You are on page 1of 1

ANG BIONOTE

ANG BIONOTE ay……


1. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic
career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
2. Isang maikling pagsulat ng talambuhay na binubuo lamang ng 2 hanggang 3
pangungusap na nasa ikatlong panauhan.
3. Karaniwang matatagpuan sa panloob na pabalat (Inside front cover) at likuran
(Outside back cover) ng isang aklat.

Narito ang mga karaniwang nilalaman ng isang BIONOTE:

1.Larawan at pangalan ng awtor at ilang deskripsyon


2.Natapos na digri (batsilyer, materado, doktorado o post graduate na kurso) at
pamantasang pinagtapusan
3.Pinagtuturuang paaralan
4.Mga aklat na nasulat/modyul
5.Editorship (kung mayroon)
6.Maaaring magdagdag ng
a. Membership sa mga organisayon
b. Mga dinaluhang seminar
c. Speakership sa mga seminar at pagpupulong

Kahalagahan

Nagpapakilala sa sumulat ng aklat sa pamamagitan ng maikling profayl o


talambuhay.

Halimbawa ng Bionote sa aklat

ANTONIO Q. ALBIS JR.


Siya ay nagtapos ng Bachelor in Secondary Education –
Filipino sa Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano
Marcos, Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro, Lungsod Laoag,
cum laude. Nasa proseso siya ngayon ng pag-aaral ng Master
of Arts in Education – Wika at Panitikan sa paaralang
kaniyang pinagtapusan. Kasalukuyan siyang guro at
pangalawang tagapayo ng pahayagang pangkampus – Ang
Manghahabi ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Ilocos
Norte. Nakapagsulat na rin siya ng modyul sa Wika at Komunikasyon Tungo sa
Kulturang Filipino at naging tagapanayam sa mga pahilang inilunsad ng Sentro ng
Wika at Kultura (SWAK) bilang kaagapay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Leiza Deine L. Agcaoili,Jun Agustin,Keanu Linog

You might also like