You are on page 1of 1

Ibong Adarna: (Saknong 232 – 317)

Naghanda ng mga masasarap na pagkain ang ermitanyo para sa tatlong magkakapatid na


prinsipe.

Pagkatapos ng piging ay kumuha ng misteryosong botelya ang matanda at pinahid ito sa


palad ni Don Juan at agad itong gumaling.

Nanghingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo sa kanilang pag alis. Habang binabagtas ang
daanan pauwi ng palasyo, ang naunang si Don Juan ay walang kamalay-malay na nagbabalak
na pala ang nasa likuran na si Don Pedro ng masama laban sa kanya at kinumbinsi nito si
Don Diego na patayin si Don Juan.

Nung una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y pumayag din ngunit ani niya, sa halip
na patayin ay bugbugin na lang daw ito. Iniwang nakabulagta ang kahabag-habag na si Don
Juan.

Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang kaligayahan ng
Haring may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe ngunit agad namang napawi
ang ngiti sa kanyang labi nang mapansin na wala si Don Juan.

Labis itong nanibugho sa pagkawala ng kanyang bunso at ninais nalang mamatay. Ang ibong
adarna naman ay pumangit at ayaw nang kumanta dahil taksil ang nag uwi sa kanya.

Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala ang dahilan kung bakit siya
nagkasakit. Umaasa ang ibong adarna na buhay pa ang tunay na nagmamay-ari sa kanya at
malaman ng Hari ang kataksilang ginawa ng magkapatid.

Naiwang pagapang-gapang ang kahabag-habag na prinsipe. Namamaga ang kanyang buong


katawan, may pilay ang tadyang, at mamamatay na sa gutom at uhaw.

Wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin sa mahal na birhen na nawa ay humaba pa
ang buhay at gumaling ang kanyang amang may sakit.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nagtaksil sa kanya ang dalawang prinsipe. Handa naman
niyang ibigay ang ibon sa kanila kung iyon ang kanilang ibig.

Sa gitna ng kanyang paghihirap ay sinariwa niya ang Berbanya at ang inang reyna dahil sa
labis na pananabik.

You might also like