You are on page 1of 24

1

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1
Mga Tanong Tungkol sa
Napakinggang Pabula
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Tanong Tungkol Sa Napakinggang Pabula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim : Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Renielyn S. Manlosa


Tagaguhit (Cover) : Joshua Rey V. Aguinaldo
Editor : Edilyn Joy P. Pague
Tagasuri : Carmelita V. Gimena

Tagapamahala : Reynaldo E. Manuel Jr., PhD, CESE


Schools Division Superintendent
Lorena P. Serrano, CESE
PSDS, OIC-ASDS
Mga Miyembro : Francis J. Buac
Chief Education Supervisor, CID

Billie V. Baybayan
Education Program Supervisor-Filipino

Vivian D. Echalico
Education Program Supervisor-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region X - Division of Oroquieta City
Office Address: Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City
Telefax: 088-531-0831
E-mail Address: depedoroquieta@gmail.com
1

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1
Mga Tanong Tungkol sa
Napakinggang Pabula

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong paaralan.
Hinikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon X –
Dibisyon ng Lungsod ng Oroquieta sa
depedoroquieta@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at
mungkahi.
TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita ……… v


Alamin ………… 1
Subukin ………… 2

Aralin 1 Mga Tanong Tungkol Sa


Napakinggang Pabula

Balikan ………… 3
Tuklasin ………… 5
Suriin ………… 6
Pagyamanin ………… 7
Isaisip ………… 8
Isagawa ………… 9
Tayahin ………… 11
Karagdagang Gawain ………… 12
Susi Ng Pagwawasto ………… 14
Sanggunian ………… 15
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga
Tanong Tungkol Sa Napakinggang Pabula.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga
Tanong Tungkol Sa Napakinggang Pabula.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


Tuklasin
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi sa Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
4. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagsagot ng mga


tanong tungkol sa napakinggang pabula. Matapos
mong mapag-aralan ito, inaasahang masasagot mo ang
mga tanong tungkol sa iyong napakinggang pabula.

Mahalagang malaman mo ang pagsagot ng mga


tanong tungkol sa napakinggang pabula upang
mapaunlad ang ating kakayahan sa pagsagot sa mga
tanong lalo na sa pang-araw-araw na pakikipag-usap sa
ating kapwa.

Subukin

Panuto: Pakinggan ang kuwento na babasahin at


pagkatapos sagutin ang mga tanong na nasa
ibaba ng kahon. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Kakailanganin ang tulong ng mga magulang o sino
mang kasama sa bahay para basahin ang kuwento na nasa
loob ng kahon.

10
Ang Inahing Bibi at ang Apat na Sisiw

Namasyal ang inahing bibi.


Kasama ang limang sisiw.
Nagpunta sa ilog.
Masayang-masaya sila.

1. Sinu-sino ang namasyal?

A. inahing bibi at ang apat na sisiw B. apat na sisiw

C.inahing bibi D. ilog

2.Saan sila nagpunta?

A.sa ilog B. sa sapa

C.sa dagat D. sa kanal

2. Ano ang damdamin ng inahing bibi at apat na sisiw


nang sila ay namasyal?

A.malungkot B. masaya

C.matamlay D. masigla

11
Aralin
Mga Tanong Tungkol Sa
1 Napakinggang Pabula
Learning Competency:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang pabula. (F1PN-IIA-3)

Balikan

Ang pabula ay isang kuwento na ang tauhan ay mga


hayop. Ito ay kuwentong pambata na maaaring
kapupulutan ng aral.
May mga salitang ginagamit sa pagtatanong at ang
mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ano - ay nagtatanong tungkol sa isang bagay.
Halimbawa: Ano ang kulay ng buhok mo?

2. Sino - ay nagtatanong tungkol sa tao.


Halimbawa: Sino ang papa mo?

3. Saan - ay nagtatanong tungkol sa lugar.


Halimbawa: Saan kayo namasyal kahapon?

12
3. Kailan-ay nagtatanong tungkol sa panahon/oras/
petsa.
Halimbawa: Kailan ka ipinanganak?

4. Bakit - ay nagtatanong tungkol sa rason.


Halimbawa: Bakit ka nandito sa OCCES?

6. Ilan - ay nagtatanong sa bilang.


Halimbawa: Ilan ang kapatid mo?

7. Magkano- ay nagtatanong tungkol sa presyo o


pera.
Halimbawa: Magkano ang baon mong pera?

