You are on page 1of 12

Activity Sheet sa Filipino 10

Module 2

Kabanata 1-15 ng El Filibusterismo


Gamit ang L-B-A-R Organizer

Ni: Frances May A. Apon


Guro III
Mahal kong Grade 10,

Ang El filibusterismo ay isa sa mga obra maestra ng ating pambansang bayani na si


Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala sa pangalang Jose P. Rizal.
Lumaban siya sa mga Kastila noong panahon ng pananakop nila sa ating bansa sa
pamamagitan ng kanyang talino at panulat. Ang El Filibusterismo ay karugtong ng Noli Me
Tangere na una niyang isinulat. Ayon sa kanya, lingid pa sa mga Pilipino ang kahulugan nito
noong una hanggang sa masaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa
tatlong paring martir, na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora o mas kilala
sa bansag na GomBurZa. Labing- isang taong gulang si Rizal noon nang marinig niya ang
salitang Filibustero o mga taong lumalaban sa gobyerno.

Ang El Fili ay iniaalay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa
Bagumbayan dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol. Sa murang edad ay
nasaksihan niya ang mapait, masalimuot na kamay ng mga Kastila. Dahil sa adhikain ni Rizal
na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-
psa pamamagitan ng kanyang mga obra.

Kung ang Noli Me Tangere ay ipinakita ang pagbubulagbulagan ng mga Pilipino, ng


pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra o Jose P. Rizal, siya’y muling bumangon sa El
Filibusterismo, para kunin ang lahat ng inagaw sa kanya. Makikita natin ang kanyang mga
plano para sa kanyang minamahal na bayan. Isang katanungan kung siya’y magtatagumpay
sa hulihan.

Nawa’y isapuso nating lahat ang malalim na mensaheng taglay nito. Ito lamang ay ang
pinakabuod ng akda, ngunit mas mainam kung basahin ang kabuuan nito para mas
maunawaang mabuti ang akda. At mas mabuti kung aalamin muli ang naging katapusan ng
Noli Me Tangere, para simulant ang nobelang ito.
KABANATA 1: SA IBABAW NG KUBYERTA

Larawan
“ Mabagal na paglayag ng bapor tabo
Lulan sa itaas ang mga makapangyarihang tao
Prayle,Kapitan Heneral,mga kastilang tuso
Isa si Donya Victorina
Isang dugong Kastila o Filipina?
Ngunit siya'y nagbibihis kastila,
At pinandidirihan ang kanyang kapwa”
Buod:

Umaga ng Disyembre sa Ilog Pasig ay sumalunga ang Bapor Tabo. Mabagal ang
takbo nito, at may kalumaan na. Ang Bapor Tabo ay mayroong dalawang kubyerta o palapag.
Sa itaas ng kubyerta ay kompleto ang pasilidad. Mayayayamang tao, at may pinag-aralan.
Ang mga ito ay mga Kastila. Ito ay sina Don Custudio, Kapitan Heneral at Simoun. Pinag-
uusapan nila ang pag-aalaga ng itik ni Don Custudio. Sabi naman ni Simoun (tagapayo ng
Kapitan Heneral), ay gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa
Look ng Mayna. Ngunit nagkasagutan sila ni Don Custudio at ilang pari. At sa huli’y salungat
si Donya Victorina sa pag-aalaga ng itik dahil pinandidirihan niya ito. Donya Victorina,
purong Kastila ka ba?
Aplikasyon sa realidad:
1. Sa Kabanata 1 ng El Filibusterismo, ipinakita ni Rizal ang mga natuklasan niya sa Pilipinas sa
panahon ng Kastila.
2. Ang bapor Tabo’y larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang pagtakbo at
maraming balakid sa landas na ang ibig sabihi’y mahina ang pag-unlad. Marami pang dapat gawin
upang sumulong ang bansa.
3. Si Donya Victorina na isang Pilipino, ngunit tinalikuran ang pagiging Pilipino at naging Kastila.
4. Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta at ang ilalim nito. Ang
mga nasa itaas ng pamahalaan o naghahari sa bansa ay mga Kastila. Kung mayroong naghahari,
mayroon ding matatawag na alipin. Malalaman natin iyan sa susunod na kabanata.

KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA

Larawan:

“Masikip, mainit,at hirap na hirap


Pero ang kabataan ay kumukutikutitap
Lalo na ang kanilang panukalang walang
kahirap-hirap
Kabataan na mahilig tumanggi sa mga
nakakasama sa kinabukasan
Isagani at Basilio hindi titiklop
Kahit si Simoun ang kaharap”
Buod:

Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip, madaming nagsisiksikan,


madaming mga Pilipino ang nagtitiis sa init at sikip nito. Naroon ang dalawang estudyanteng
sina Basilio na nag-aaral ng medisina at si Isagani. Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio at
pinag-uusapan ang tungkol kay Kapitan Tiyago. Napunta ang usapan sa paaralang balak
itayao ng mga estudyanteng tungkol sa pagtuturo ng kastila.(salitang Kastila).
Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kapitan Basilio, ngunit malakas ang loob ng
dalawang binata na magtatagumpay ito. Dumating si Simoun at kinausap ang dalawang
binata. Sinabi ni Simoun kay Basilio na di niya nadadalaw ang lugar nila (magkababayan sina
Simoun at Basilio), dahil mahihirap ang mga tao doon at hindi kayang bilhin ang kanyang
mga alahas. Matigas na tutol at hindi natatakot ang dalawa sa mang-aalahas at tagapayo ng
heneal. Sambit ng may paninidigang si Isagani: Hindi sila bumibili ng alahas kung hindi nila
kailangan. Lihim na napangiti si Simoun habang tinitingnan ang dalawang binata
papalayo. Bakit kaya?
Aplikasyon sa Realidad:
1. Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan
upang maisakatuparan ang kanilang mga adhikain na makapagpatayo ng isang paaralan na
nagtuturo ng mga wikang Kastila. Sa malalim na pagpapakahulugan, para maintindihan ang
sinasabi, mga balak, ng mga Kastila. Para makipantay sa mga Kastila.
2. Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan si Simoun
gayung ang pagkakakilala nila’y malapit sa kapitan heneral.
3. Ang pagngiti ni Simoun ay may nais ipakahulugan: Dahil ang mga kabataan noon, ay
malakas ang loob. Kayang lumaban sa mga Kastila. At alam niyang matutulungan siya ng
mga ito sa kanyang balak. Malalaman ang kanyang balak sa mga susunod pang kabanata.

KABANATA 3: ANG MGA ALAMAT


Larawan:
“Ibarra Guevarra Navarra
Isang buhay na inaakalang patay na
Di nila alam siya kanilang kinakasama
Sige lang pagtawanan niyo siya
Matitikman niyo rin ang bagsik niya
Ngunit bakit ka namutla Simoun?
Simoun Simoun nakakapagtataka!”

Buod:
Nagtatawanan ang mga nasa itaas ng
kubyerta at sinabi kay Simoun na saying daw at hindi niya nasaksihan ang mga dinaanan ng
bapor. Wala raw saysay ang isang pook kung walang alamat. Isinalaysay naman nila ang
mga alamat tungkol sa malapad na bato, alamat ukol kay Geronima at alamat ni San Nicolas.
Nang masilayan nila ang lawa, nagtanong si Ben Zayb kung saan namatay ang
nagngangalang “Guevarra, Navarra, o Ibarra” (si Crisostomo Ibarra ang tinutukoy sa Noli Me
Tangere). Itinuro ni Donya Victorina kung nasaan raw ito matatagpuan. Nagtawanan ang iba,
maliban kay Simoun na namumutla bagamat sinabi na lang ng kapitan na marahil siya’y
nahihilo lamang. Simoun, bakit ka biglang namutla?
Aplikasyon sa Realidad:
1. Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa kaniyang
kasintahan. Ito’y nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing Pilipina.
2. Ipinakita ni Rizal na mayaman ang ating bansa sa kultura. Maalamat ang ating bansa.
Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat ng bayan pati na ang pinagmulan ng mga
bagay, halaman o tao. Mayroon din tayong matatawag na Alamat ng Dingras.
3. Ang pamumutla ni Simoun ng mapakinggan niya ang Ibarra, ay may nais itong
ipakahulugan. Malalaman yan sa
susunod na kabanata.
KABANATA 4: KABESANG TALES
Larawan:
Si Kabesang Tales ay isang ama.
Umunlad siya dahil sa pagiging matiyaga
Siya ay nakipag asunto at ipinaglaban
ang kanyang lupa,
Lupang pinaglibingan ng kanyang
pinakamamahal na anak at asawa.
Ngunit siya ay ipapakulong ng mga
Kastila
Huli? Anong gagawin mo para sa iyong
ama?

