sulatin (karaniwang isang talata lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal. Itinatanghal dito ang kaniyang mga natamona nagsasabing siy ay maalam at may awtoridad sa larangang kinabibilangan niya. Sa kabuuan, ang kahusayan ng bionote ay nakasalalay sa pagsasalubong ng nais iparating ng sumulat at kung ano ang gustong malaman ng mambabasa tungkol sa kaniya. Nagtapos ako ng BS Geodetic Engineering at MA Sociology, at kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Filipino: Pagsasalin sa UP-Diliman. Disertasyon na lamang ang kulang ko. Nagtuturo ako ng Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas at resident fellow din ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies. Lagi akong tumatambay sa hardin upang magsulat. Nailathala ng NCCA ang unang koleksiyon ko ng tula noong 2013. mahusay raw, ayon sa mga kritiko. Nailathala naman noong 2014 ang ikalawang koleksiyon ko ng tula. Pangarap kong manalo sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Nakapaglathala at nakapagbasa na rin ako ng mga akademikong papel sa ilang lokal na journal at kumperensiya. Interes ko talaga ang pagluluto at panonood ng mga pelikula. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-aaplay ka ng trabaho. Tumitingin ka ng mga bakanteng posisyon bilang IT assistant sa isang job portal sa Internet. Natuwa ka naman dahil maraming kompanya ang nangangailangan ng IT assistant. Napansin mong halos lahat ng inaaplayan mo ay nanghihingi ng bionote maliban sa resume, pormularyo ng aplikasyon, at scanned na kopya ng diploma at transcript of records. Dahil dito, magsusulat ka ng isang bionote na babasahin ng mga kinatawan ng HR ng mga kompanyang inaaplayan mo. Ang malaking puntos ng iyong aplikasyon ay nakabatay rito, kaya kailangan mong husayan. Tatayain ang iyong bionote ayon sa kaangkupan ng mga impormasyon sa posisyong inaaplayan, organisasyon ng talata, at grammar.