munang sariwain ninyo ang ating tinalakay
nagyong araw na ito.
Ano nga muli ang ating pinag-uusapan o tinalakay
natin ngayong araw na ito? (tatawag ng pangalanng Tinalakay po natin ngayong araw ay tungkol sa
mga mag-aaral upang sumagot) kwentong “ Ang Kwentas”

Tama!
Sino nga muli ang sumulat ng maikling kwentong Mula sa panulat ni Gay de Maupassant ng
“Ang Kwentas”? bansang Pransya.
Tama!
Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? Ang mga tauhan sa kwento ay sina
Mathilde Loisel- isang ambisyosang babae
Monsier Loisel - ang asawa ni Mathilde na
mabait at masunurin
Madame Forestier - matalik na kaibigan ni
Mathilde.
Mahusay! 1.
2.
IV. Pagtataya 3.
Panuto: Basahing mabuti ang mga kasunod na 4.
aytem. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot at 5.
isulat sa iyong sagutang papel. 6.
7.
1. Ipinaghihinagpis ni Mathilde ang karukhaan ng
kanyang lumang tahanan ang kanyang nakakawang 8.
anyo ng mga ding-ding ang mga kurtina sa
paningin niya ay napakapangit. Kung ikaw si
Mathilde, ano ang dapat mong gawin para matupad
ang mga pangarap mo sa buhay?
A. Hihiwalayan ko ang aking asawa at hahanap ako
ng lalaking mayaman.
B. Titiisin ko lamang ang kahirapang ito at
makontento naa kung ano ang kaya niyang ibigay.
C. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan
ko ang aking asawa nang gumaan ang aming
buhay.
D. Ipamumukha ko sa aking asawa na ahindi ako
masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay.
2. “ O kahabag-habag kung kaibigan ang kwentas
ay imitasyon lamang”. sinong tauhan ang nagturan
nito?
A. G. Loisel
B. Mathilde Loisel
C. Sister Gudule
D. Madame Forestier
3. Itinuring siya na isa sa mga magulang ng
modernong maikling kwento at isa sa
pinkamahusay at pinakamagaling sa lahat ng anyo
ng akda?
A. Guy de Maupassant
B. Mathilde loisel
C. Hesus de Maupassant
D. Madame Forestier

4. Paano maiuugnay ang katangian ni Mathilde sa


pangkalahatang kaisipan ng mga taga France.
A. Sa kaisipang mapagpapalaya at mapagtatanggol
B. Sa pag-iisip na sila ay maharlika
C. Sa mataas na estado ng pamumuhay
D. Sa kaisipn ng pagkakapatiran.
5. Ito ay pangatlo sa pinakamalaking bansa sa
kanlurang Europe.
A. France
B. Vietnam
C. Antartica
D. Thailand

Pagwawasto:
1. C
2. D
3. A
4. C
5. C
6.
G.Takdang Aralin
Magsaliksik ng kwento na may pinamagatang
“Impeng Negro” ni Rogelio R. Sikat.

Inihanda ni: Mary Jane U. Etcobañez


Applicant 1

You might also like