Buod: Si Kabesang Tales ay isang magsasaka, gumanda ang buhay dahil sa kaniyang
pagsisikap ngunit ng lumago ang kanyang bukid ay inangkin ito ng mga prayle (Paring
Kastila). Pinagbabayad pa ng mataas na buwis kahit sa kanya naman ang lupang ito.
Nakipag-asunto siya sa mga prayle ngunit siya’y natalo. Kaya binantayan niya ang kanyang
bukid at nagdala ng palakol at baril. Ngunit sa kasamaang palad siya’y nahulog sa kamay ng
mga tulisan.
Si Huli na kanyang anak, ay ibinenta lahat ng kanyang mga alahas para matubos ang
amang si Tales, ngunit hindi ito naging sapat kaya pumasok siya bilang katulong ni Hermana
Penchang, isang Kastila. Huli na ba ang lahat Huli?
Aplikasyon:
1. Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni Tales ay nagpapahiwatig ng mga
kasamaang umiiral noong panahon ng Kastila. Ipinakita ni Rizal na kahit man ikaw ang
nagmamay-ari ng lupa, ay maaaring agawin pa rin ito ng mga Kastila.
2. Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok o palakol ay nagpapakitang handang
ipakipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan.
3. Ang pagkatalo ni Tales, ay nangangahulugan na batas noon, ay para lamang sa mga
Kastila.
KABANATA 5: ANG BISPERAS NG
PASKO SA ISANG KUTSERO
“Si Sinong ay isang Kutsero,
Ang kutsero ng karitela kung saan lulan si
Basilio.
Siya ay nabugbog ng sibil,
Dahil walang ilaw ang karitela at di nadala
ang sedula.”

Anong gagawin mo Sinong?

Buod:
Gabi na nang makauwi si Basilio sa San Diego. Inilalakad na ang ang prusisyong
pang-noche buena. Natapos ang prusisyon. May nagbabanatay na mga gwardiya sibil sa
daan. Pinuna nila ang kutserong si Sinong dahil walang ilaw ang kanyang karitel. Tinutukan
nila ito ng baril, pagkatapos ng makitang walang sedulang dala ito, pinarusahan nila si sinong
at binugbog ng mga tagabantay. Naglakad na lamang si Basilio papauwi. Kawawang
Sinong.

Aplikasyon sa Realidad:
1. Ang kaawaawang mga Pilipino’y tumatanggap ng mabigat na parusa sa kaunting
pagkukulang. Malulupit ang maraming mga nasa tungkulin.
2. Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes. Sila ang
makapangyarihan sa bayan

KABANATA 6: SI BASILIO
Larawan:
“Basilio! Basilio!
Tatagan mo ang loob mo
Huwag kang papatalo
Sa mga negatibong bagay na nakapaligid
sayo.
Gawing inspirasyon ang masalimuot mong
nakaraan
Tunguhin mo ang matiwasay na kapalaran
Ipaglaban mo ang nararapat na karapatan
Na nais makamit ng iyong kababayan”

Buod:
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo
sa gubat. Tumungo siya sa libingan ni Sisa, ang kanyang ina. Sa harap ng libingan nito,
naalala niya ang mga pangyayari sa lugar na iyon labing tatlong taon ng nakalipas…

Namatay ang kanyang ina at may dumating na lalaking sugatan. Pagkatapos ay may
dumating isa pang lalaki. Nagpatulong siya kay Basilio na ilibing ang naunang lalaking
dumating dahil namatay na ito. Sinabihan siya ng lalaki na umalis sa San Diego at lumuwas
ng maynila. Kinupkop siya ni Kapitan Tiyago, pinag-aral hanggang matapos ang pag-aaral.
Siya ay nagtapos ng sobresaliente at may mga medalya. Pagkatapos niyang matapos ang
medesina ay papakasalan na niya si Huli. Magkakatuluyan kaya sila ni Huli? o magiging
huli na ang lahat para sa kanila?
Aplikasyon sa Realidad:

1. Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng pagpapahalaga ni


Rizal sa Karunungan.

2. Maging ano mang uri ng gawain basta’t marangal ay kailangang pasukan upang
makatapos ng pag-aaral. Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig upang
matuto.

