You are on page 1of 16

\

Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

ARALIN 2.1
Katangian at Kalikasan ng Teksto
Talaan ng Nilalaman

Pangunahing Layunin 1

Tiyak na Layuin 1
Mga Kinakailangang Kasanayan 1

Paksang Aralin 2
A. Paksa 2
B. Kagamitan 2
C. Sanggunian 3
D. Takdang Oras 3

Pamamaraan 3
Springboard: 10 minuto 3
Pagganyak: 5 minuto 5
B. Pagtatalakay 6
Gawain 1: 5 - 7 minuto 6
Gawain 2: 5 - 7 minuto 8
Pagsusuri 8
Pagbuo ng Konsepto o Ideya 10
Paglalapat 11
C. Pangwakas na Gawain 12
Pagpapahalaga 12
Paglalahat 12
Paglalagom 13

Kasunduan 15

Mga Sanggunian 15
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Yunit 2 | Tekstong Impormatibo


Aralin 2.1: Katangian at Kalikasan ng Teksto

Pangunahing Layunin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na magagampanan ng mga mag-aaral ang
sumusunod na kasanayan:
● natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
(F11PB - IIIa - 98).

Tiyak na Layuin
Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na matututuhan ng mag-aaral ang
sumusunod:
● natutukoy at naipaliliwanag ang katangian at kalikasan ng tekstong
impormatibo; at
● natutukoy ang iba’t ibang halimbawa ng tekstong impormatibo.

Mga Kinakailangang Kasanayan


Bago talakayin ang araling ito, kinakailangang may paunang kasanayan at pag-unawa na
ang mga mag-aaral sa sumusunod na paksa:

Mga Kasanayan:
● nalalaman at nauunawaan ang kahulugan at katangian ng pagbasa; at
● natutukoy ang dalawang kognitibong elemento ng pagbasa
● natutukoy ang layunin, damdamin, tono at pananaw ng teksto
● naiisa-isa ang iba't ibang proseso ng pagbabasa
● natatalakay ang iba’t ibang konsepto at elementong kaugnay ng mga iba't ibang
proseso ng pagbabasa

1
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

● natutukoy ang iba’t ibang kasanayan sa pagpapaunlad ng akademikong pagbasa; at


● naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga kasanayan sa pagbasa sa pag-unawa ng
teksto
● natutukoy at naipaliliwanag ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo; at
● natutukoy ang iba’t ibang halimbawa ng tekstong impormatibo

Mga Paksa:
● Baitang 11, Yunit 1: Akademikong Pagbasa - Aralin 1: Kahulugan at Katangian ng
Pagbasa
● Baitang 11, Yunit 1: Akademikong Pagbasa - Aralin 1.2: Proseso ng Pagbasa
● Baitang 11, Yunit 1: Akademikong Pagbasa - Aralin 1.3: Iba't ibang Kasanayan sa
Pagpapaunlad ng Akademikong Pagbasa
● Baitang 11, Yunit 2: Tekstong Impormatibo- Aralin 1.1: Katangian at Kalikasan ng
Teksto

Paksang Aralin

A. Paksa
Tekstong Impormatibo
Dalawang Uri ng Impormasyon
Mga Halimbawa ng tekstong Impormatibo
Mga Kategorya ng tekstong Impormatibo

B. Kagamitan
● laptop
● smart tv/projector
● presentation slides
● study guide
● sipi ng teksto

C. Sanggunian
● Mark Angeles, Makata ng Taon 2016.” Komisyon sa Wikang Filipino.

2
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

● Quipper Study Guide FIL11 U2, Tekstong Impormatibo


● Quipper Video FIL 11 U2 L1, Katangian at Kalikasan ng Teksto
● Jonathan V. Geronimo ng UST, Itinanghal na KWF Mananaysay ng Taón 2021.
Komisyon sa Wikang Filipino.

D. Takdang Oras
40 minuto

Pamamaraan
Springboard: 10 minuto

Tukuyin Natin!