8. Paano - ay nagtatanong tungkol sa pamamaraan.


Halimbawa: Paano ka natutong magsulat?

Tuklasin

Mula sa pabula na nasa ibaba, ipapakita sa iyo kung


papaano ang pagsagot ng mga tanong tungkol sa
napakinggang pabula.
13
Mga Tala para sa Tagapagdaloy
Kakailanganin ang tulong ng mga magulang o sino
mang kasama sa bahay para basahin ang kuwento na nasa
loob ng kahon.

Ang Kalabaw ni Mang Islaw

Ang kalabaw ni Mang Islaw.


Itinali sa puno ng anahaw.
Hindi binisita ng dalawang araw.
Nakalimutan ni Mang Islaw.
Ang pagpapakain sa kanyang kalabaw.
Nakita ng kanyang pinsang si Buraw.
Napuno na ng langaw.

1. Anong hayop ang alaga niya?


Sagot: Kalabaw ang hayop na alaga ni Mang Islaw.

2. Saan itinali ang kalabaw?


Sagot: Sa puno ng anahaw itinali ang kalabaw.

3. Sino ang nakalimot sa pagpapakain ng kanyang


kalabaw?
Sagot: Si Mang Islaw ang nakalimot sa pagpapakain
ng kanyang kalabaw.
14
Suriin

Tandaan na ang pagsagot sa mga tanong sa isang


napakinggang pabula ay may pinagbabatayang mga
naaayong tanong o pattern at hindi ito basta - basta na
lang sinasagot.

Halimbawa:
1. Anong hayop ang alaga niya?

Sagot: Kalabaw ang hayop na alaga ni Mang Islaw.


Pagpapaliwanag: Ang kalabaw ay sumasagot sa
tanong na ano dahil ang kalabaw ay isang hayop.

2. Saan itinali ang kalabaw?

Sagot: Sa puno ng anahaw itinali ang kalabaw.


Pagpapaliwanag: Sa puno ng anahaw ay sumasagot
sa tanong na saan dahil ito ay isang lugar na
pinangyarihan.

3. Sino ang nakalimot sa pagpapakain ng kanyang


kalabaw?
Sagot: Si Mang Islaw ang nakalimot sa pagpapakain
ng kanyang kalabaw.
Pagpapaliwanag: Si Mang Islaw ay sumasagot sa
tanong na sino dahil siya ay isang tao.
15
Pagyamanin

May ipaparinig akong isa pang pabula. Sagutin mo


ang mga sumusunod na tanong tungkol dito. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Kakailanganin ang tulong ng mga magulang o sino
mang kasama sa bahay para basahin ang kuwento na nasa
loob ng kahon.

Ang Uhaw na Uwak

May isang uhaw na uhaw na Uwak na gustong uminom sa


isang pitsel na naiwan sa mesa. Makipot lamang ang
bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ng Uwak ang ulo
upang sipsipin ng tuka ang tubig. Hirap na hirap abutin ng
Uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan. Kahit na anong
pilit ay hindi mabawasan ang sobrang pagkauhaw ng Uwak.

Tumingala siya at luminga-linga sa paligid. Alam niyang


may kasagutan sa alinmang problemang kinakaharap natin.
Tama siya! Sa isang iglap ay naisip niya ang tanging kasagutan.
Lumipad siya sa labas at tumuka ng isang munting bato na
inihulog sa loob ng pitsel. Nagpabalik-balik siya sa paglalagay
ng mumunting bato hanggang sa umabot ang tubig sa makitid
Mga Tanong: ng pitsel. Nakainom ang Uwak at natugunan
na bunganga
ang pagkauhaw niya sa isang iglap lamang.
1. Sino ang uhaw na uhaw?

A.uwak B. kalapati

C. langgam D. bubuyog

2. Saan gustong uminom ng tubig ang uwak?

A.baso B. pitsel C. tabo D. balde

3. Anong uring bunganga meron ang pitsel na may


lamang tubig?

A.malawak B. makipot C. malaki D. butas lang

Isaisip

Ngayon, malinaw na sa iyo kung paano sasagutin


ang mga tanong tungkol sa isang napakinggang pabula.
Handa ka na ba sa isa pang gawain?