KABANATA 7: SI SIMOUN
Larawan:

Simoun. Simoun.
Bakit ka nasa gubat at puntod ni
Ibara?
Basilio. Basilio.
Sasabihin mo ba ang lihim ni
Simoun?
May Baril.
Sumama ka sa akin Basilio
At tayo'y maghihiganti-Ibarra

Buod: Malapit sa Puntod na pinanggalingan ni Basilio, ng may marinig siyang kumakaluskos


sa kabilang gubat. May nakita siyang lalake, bagaman may katandaanan na ngunit hinding-
hindi makalimutan ni Basilio ang mukhang iyon labing tatlong ng nakakaraan. Si Ibarra na
pinag-aakalang namatay noon at kanilang inilibing ay ibang tao pala. At ngayon siya’y
nagbabalik sa katauhan ni Simoun. Ipinagtapat lahat ni Simoun kay Basilio ang tunay niyang
pagkatao at ang kanyang mga balak. Pumasok siya bilang Kastila para maghiganti at patayin
silang lahat. Iba naman ang ninanais ni Basilio. Gusto niyang magtapayo ng paaralan para
mapag-aralan ang wika ng mga Kastila, para maging kapantay ng mga Kastila. At hinimok
niya si Basilio na makipagtulungan sa kanyang balak na puksain ang mga Kastila.
Makikipagtulungan kaya si Basilio sa plano ni Simoun, o Ibarra?

Aplikasyon sa Realidad:
1. Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito’y mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa,
kaisipan, damdamin at mga mithiin ng may akda para sa kaniyang bayan.
2. Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng pagbabago.
Ang isa’y humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at ang isa nama’y nagnanais
humiwalay upang maging ganap na
malaya. Ikaw saan ka sa kanila?
Makipantay sa kanila? O lamangan sila
sa ating bayan?

KABANATA 8: MALIGAYANG PASKO


LARAWAN:
“Juli bakit ka pupunta?
Ang iyong ama'y wala na maging si Basilio
Tapos ang lolo moy iiwan mo?
Sino ang tutulong sa kanya?
Paano kung magkasakit siya?
May napipi may napipi! Sigaw nila!
BUOD:

Kinaumagahan ay agad na tumungo ni Huli ng kinalalagyan ng Mahal na Birhen. Hindi


naghimala ang birhen at hindi siya nabigyan ng perang pantubos nito sa kanyang ama na si
Kabesang Tales. Natuloy siyang mamasukan kina Hermana Penchang. Araw iyon ng Pasko.
Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo, ang ama ni Tales. Anong sasapitin ni Huli?

Aplikasyon sa realidad:

-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng Salaping
inaasahang ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao
ang gawa at nasa Diyos ang awa.
-Ang pagkapipi ni Tandang Selo Ay nagpapahiwatig ng pagkaka-alis sa mga Pilipino ng
kalayaang magpahayag ng kanilang
nais sabihin.

KABANATA 9: ANG MGA PILATO

LARAWAN:

“Juli! Ika'y maghanda


Sapagkat ika'y susubukin na ng
tadhana
Magpakatatag ka!
Dahil kung ika'y magihing mahina
Tiyak matatalo ka”

Buod: Napipi si Tandang Selo


noong nalaman niyang nakulong si Kabesang Tales at nagpaalipin si Huli. Ngunit napalaya
ni Julia ng kanyang ama gamit ang salapi na pinagbentahan niya ng mga alahas at ang
halagang inutang niya kay Hermana Penchang. Naging malupit si Hermana Penchang kay
Juli. Sinasaktan niya ito na parang alipin. Pinalayas sina Tales sa kanilang tahanan ng mga
gwardiya sibil, at ibinigay ang lupa sa prayle. Walang nagawa si Kabesang Tales kundi lisanin
ang kanilang tahanan. Saan pupunta ngayon sina Kabesang Tales? Simoun.?

Aplikasyon sa Realidad:

-Masalapi at makapangyarihan ang korporasyon. Walang Pilipinong maaaring lumaban dito


noong panahong iyon. Kung umaasenso ang lupa mo, papatungan nila ng buwis at kakam-
kamin nila ang iyong lupa kahit pagmamay-ari mo pa ito. Malupit ang mga Kastila.

KABANATA 10: KAYAMANAN AT KARALITAAN


“Dito na magsisimula
Ang paghihiganti na hangad niya
Sa wakas nakatagpo na siya
Ng taong handang ipaglaban ang
karapatan niya.

