You are on page 1of 24

Magandang

Buhay!
Tanong:
1. Ano ang unang bagay sa larawan ang pumukaw sa
iyong atensiyon?

2. Ano ang iyong unang naramdaman nang makita


ang larawan?

3. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng


larawan sa ating lipunan? Ipaliwanag.
Layunin:
1. naipaliliwanag ang kahulugan ng palarawang
sanaysay; at
2. naiisa-isa ang katangian at layunin sa pagsulat ng
palarawang sanaysay.
KAHULUGAN NG PALARAWANG
SANAYSAY
Ano ang Palarawang Sanaysay?

Ang palarawang sanaysay ay kilala sa Ingles bilang picto-essay,


picture essay, o photo essay. Ito ay isang uri ng akademikong sulatin
na gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng isang paksa o kaya
naman ay naglalahad sa mga pangyayaring magkakasunod na
naganap.
Ang palarawang sanaysay ay itinuturing din bilang isang paraan
ng pagpapahayag ng impormasyon, saloobin, at pananaw ng
manunulat hinggil sa isang paksa. Ginagamit ang mga larawan
upang magsilbing gabay sa pagbuo ng isang sanaysay, at upang
mapaigting ang kabuluhan ng paksa ng sulatin.
Ang palarawang sanaysay ay may pagkakatulad sa tradisyonal na
sanaysay. Sa palarawang sanaysay, mahalaga ang larawan sapagkat
ito ang tunay na maghahatid ng istorya at diwa sa mga mambabasa.
Ang mga ginamit na larawan ang pangunahing tagapagsalaysay.
Nilalagyan ito ng maikling caption o deskripsyon upang maipabatid
ang mga ideya, pangyayari o konsepto.
Ang pagsulat ng isang sintesis ay hindi lamang pagpuputol-putol ng
mga pangyayari o hindi lamang basta-bastang pagbabanghay.
Kinakailangang pag-aralang mabuti kung alin ang mga
pinakaimportanteng bahagi na dapat pagsamahin. Matagumpay na
naipahahayag at naipapasa ang mga impormasyon at detalye sa
sintesis kahit hindi ito kasinghaba ng orihinal na teksto.
KATANGIAN NG PALARAWANG
SANAYSAY
Ano ang katangian ng Palarawang Sanaysay?
• Nagpapahayag ito ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan
ng mga larawan.

Isa sa mga pamukaw ng pansin ng palarawang sanaysay ay ang


imahen na kalakip nito. Sa mga karaniwang sanaysay ay gumagamit
lamang ng mga salita upang maipahayag ang damdamin at kaisipan
ng manunulat ngunit sa ganitong akademikong sulatin ay
nagsisilbing paksa ang larawan.
Ano ang katangian ng Palarawang Sanaysay?
• Ang mga larawan ang pangunahing nagkukuwento.

Ang mga salita sa loob ng talata ang masasabing nagsisilbing


pantulong sa larawan upang lubos na maunawaan ang kahulugan
nito. Kadalasan, ang mga larawan ay marami at kronolohikal ang
pagkakasunod-sunod batay na rin sa salaysay at paraan ng
pagpapahayag nito sa teksto.
Ano ang katangian ng Palarawang Sanaysay?
• Mahusay ang paggamit ng wika ng imahen at wika ng teksto.
Mainam na gumamit nang malinaw na wika, tamang balarila o
gramatika, angkop na paglalarawan sa paksa ng imahen at kaisahan
ng mga salita sa teksto. Mainam na maipakita na ang wika ay
mahalagang sangkap upang lubos na maunawaan ang larawan at ang
sanaysay.
LAYUNIN NG PALARAWANG
SANAYSAY
Ano ang Layunin ng Palarawang Sanaysay?
• Nailalahad ang paksa sa pamamagitan ng larawan at teksto nito.
• Nabibigyang-kahulugan ang mga termino na may kaugnayan sa
palarawang sanaysay.
• Nakasusulat ng organisado, malikhain, at makatotohanang sulatin.
Ano ang Layunin at Gamit ng Palarawang Sanaysay?
• Nakabubuo ng sanaysay batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika na may kaugnayan sa larawan.
• Naisasaalang-alang ang etika sa paglakip ng larawan at pagsulat
ng talata.
GAMIT NG PALARAWANG
SANAYSAY
Ano ang Gamit ng Palarawang Sanaysay?

• Manunulat
Maaaring makita ang kanilang sinulat sa pahayagan, telebisyon,
magasin, at artikulo. Mas nagiging epektibo ang kanilang
pagbabalita at pag-uulat ng mga pangyayari sa bansa kung tunay na
nailalahad sa mga mambabasa at mga manonood ang nagaganap sa
likod ng mga larawan.
Ano ang Gamit ng Palarawang Sanaysay?

• Guro
Ang mga guro ay gumagamit ng mga biswal na kagamitan sa
pagtuturo na nagiging daan upang lubos na maipaunawa sa mga
mag-aaral ang paksang aralin. Karaniwang makikita ang mga
palarawang sanaysay sa mga textbook at magasin na pampaaralan.
Ano ang Gamit ng Palarawang Sanaysay?

• Doktor
Sa ngayon, ang mga doktor ay gumagamit ng mga larawan upang
maipaliwanag ang mga sakit at ilang mga impormasyong
pansiyentipiko na kailangang ipaabot sa mga mamamayan.
Ano ang Gamit ng Palarawang Sanaysay?

• Mananaliksik
Ginagamit ng mga mananaliksik ang palarawang sanaysay upang
mailahad ang mga empirikong na datos mula sa kaniyang naging
pag-aaral. Mas maunawaan ng mga mambabasa ang mga datos sa
pamamagitan ng mga larawang makikita sa mga konseptuwal na
balangkas, pigura, at iba pang mga ilustrasyon.
Ano ang Gamit ng Palarawang Sanaysay?

• Blogger at nagsusulat sa social media


Hindi lamang mga emoticons at ilang maiikling pahayag ang
makikita sa social media, marami na rin ang gumagamit ng mga
palarawang sanaysay na nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa.
Kadalasan, makikita ito sa mga blog, Instagram post, Facebook, at
ilan pang mga social media sites.
Tanong?

You might also like