Ipagawa:
1. Bilang pagsukat sa kaalaman ng mga mag-aaral sa tatalakaying aralin,
magsasagawa ang guro at mga mag-aaral ng gawaing “Tukuyin Natin!”
2. Panuto sa pagsasagawa ng gawain:
- Ipabasa sa mga mag-aaral ang tekstong may pamagat na “Angeles,
Makata ng Taon 2016.”
- Ipatala sa mga mag-aaral ang mahahalagang impormasyong
sumasagot sa mga tanong na matatagpuan sa talahanayan.
- Ipagamit ang talahanayan sa pagsasagawa ng gawain.
3. Lunsarang Teksto:

Mark Anthony S. Angeles, Makata ng Taon 2016


Si Mark Anthony S. Angeles ang hihiranging makata ng taon sa Talaang Ginto
2016 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa kaniyang koleksiyon ng
mga tula na “Sariwà pa’ng Súlat/Súgat ng Báyan kong Sawî.”

Si Angeles ay nagtapos ng kursong BA Journalism sa Polytechnic University of


the Philippines at naging fellow sa Iowa International Writing Program noong
2013.

3
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Nagsilbing kasapi ng Lupon ng Inampalan ang mga makatang sina Rogelio


Mangahas, Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr., at Jerry B. Gracio.
Igagawad kay Angeles ang titulo sa ika-228 anibersaryo ng kapanganakan ni
"Francisco Balagtas" Baltazar sa Orion Elementary School, Orion, Bataan.
Tatanggap rin siya ng PHP 30,000.00 at tropeo mula sa KWF.

Ang Makata ng Taon: Talaang Ginto ay patimpalak para sa mga makata na


nagsimula pa noong 1963. Kabilang na sa mga nagwagi nito ang mga
maituturing na haligi ng Panulaang Filipino na sina Lamberto Antonio,
Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario, at Ruth Elynia Mabanglo.
Isa ito sa pinakamatagal at pinakaprestihiyosong mga parangal na
makakamit ng sinumang Filipinong makata magpahanggang ngayon.

4. Talahanayan 1: Tukuyin Natin!

Sino? Ano? Saan? Kailan? Paano?

Itanong habang sinasagutan ang talahanayan:


● Sino-sino ang mga personalidad na tinukoy sa teksto?
● Ano ang paksa ng teksto?
● Saan ang timpalak na tinukoy sa teksto?
● Kailan ito unang nagsimula?
● Paano naging prestihiyoso ang timpalak na binanggit sa teksto?
● Madali mo bang natukoy ang mga impormasyong sumagot sa mga
tanong na nakasaad sa talahanayan? Bakit?
● Sa iyong palagay, ano ang layunin ng tekstong iyong binasa?
Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong sa Student Guide.

4
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Pagganyak: 5 minuto
1. Ipakita ang larawan.

2. Sabihin: Aminin man o hindi ay nakasisiguro akong alam na alam ninyong lahat
ang mga kulay na iyan, ang yellow, orange, at red na madalas nating nakikita sa
mga balita sa telebisyon sa tuwing sumasapit ang malalakas na pag-ulan at
bagyo.
3. Itanong:
● Anong impormasyon ang inihahatid ng mga kulay? Suspensyon ng klase sa
tuwing sumasapit ang malakas na pag-ulan at bago.
● Ano ang mahalagang impormasyong ipinapakita nito? Nagkakaroon ng
kabatiran ang mga tao kung gaano katindi ang lakas ng ulan o bagyo.
● Kailan ikinakansela ang pasok ng mga nasa kindergarten? Kapag ibinaba
ang signal #1.
● Kailan nawawalan ng pasok ang lahat ng mga mag-aaral mula
kindergarten hanggang kolehiyo? Kapag ang ibinaba ng PAGASA ay signal #3
na.
4. Hikayating sumagot ang mga mag-aaral.
5. Sabihin:

5
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Ang impormasyon tungkol sa pagkansela ng klase at taas ng tubig ng


pagbaha ay sadyang mahalaga. Sapagkat nakapaghahanda ang mga tao sa
posibleng peligrong hatid ng malakas na pag-ulan at bagyo.