Si Telesforo
Ang taong handang gawin ang lahat
Dahil alam niyang ito ang dapat
Ngunit mas pinili niyang gumamit ng
dahas
Kaysa lumaban ng patas.”

Buod:

Sa bahay na nilipatan ni
Kabesang Tales nakipanuluyan si
Simoun. Ipinagmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber na dala-dala kay Kabesang Tales.
Pagkatapos ay nagsidatingan ang mga mamimili ng alahas. Iminungkahi ni Sinan gang
kuwintas at tinawaran agad ito ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kwintas ni ng
kasintahang nagmongha na si Maria Clara.

Lumabas ng bahay si Kabesang Tales para dalawin ang kanyang anak na si Huli
ngunit iba ang kanyang nakita. Ang prayle na nagmamay-ari na ng kanilang bahay at lupa
dati. Kinabukasan, wala si Kabesang Tales gayundin ang rebolber ni Simoun. Nabalitaan na
lamang sa gabing iyon na tatlo ang namatay. Ang prayle, isang lalake na gumagawa ng lupa
at ang asawa nito. Putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. May nakasulat sa papel sa tabi
ng bangkay ng babae na “TALES” gamit ang daliring isinawsaw sa dugo. Napangiti si
Simoun sa mga nangyari. Bakit Simoun?

Aplikasyon sa Realidad:
-Ang isinasama ng mga mamamayan ay nasa mga taong namamahala.
-Ang mga Pilipino’y handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang karapatan.
-Ang pagngiti ni Simoun ay nangangahulugang, umaayon ang lahat sa kanyang plano.

KABANATA 11 BUOD: LOS


BANOS
Larawan:

“Pagpupulong
Kung saan ang kailangan ay tulong
Ngunit tila tayo parin ay nakakulong
Sa kamay ng mga pating gunggong.

Makapangyarihang pinuno
Kung saan nasusunod lagi ang kanilang
gusto
Paano na lamang kaming mga Pilipino?
Habang buhay na lamang bang
magiging bilanggo?”

BUOD:
Noong ika-31 ng Disyembre, ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene
ay naglaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Baños. Nagpatalo ang dalawang prayle dahil
nais nilang mangyari na kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng
kabataan. Hindi sila sumasang-ayon dito dahil magiging problema ito ng pamahalaan
pagnagkataon.

Aplikasyon sa realidad:
-Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa
ang pasiya ng mga prayle.
-Ang mga prayle at mga nasa pamahalaan, ay mga Kastila. Kastila ang namumuno sa
bansang Pilipinas, na sinunod ng mga Pilipino.

KABANATA 12: PLACIDO PENITENTE

Larawan:

“Placido Penitente, pinakamahusay


na estudyante ni Padre Valerio
Siya'y ubod ng talino
Oo, siyang maloko pero hindi
manloloko
Kaya't tinitingala siya sa kanilang
baryo
Kailanman hindi naniniwala sa
payo
Dahilan kung bakit tinawag siyang
Pilibustero”

BUOD: Si Placido Penitente ay isang mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na nasa


ikaapat na taon na sa kolehiyo pero malungkot siya at nais niyang tumigil sa pag-aaral.
Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalan niya ang natitirang taon sa
unibersidad. Ang ideyang pagtigil sa pag-aaral na inisip ni Penitente ay dahil sa mga
kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan
ni Padre Valerio noon. Nagulat si Penitente isang araw nang tinapik siya ni Juanito Paelez,
isang anak ng mayamang mestizong Kastila.

Aplikasyon sa Realidad:
1. Ipinakita ni Rizal dito na kahit man magaling ang isang Pilipino noon, ay nawawalan
siya ng ganang mag aral dahil sa loob ng paaralan ay ang mga guro nilang prayle ay
minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino.

KABANATA 13. SA KLASE SA


PISIKA

“Pag-aaral ay mahalaga
Ngunit tila ito'y nalilimutan na ng iba
Propesor nila'y isang batang-batang
Dominiko
Ang kanilang klase ay tungkol sa
pisika
Mga estudyante'y may natututuhan
kaya?
Pumasok silang walang nalalaman
At lumabas ng walang natututunan.”

BUOD

Sa kabanatang ito ay nagsimula sa paglalarawan ng silid aralan ng klase sa Pisika.


