You are on page 1of 1

Ako si Liway, isang mangyan

Bumaba sa kabundukan, lumakad nang malayuan


Pupunta sa bayan, may dala-dalang kalakal. Kamote, balinghoy, niyog, pasan-pasan
Pinag-aalukan sa bawat bahay, pambili ng bigas, nang may mailaman sa aming tiyan.

Papunta sa nayon, may makikitang handaan


Lalapit sa bahay, “Kaibigan, kaibigan, may tutong ba kayo dyan?”
Laking pasasalamat sa inyong binigay,
May pagsasaluhan ang aking mga inakay.

Pauwi sa bundok, may dadaang sasakyan


Paparahin namin, sa bubong kami lagi pinapasakay,
Tiis ang init, hapdi ng balat
Hindi ba puwedeng sa loob din kami mapasakay?

Kaming mga mangyan ay tao rin namang may damdaming nasasaktan,


Tratuhin nang tama, bigyan din ng halaga
Sapagkat kami’y lalang din ng Poong Maykapal

(awit) Kaming mga mangyan ay tao lamang,


Di alam ang takbo ng pamumuhay
Sa halip tinutulungan, kami’y niloloko lamang

Tandaan po natin, TAYONG LAHAT AY PANTAY-PANTAY.

You might also like