Mahahalagang Tanong:
1. Sabihin: Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong:
● Bakit mahalagang patuloy na magbasa ng iba’t ibang uri ng teksto?
● Bakit kailangang maging mapanuri sa impormasyong nababasa?
● Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto?
2. Ipaalam sa mga mag-aaral na ang mga tanong na ito ay sasagutin pagkatapos ng
talakayan.

B. Pagtatalakay
Gawain 1: 5 - 7 minuto
Winners Take All Stars
Sa gawaing ito, masusubok ng guro ang dami ng nalalamang impormasyon ng mga
mag-aaral. Matutuklasan din niya kung sino sa mga mag-aaral ang mahilig magbasa
ng mga impormatibong babasahin.

1. Ipakita ang larawan.

★★★★★★★★★
★★★★★★★★★
★★★★★★★★★
★★★★★★★★★
2. Bigyan ng tig-iisang flaglet ang mga mag-aaral (mahalagang naihanda na ang

6
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

mga flaglet bago pa man sumapit ang takdang araw ng pagtalakay sa araling
ito, kung wala namang naihandang flaglets ay mag-uunahan na lamang sa
pagtayo ang sinumang nagnanais na makasagot sa tanong ng guro.)
3. Agad na sasagutin ng mga mag-aaral ang bawat tanong ng guro.
4. Bawat makasagot ng tama ay bibigyan ng bituin.
5. Ang sinomang makaipon ng pinakamaraming bituin ang siyang magwawagi.
6. Mga tanong na babasahin ng guro:
● Ito ay tinatawag ding offshore bar. (sandbar)
● Kasama ang ibang mag-aaral ng Harvard College ay binuo niya ang
Facebook. (Mark Zuckerberg)
● Kung si Aurelio Tolentino ay Ama ng Dulang Kapampangan, sino
naman ang Ama ng Dulang Tagalog? (Severino Reyes)
● Pandaigdigang sistema ng mga computer networks. (Internet)
● Ang Internet ay pinaikli lamang, ito ay mula sa dalawang salita.
(Interconnected Network)
7. Iproseso ang naging sagot ng mga mag-aaral at iugnay ito sa aralin.
8. Maaaring pabasa sa mga mag-aaral ang Study Guide.

Gawain 2: 5 - 7 minuto

Ipagawa: Brainstorming
1. Pagpangkatin ang klase. Lahat ng mga nakakuha ng puntos/bituin ay
kailangang magkakahiwalay.
2. Bawat pangkat ay pag-uusapan ang paksang itatalaga ng guro.
3. Ipatala sa papel ang mga mapag-uusapan at ipapasa matapos ang pagtalakay
ng araling ito.
4. Maaaring sumangguni sa Quipper Study Guide o iba pang aklat o babasahin.
5. Mga paksa:
● Unang pangkat - Tekstong impormatibo, obhetibong teksto
● Ikalawang pangkat - Tuwiran at hindi tuwirang impormasyon
● Ikatlong pangkat - Mga tekstong impormatibo
● Ikaapat na pangkat - Mga kategorya ng tekstong impormatibo

7
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

6. Maaaring ipaulat o ipabahagi sa klase ang resulta ng gawaing ito. Pumili ng


pinakamahuhusay na pangkat na nagtalakay.
7. Iproseso ito kung kinakailangan.

Pagsusuri

Para sa Gawain Opisyon 1: Suriin


Mungkahi: Malayang talakayan o Pangkatan. Kung pangkatan, bahala na ang guro
sa pagpapangkat, depende sa dami ng mag-aaral o laki ng klase.