Ipinakita dito ang pagpapahalaga ng mga gurong prayle sa mga kagamitan na nasa loob ng
isang aparador. Sabi ng mga bumisita sa paaralan, ay “tamad “ raw ang mga Pilipino na mag-
aral at gamitin ang mga ito, kaya bago ang hitsura sagot ng mga prayle.

Ang uri ng pagtuturo ni Padre Millon ay nakabatay kung ano ang pinapakita ng mga
mag-aaral, ang una niyang sinubukan ang antuking bata ngunit dahil hindi ito nakikinig at
hindi nakasagot, nagalit ang guro. Sunod niyang tinanong ang mahinang estudyante na si
Juanito Pelaez, dahil hindi niya alam ang sagot tinapakan niya ang paa ni Placido Penitente
para humingi ng tulong ngunit dahil napalakas ang boses ni Penitente kaya siya ay
napagbalingan ng guro. Umalis sa klase si Placido dahil sa kahihiyan. Natapos ang klase
sa pamamagitan ng sermon at umuwi ang mga mag-aaral na walang natutunan.

APLIKASYON SA REALIDAD:
1. Ipinakita ni Rizal dito ang klase ng mga Kastilang guro noon sa kanilang pagtuturo.
2. Hindi tamad ang mga Pilipino noon. Hindi lang ipinapagamit ng mga Kastila ang mga
apparatus sa paaralan.

KABANATA 14: SA BAHAY NG MGA MAG-AARAL

Larawan:

“Sa bahay ni Makaraig


Naroon ang mga kabataang
pumapanig
Na sina Sandoval,Pecson,
Pelaez,at Isagani
Para pagusapan ang panukalang
ninanais
At para ang panukala'y matapos
ng mabilis”
Buod:

Malaki ang bahay na tinitirhan


ng estudyanteng si Macaraig. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya.
Pinuno rin siya ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang
Kastila. Inimbitahan ni Macaraig ang mga pangunahing estudyante na sina Isagani,
Sandoval, Person at Pelaez para pag-usapan ang kanilang pakay at ibinalita ni Macaraig na
si Padre Irene ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumasalungat sa kanilang adhikain
na magpatayo ng paaralan na nagtuturo ng Kastila. Nangangailangan ang kanilang grupo ng
tao na may mataas na posisyon at napagkasunduan nila na ang manananggol na si G. Pasta
na paghingian ng tulong. G. Pasta, ay isa ka rin bang makakastila?

Aplikasyon sa realidad:
-Makikita ang klase ng mga kabataan noon. Masipag, at may adhikain sa buhay. Mayroon pa
ba kayang “Kabataan ang pag-asa ng bayan ngayon?”

-Hinahangad nila na magpatayo ng Akademyang Kastila, para matutunan ang mga salita ng
Kastila at makipantay sa kanila. Ito ang hangarin ng mga Pilipino noon, makipantay, ngunit
hindi sa pananaw ni Rizal. Bakit tayo makikipantay? Kung tayong mga Pilipino ang
nagmamay-ari ng Pilipinas? Tayo ang dapat ang nasa itaas, at hindi sila.

KABANATA 15: SI GINOONG PASTA

“Ginoong Pasta??
nais kong humingi ng tulong
Dahil Isa Kang bantog na manananggol...
Maraming Tao Ang tumitingin sa pansariling
kapakanan
winawalang bahala ang ikabubuti ng bayan
Ginoong pasta
Kakampi kaba
O kaaway din pala?”

Buod:
Nagtungo si Isagani sa opisina ni Ginoong
Pasta. Alam na kaagad ni G. Pasta kung bakit nandoon si Isagani. Naisalaysay ni Isagani
kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ni
Pasta ang kaniyang pasya. Ayaw niya raw makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil
maselan daw ang usapin at mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos
hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ni Ginoong Pasta.

Aplikasyon sa Realidad:

Si Ginoong Pasta ay isang abogado na may puso. Ngunit, alam niya kung ano ang
magiging bunga ng kanilang adhikain. Dahil ganyan din siya noong siya’y kabataan din tulad
ni Isagani.

-simbolo siya ng mga Pilipinong duwag, ayaw makipaglaban sa bayan. Ayaw mamatay
sa bayan. Kaya mo bang mamatay alang-alang sa bayan?

--Ipagpapatuloy---

You might also like