You are on page 1of 3

ANG PINOY . . .

SULONG SA GLOBALISASYON

Global warming . . . Peso devaluation . . . Economic sabotage . . . Oil prices


increase . . Destabilization . . . World market . . . Ilan lamang ang mga ito sa
kinakaharap na problema hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng malalaking bansa sa
buong daigdig. Ngunit paano malulutas ang mga suliraning nabanggit? May iba pa
bang paraan para sandali tayong makatakas dito? Wala ba tayong maipapalit na salita
para rito upang tuluyan nang mabago ang masamang imahe ng mga bansang tuluyan
nawawala ang kasiglahan at katatagan? Ano kaya ang dapat na maging bukambibig ng
mga mamamayan sa panahon ngayon?

Bukambibig ngayon ang katawagang globalisasyon. Sa diksyunaryo, ang


kahulugan ng globo ay daigdig, at ang global ay anumang nauukol sa daigdig., kaya ang
globalisayon ay pagiging pandaigdig.

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa pandaigdigang pagtutulungan ng mga tao at


pag-uugnayan ng mga bansa tungo sa mabilis na pag-unlad lalo na sa larangan ng
pangangalakal, teknolohiya at agham. Sa panahon ng globalisasyon, nakaabang at
naghihintay ang mga mamamayang Pilipino sa mga pangyayaring maaaring maganap sa
Pilipinas bunga ng makabagong kaisipang niyayakap ng nakararami – ang globalisasyon
na umaagapay sa modernisasyon.

Ang Pilipinas, bilang isang bansang kabilang sa ikatlong daigdig ay bukas sa lahat
ng oportunidad na ipinagkakaloob ng mayayamang bansa; hindi lamang sa larangang
edukasyonal kundi maging sa larangang sosyo-politikal at ekonomikal. Ayon nga kay
dating PRC Commissioner Hermogenes Pobre, hinahangad ng Pilipinas na makilahok sa
tinatawag na NEW GLOBAL ECONOMY. Ang bagong terminolohiyang ito ay
tumutukoy sa bagong uri ng ekonomiyang naglalarawan ng negosyong sinusugan ng
teknolohiya na nakatuon sa kumplikadong pagsasaayos at transaksyon. Dahil dito, ang
bawat mamamayang Pilipino ay bukas ang isipan upang matugunan ang mga
pangangailangan sa globalisasyon. Dahil ngayon ang panahon ng globalisasyon. Ngayon
ang panahon ng pakikisangkot. Ngayon ang panahon ng pagsulong.

Kamakailan ay naglakbay ang ating mahal na pangulo, Gloria Macapagal-Arroyo


sa Davos, Switzerland. Siya’y nakipagpulong sa dalawampu’t pitong pinuno ng iba’t
ibang bansa at libu-libong pinuno ng negosyo mula sa ibang mundo para sa World
Economic Forum, Mula sa Switzerland ay nagtungo ang pangulo sa Dubai para sa isang
investment roadshow. Ito’y pagpapatunay lamang na tanggap na tanggap na ang
Pilipinas na makipagsabayan sa malalaking bansa sa larangan ng ekonomiya. Ito ay
isang magandang halimbawa ng tinatawag na globalisasyon.

Maging sa larangan ng sining at isports, sumulong ang Pilipinas sa direksyong


global. Hindi lamang hinangaan kundi dinakila at iniluklok sa mataas na pedestal ang
mga Pilipinong nagka-pangalan sa ibang bansa sa larangan ng sining gaya nina Lea
Salonga, ang orihinal na Miss Saigon; Pilita Corrales, ang Asia’s Queen of Songs; Nora
Aunor, Charito Solis, Gina Pareño at iba pang mahuhusay na aktres ng pelikulang
Filipino, ang boksingerong si Manny Pacquiao, ang billard king na si Efren “Bata”
Reyes, ang walang kupas na si Paeng Nepomuceno, ang mga Pilipinong mountain
climber na naakyat ang Mt. Everest, ang beauty queens na sina Gloria Diaz, Margarita
Moran, Gemma Cruz Araneta, Melanie Marquez, Precious _____________, atbp.
Isama pa rito ang mga myembro ng Bayanihan Dance Troup, Looc Boys Choir ng
Bohol, ang mga imbentor ng makabagong bunga ng teknolohiya, atbp. Sila’y tunay na
world class.

