You are on page 1of 3

ARIANE

PERFORMANCE TASK # 1

Manila

Mahal Kong Maegy,

Kamusta kana? Hangad ko na nasa mabuti kang kalagayan kasama ang iyong
pamilya.

Sumulat ako upang ikaw ay kamustahin. Bigla kong naalala ang mga ginagawa natin
noong bakasyon nang kami ay bumisita riyan sa probinsya niyo. Gusto-gustong ko na
ngang hilahin ang mga araw upang magbakasyon muli at makapiling kayo. Hindi ko
makakalimutang ang magandang bukirin na may matataas na puno. Sabik na sabik akong
maligo muli sa batis na napakalinaw ng tubig. Naalala ko rin na kumain tayo ng sariwang
prutas na pinitas natin sa inyong hardin. Masayang-masayang ako sa bakasyon ko diyan
sa inyo. Kahit minsan ikaw ay balat-sibuyas dahil sa aking kakulitan. Sana pagbalik ko
diyan ay ipapasyal mo pa ako sa magandang tanawin na hindi pa natin na pupuntahan.

Lagi kang mag-iingat at magdarasal. Susulatan na lamang kita kung kailan kami
magbabakasyon diyan sa inyong probinsya.

Hanggang dito na lamang ang aking liham. Maraming salamat.

Ang iyong kaibigan,

Ariane Kate

You might also like