You are on page 1of 2

ANG PINOY...

SULONG SA GLOBALISASYON

Ang Pinoy, kasama ito ng globalisasyon. Ngunit ang malaking katanungan ay “Handa na
ba tayo?" Ito po ang paksang aking tatalakayin ngayong umaga. Kaya't tanggapin ninyo
ang aking taos-pusong pagbati ng magandang umaga.

Global warming... Peso devaluation... Economic sabotage…Oil prices increase...


Destabilization... World market.... Ilan lamang ang mga ito sa kinakaharap na problema
hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng malalaking bansa sa buong daigdig. Ngunit
paano malulutas ang mga suliraning nabanggit? May iba pa bang paraan para sandali
tayongmakatakas dito? Wala ba tayong maipapalit na salita para rito upang tuluyan
nang mabago ang masamang imahe atdapat na maging bukambibig ng
mga mamamayan sa panahon ngayon?

Bukambibig ngayon ang katawagang globalisasyon. Sa diksyunaryo, ang kahulugan ng


globo ay daigdig, at ang globalay anumang nauukol sa daigdig, kaya ang globalisayon
ay pagiging pandaigdig.

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa pandaigdigang pagtutulungan ng mga tao at pag-


uugnayan ng mga bansa tungosa mabilis na pag-unlad lalo na sa larangan ng
pangangalakal, teknolohiya at agham. Sa panahon ng globalisasyon, nakaabang at
naghihintay ang mga mamamayang Pilipino sa mga pangyayaring maaaring maganap sa
Pilipinas bunga ng makabagong kaisipang niyayakap ng nakararami – ang globalisasyon
na umaagapay sa modernisasyon.

Ang Pilipinas, bilang isang bansang kabilang sa ikatlong daigdig ay bukas sa lahat ng
oportunidad na ipinagkakaloobng mayayamang bansa; hindi lamang sa larangang
edukasyonal kundi maging sa larangang sosyo-politikal atekonomikal. Ayon nga kay dating
PRC Commissioner Hermogenes Pobre, hinahangad ng Pilipinas na makilahok satinatawag na
NEW GLOBAL ECONOMY. Ang bagong terminolohiyang ito ay tumutukoy sa bagong
uri ngekonomiyang naglalarawan ng negosyong sinusugan ng teknolohiya na nakatuon
sa kumplikadong pagsasaayos attransaksyon. Dahil dito, ang bawat mamamayang Pilipino ay
bukas ang isipan upang matugunan ang mgapangangailangan sa globalisasyon. Dahil ngayon
ang panahon ng globalisasyon. Ngayon ang panahon ngpakikisangkot. Ngayon ang
panahon ng pagsulong.

Noong nakaraang administrasyon ay naglakbay si dating Pangulong Gloria Macapagal-


Arroyo sa Davos, Switzerland.Siya'y nakipagpulong sa dalawampu't pitong pinuno ng
iba-ibang bansa at libu-libong pinuno ng negosyo mula saibang mundo sa World Economic
Forum, Mula sa Switzerland ay nagtungo ang pangulo sa Dubai para sa isanginvestment
roadshow. Ito'y pagpapatunay lamang na tanggap na tanggap na ang Pilipinas sa
malalaking bansa salarangan ng ekonomiya. Ito ay isang magandang halimbawa ng
tinatawag na globalisasyon.

Maging sa larangan ng sining at isports, sumulong ang Pilipinas sa direksyong global.


Hindi lamang hinangaan kundidinakila at iniluklok sa mataas na pedestal ang mga
Pilipinong nagka-pangalan sa ibang bansa sa larangan ng sininggaya nina Lea Salonga,
ang orihinal na Miss Saigon; Pilita Corrales, ang Asia's Queen of Songs; Nora Aunor,
CharitoSolis, Gina Pareño at iba pang mahuhusay na aktres ng pelikulang Filipino,
boksingerong si Manny Pacquiao, ang billard king na si Efren "Bata" Reyes, ang walang
kupas na si Paeng Nepomuceno, ang mga Pilipinong mountainclimber na naakyat ang Mt.
Everest, ang beauty queens na sina Gloria Diaz, Margarita Moran, Gemma Cruz Araneta,Melanie
Marquez, atb. Isama pa rito ang mga myembro ng Bayanihan Dance Troupe, Looc Boys
Choir ng Bohol, angmga imbentor ng makabagong bunga ng teknolohiya, atb. Sila'y
tunay na world class.

You might also like