Bilang isang Pilipino, walang isang saglit na hindi ko inaabangan ang mga
pangyayaring maaaring maganap kung ang Pilipinas ay makikipagsabayan sa patuloy na
pagsulpot ng globalisasyon. Sarisaring mga katanungan ang gumigitaw sa aking isip:
Una, ano ba ang magiging papel ko sa globalisasyon bilang isang estudyanteng
nagsisikap makatapos upang matawag na propesyonal? Pangalawa, makausad kaya ang
Pilipinas sa larangang ekonomiya upang mapabilang sa mga bansang kikilalaning global
sa larangang ito? Pangatlo, kung makakauusad ang Pilipinas tungo sa globalisasyon,
matityigil na kaya ang dinaranas nitong matinding kagutuman at kahirapan bunga ng
kawalan ng hanap-buhay at katiwalian?

Mga kaibigang nakikinig sa akin ngayon. Ang globalisasyion ay isang malaking


tandang pananong sa ating lahat. Mangyari, para itong kabuting sumulpot na amang,
para itong kamatayang dumating nang hindi inaasahan. Kaya dapat ma-paghandaan.
Ngunit paano?

Hayaan ninyong isa-isahin ko ang mga paraan upang ang isang Pinoy na katulad
ko ay makaagapay at makasulong sa tinatawag na globalisasyon.

Una, magsikap, magtiyaga at magsagawa. Wala na yatang pinakamaligayang


Pinoy kundi ang makilala niya ang kanyang sariling pagkakakilanlan. Ang isang Pinoy
na masipag, matiyaga, mapamaraan at maayos na nakapagsasagawa ng mga bagay-bagay
na makauunlad sa kanyang sarili ay isang napakadakilang katangian. Ganito rin ang nais
maipamyulat ng globalisasyon.

Pangalawa, paunlarin ang ekonomiya. Mayaman ang Pilipinas sa talino ng mga


mamamayang nasasakupan nito, at sa likas na yaman. Sa globalisasyon, lahat ng
pangangailangan at resorses ng isang bansa ay ipinangangalandakan. Kaya natin
makipagtagisan ukol dito. Dahil ang isang bansang maunlad sa larangan ng ekonomiya
ay maituturing na globally competitive.

Pangatlo, pahusayin ang ating galling sa sining, kultura, at isports. Upang


masabing ang Pilipinas ay hindi nahuhuli sa larangang kultural at pangkalakasan ng
katawan, panatilihin nating nakaimbak ang ating minanang tradisyon bilang salamin ng
ating lahi. Ito’y isa ring isinisigaw ng globalisasyon.

Pang-apat, huwag nating tutulan ang pagdating ng maraming imbensyon sa


agham at teknolohiya; manapa’y dapat tanggapin ang mga ito nang buong puso. Ang
isang bansang mayaman sa larangan ng teknolohiya ay mabilis makasulong sa
globalisasyon. Bilang Pinoy, inaasahan kong ang nakararaming mamamayang Pilipino
ay computer literate. Ito ang isang malakas na hamon ng globalisasyon.

Panlima, patuloy sanang makipagkalakalan sa Pilipinas ang iba’t ibang mga bansa
upang umunlad at pakinabangan ang ating yamang-lupa, yamang-dagat at yamang-
yungib. Ito ang tunguhin ng globalisasyon. Bilang Pinoy, ito ang dapat maging mjsyon
at bisyon ng ating bansa.

Bilang pagwawakas, nais kong iwan ang isang malaking hamon sa mga
tagapakinig ko ngayong umaga. Ang globalisasyon ay hindi na matatakasan pa. Ito’y
isang buhay na paglalarawan ng pag-unlad. Sumunod tayo sa daloy ng pag-unlad ng
globalisasyon; upang balang araw, hindi lamang ang malalaking mga bansa ang
titingalain ng buong mundo, makakasama na ang Pilipinas dahil ang Pinoy ay magsisikap
makasulong para sa tatamasahing pag-unlad ng ating bansa.

You might also like