1. Ipakita ang graphic organizer at pasagutan.

Patunayang Patunayang Patunayang Patunayang


obhetibo ang mapanghahawak maikakategorya maaaring
tekstong an ang nilalaman ang mga tuwiran o hindi
impormatibo ng iba’t ibang uri tekstong tuwiran ang
ng tekstong impormatibo impormasyong
impormatibo batay sa mga hatid ng mga
aspektong tekstong
kinabibilangan impormatibo.
nito

2. Magpabuo ng kongklusyon.
3. Maaaring ipaulat ang resulta ng pagsusuri.
4. Talakayin o iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

Gabay:
● Masasabing obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil
naglalahad ito ng tiyak na katotohanan o kaalaman nang walang
pagkiling. Halimbawa: Ang mga balita ay naglalaman ng
katotohanan, hindi maaaring ito ay maglaman ng sariling opinyong
ng sumulat ng naturang balita.
● Totoong maaaring tuwiran o hindi tuwiran ang mga impormasyon.
Tuwiran ito kung ang impormasyon ay nagmula mismo sa taong
nakaranas ng sitwasyon, tuwiran kung ang impormasyon ay

8
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

nagmula mismo sa saksi. Hindi tuwiran kung mayroon ng iba pang


pinanggalingan ng impormasyon.
● Maraming uri ng tekstong impormatibo, ang ilan sa mga ito ay
balita, patalastas, anunsyo, at memorandum. Ngunit masasabing
hindi pa rin mapanghahawakan ang lahat ng ito, sapagkat may ilan
sa mga ito ay naglalayon lamang na manghimok ng tao, halimbawa
nito ay ang patalastas ng mga produkto. Walang patalastas na
magsasabing hindi maganda ang produkto nila.
● Hindi dahil nasa uri ng tekstong impomratibo ang babasahin ay iisa
lamang ang nilalaman, estilo ng pagkakasulat, ikli o haba, at iba pa.
Katunayan, ang balita ay maiikli lamang gaya ng mga patalastas.
Ang memorandum naman ay may sariling paraan ng pagpapaalam
ng impomrasyon.

Para sa Gawain Opisyon 2: Sagutin!


1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong batay sa naging
pag-unawa sa Gawain 1 at 2.
● Ano ang layunin ng tekstong impormatibo?
● Ano ang pagkakaiba ng balita at patalastas?
● Para kanino madalas na ipinatutungkol ang memorandum?
● Ano ang pagkakaiba ng tuwiran at hindi tuwirang impormasyon?
● Ano ang madalas na midyum ng mga patalastas at balita?
2. Ipaulat o ipabahagi sa klase ang sagot ng mga mag-aaral.
3. Talakayin o iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

Pagbuo ng Konsepto o Ideya


Opsiyon: Maaari ding ipanood ang Quipper Video o ilang bahagi nito para sa araling ito
bilang alternatibo o pantulong na gawain sa pagbuo ng konsepto.

9
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

1. Ipakita ang grapikong pantulong.

2. Magpabuo ng mahahalagang konsepto o ideya tungkol sa tekstong


impormatibo. (Iba-iba ang maaaring maging sagot.)
3. Talakayin o pagtibayin ang sagot ng mga mag-aaral.

Gabay:
Pangunahing Konsepto o Ideya:
● Ang tekstong impormatibo ay tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak
na impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano tungkol sa isang
paksa.
● Masasabing obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad
ito ng tiyak na katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.
● Ang tekstong impormatibo ay tuwiran at hindi tuwiran. Tuwiran kung ito
ay nagmula sa mismong may karanasan o saksi. Hindi tuwiran kung

10
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

nagmula na ito sa iba, gaya ng napagkuwentuhan lamang ng saksi at ang


napagkuwentuhan ang siyang napagkuhanan ng impormasyon.
● Maikakategorya ang mga tekstong impormatibo ayon sa sumusunod:
midyum kung paano ito naipararating, katangian ng haba nito, paksa,
pinanggagalingan ng impormasyon, layunin ng pagpaparating ng
impormasyon, at kung ano-anong detalye ang nilalaman nito.
● Maraming babasahin ang naghahatid ng impormasyon, ilan sa mga ito
ay ang balita, patalastas, anunsyo, at memorandum.

Paglalapat
● Ipagawa: (Maaaring indibidwal na gawain o pangkatan)
1. Ipakita ang grapikong pantulong.