Isagawa
Isa pang pabula ang mapapakinggan mo ngayon. Mula

Ang Malikot na Sisiw


Mga Tala para sa Tagapagdaloy
Kakailanganin ang tulong ng mga magulang o sino
May isang inahing kasama ng kaniyang mga sisiw.
mang kasama sa bahay para basahin ang kuwento na nasa
Nakatira sila sa silong ng isang bahay. Araw-araw ay
loob ng kahon.
naghahanap sila ng pagkain.
Isang araw, kinausap ng inahing manok ang
kanyang mga sisiw.
“Huwag kayong masyadong lalayo. May isang
uwak na nag-aabang upang kayo ay dagitin.”
Ngunit may isang anak na sisiw na malikot. Sa
paghahanap ng pagkain, siya ay napalayo sa mga
kasama. Hindi niya nakita ang papalapit na uwak.
Patuloy siya sa paghahanap ng uod. Nang
dadagatin na lamang siya ng uwak nagtatakbo ang
sisiw. “Inay! Inay! Tulungan niyo ako!”
Tumakbo ang sisiw patungo sa inahing manok.
Takot na takot ang malikot na sisiw.

sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat sa nakalaang


patlang ang sagot.
Mga Tanong:
1. Saan nakatira ang inahin at ang kaniyang mga sisiw?
Sagot:_________________________________________________
_______________________________________________________

18
2. Kailan sila naghahanap ng pagkain?
Sagot:_________________________________________________

_______________________________________________________

3. Ano ang bilin ng inahin sa mga sisiw?


Sagot:_________________________________________________
_______________________________________________________

4. Bakit napalayo ang isang sisiw sa kasamahan?


Sagot:_________________________________________________
_______________________________________________________

5. Sino ang nais dumagit sa sisiw?


Sagot:_________________________________________________
_______________________________________________________

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa


napakinggang pabula.

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Kakailanganin ang tulong ng mga magulang o sino mang
kasama sa bahay para basahin ang kuwento na nasa loob ng
kahon.
Ang Pagong ni Aba

Ang pagong ni Aba.


Babae ang pagong ni Aba.
Nabangga ang pagong ni Aba.
Nasugatan ang bibig ng pagong.

Mga Tanong:

1. Sino ang may pagong?


Sagot: ____________________________________________

2. Ano ang kasarian ng pagong ni Aba?


Sagot: ____________________________________________

3. Saang parte ng katawan nasugatan ang pagong?


Sagot: ____________________________________________

4. Anong nangyari at nasugatan ang pagong ni Aba?


Sagot: ____________________________________________

5. May pangalan ba ang pagong ni Aba?


Sagot: ____________________________________________

20
Karagdagang Gawain
Pakinggan mo naman ang isa pang pabula. Sagutin
ang mga tanong tungkol dito. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

Si Melo at ang Inahin

Sumulip si Melo sa pugad.


May inahin sa pugad.
Nakaupo ito.
“Putak-putak,” ang sigaw nito.
Tumayo ito at lumipad.
May nakitang bagay na puti si Melo.

Mga Tanong:
1. Ano sa palagay mo ang puting bagay na nakita ni
Melo nang lumipad ang inahing manok?
A. basahan B. itlog

C.papel D. balahibo

2. Saan nakita ni Melo ang inahing manok?


A. sa ilalim ng bahay B. sa puno ng manga

C.sa pugad D.sa basket

3. Sino ang nakakita sa inahing manok?


A. Melo B. nanay

C.bunso D. kapitbahay
21
Susi sa Pagwawasto

Isagawa Pagyamanin Subukin


1. silong ng isang bahay 1. a 1. a
2. b 2. a
2. araw-araw
3. b 3. c
3. Huwag kayong
masyadong lalayo.
4. sa paghahanap ng
pagkain
5. uwak

Karagdagang Gawain Tayahin


1. c 1. si Aba
2. babae
2. b
3. bibig
3. a 4. nabangga
5. wala
Sanggunian

Aklat
Liwanag, L. Ph. D. (2011). Landas sa Wika at Pagbasa
Binagong Edisyon 1. EduResources Publishing,
Inc. Quezon City.
Internet

https://www.google.com.ph/search?q=maikling+talat
a+grade+1&sxsrf

https://www.google.com.ph/search?q=maikling+talat
a+grade+1&sxsrf
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region X – Division of Oroquieta City

Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City

Telephone Number: (088) – 531-0831

Email Address: depedoroquieta@gmail.com

You might also like