You are on page 1of 1

Colendres, Angel Lou Joy B.

Grade 12 HUMSS-D

Frozen II

Ang Frozen II ay isa sa mga bagong pelikula ng Walt Disney Animation Studios ngayong 2019 na
idnirekta ni Chris Buck at Jennifer Lee. Tatlong taon na simula noong ipinalabas nila ang kauna-
unahang Frozen at sa wakas ay pinalabas na din ang hinihintay na kasunod nito.

Pagkatapos ng tatlong taon ng mga kagananpan sa naunang pelikula, ang Frozen II ay tungkol sa mag
kapatid na Elsa at Anna, iba pang tauhan Kristoff, Olaf at Sven na nakasama nang magkapatid sa
kanilang paglakbay sa labas ng kanilang kahariang Arendelle upang tuklasin ang pinagmulan ng
kapangyarihan ni Elsa at sagipin ang kaharian sa mesteryosong boses na tumatawag kay Elsa.

Sa pelikulang ito hindi maitatanggi ang pagmamahal ng magkapatid sa kanilang kaharian na kaya nilang
isakripisyo ang kanilang sariling buhay sa sariling kaligtasan ng kaharian. Ganun din ang suporta ni
Kristoff na kasintahan ni Anna na walang sawang tumulong sa dalawang magkapatid.

Maraming aral ang nakuha nang tauhan dito. Una laging maging bukas ang isipan, tanggapin ang mga
pangyayari at matuto dito. Pangalawa, makinig sa iyong kutob, sigaw ng puso at isipan. Panghuling aral
gawin ang tama na ikabubuti nang lahat.

You might also like