2. Maaaring magpabunutan ang mga mag-aaral sa uri ng tekstong impormatibo


na hahanapin.
3. Hanapin ang uri ng tekstong nabunot. Suriin ito ayon sa:
● impormasyong inilalahad,
● uri ng impormasyon, at
● kategorya.
4. Gawan ito ng presentasyon at iulat sa klase.

11
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

5. Iproseso ang mga ibinahaging impomrasyon ng mga mag-aaral.


6. Maaari din itong ibigay na kasunduan.

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong:
Paano napakikinabangan ng mga tao sa pang-araw-araw nilang pamumuhay ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa tekstong impormatibo?

Paglalahat
Sa araling ito ay natutuhan natin ang sumusunod na kaalaman.

Inaasahang Pag-unawa
1. Itanong muli ang mahahalagang tanong.
2. Hayaan munang ipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot bago
ipakita ang mga inaasahang pag-unawa.
● Ang pagbabasa ng iba’t ibang uri ng teksto ay nakatutulong sa
pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman.
● Lahat ng nababasa ay kailangang sinusuri upang masigurong ito ay
tama.
● Ang pagkakaroon ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto ay
nakatutulong upang higit pang maunawaan ang kakanyahan ng bawat
uri ng teksto.
Paglalagom
● Ang tekstong impormatibo ay tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na
impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Sinasagot nito ang
mga tanong na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.
● Obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad ito ng tiyak na
katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.
● Maaaring tuwiran o hindi tuwiran ang impormasyong hatid ng tekstong

12
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

impormatibo.
● May iba’t ibang uri o halimbawa ng tekstong impormatibo na maaaring
maikategorya pa ayon sa aspektong kinabibilangan nito.

Pagtatasa
Mga Panuto:
1. Humanap at pumili ng dalawang halimbawa ng tekstong impormatibo ( maaaring
balita, patalastas, anunsyo at memorandum). Ilakip sa kahon ang napiling teksto.
2. Basahin at suriin ang mahahalagang impormasyong hatid o inilalahad nito.
3. Sagutin ang mga tanong na nakasaad sa talahanayan upang matukoy ang
mahahalagang impormasyon.
4. Gamitin ang talahanayan sa pagsasagawa ng gawain.

Teksto 1: Pamagat _____________________________________________

(Sipi ng artikulo)

Ano ang Paksa


ng Teksto?

Sino? Ano? Saan Kailan? Paano?

13
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

Teksto 2: Pamagat _____________________________________________

(Sipi ng artikulo)

Ano ang Paksa


ng Teksto?

Sino? Ano? Saan Kailan? Paano?

Kasunduan
Ipagawa:
● Bumuo ng isang Mapa ng konsepto tungkol sa Katangian at Kalikasan ng Teksto.
● Bumuo ng kongklusyon sa tinalakay na aralin.

Mga Sanggunian
Bernales, R. et. al. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang-aklat sa Filipino II
Antas Tersyarya. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc., 2009.

14
Baitang 11 • Yunit 2: Tekstong Impormatibo

De Laza, Crizel. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Lungsod ng
Maynila: Rex Book Store Inc., 2016.

“Mark Angeles, Makata ng Taon 2016.” Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha mula sa
http://kwf.gov.ph/mark-anthony-s-angeles-makata-ng-taon-2016/

Jocson, M. et. al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Lungsod ng Quezon: Lorimar
Publishing Co., Inc. 2005.

“Jonathan V. Geronimo ng UST, Itinanghal na KWF Mananaysay ng Taón 2021.” Komisyon sa


Wikang Filipino. Nakuha sa
https://kwf.gov.ph/jonathan-v-geronimo-ng-ust-itinanghal-na-kwf-mananaysay-ng-ta
on-2021

“Mark Anthony S. Angeles, Makata ng Taon 2016.” Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha sa
https://kwf.gov.ph/mark-anthony-s-angeles-makata-ng-taon-2016/

Pacay, W. III. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik: K to 12


Compliant Worktext in Filipino for the Senior High School. Lungsod ng Pasay: JFS
Publishing Services, Inc., 2016.

15

You might also like