You are on page 1of 13

\

Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng Lugar na Pinagmulan Nito

ARALIN 2.1

Ang Kuwentong-bayan
Talaan ng Nilalaman

Mga Layunin sa Pagkatuto 1

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1

Mga Kinakailangang Kasanayan 1

Paksang Aralin 2
A. Paksa 2
B. Kagamitan 2
C. Sanggunian 2
D. Takdang Oras 2

Pamamaraan 2
A. Panimulang Gawain 2
Springboard: 10 minuto 2
Pagganyak: 10 minuto 3
B. Pagtatalakay 4
Gawain 1: 15 minuto 4
Gawain 2: 15 Minuto 5
Pagsusuri 5
Pagbuo ng Konsepto o Ideya 6
Paglalapat 7
C. Pangwakas na Gawain 7
Pagpapahalaga 7
Paglalahat 8
Paglalagom 8
Kasunduan 11

Mga Sanggunian 12
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

Yunit 2 | Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian


at Kalagayang Panlipunan ng Lugar na Pinagmulan
Nito
Aralin 1: Ang Kuwentong-bayan

Pangunahing Layunin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na magagampanan ng mga mag-aaral ang
sumusunod na kasanayan:
● Nahihinuha ang mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kwentong-bayan batay sa pangyayari at usapan ng mga
tauhan (F7PN-Ia-b-1).
● Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng tradisyon at
akdang pampanitikan batay sa napanuod na kuwentong-bayan
(F7PD-Ia-b-1).

Tiyak na Layuin
Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na matututuhan ng mag-aaral ang:
● natutukoy ang kahalagahan ng mga kwentong-bayan sa pagtuklas ng
kultura, tradisyon, gawi at paniniwala ng isang lugar.

Mga Kinakailangang Kasanayan


Bago simulan ang aralin, kinakailangan na ang mag-aaral ay may naitaguyod nang
kaalaman at kasanayan sa:
● Baitang 7, Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang
Panlipunan ng Lugar na Pinagmulan Nito - Aralin 1: Ang Kuwentong-bayan

1
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

Paksang Aralin

A. Paksa
Ang Kuwentong-bayan

B. Kagamitan
● laptop
● projector/smart TV
● presentation slides ng aralin at kaugnay na mga gawain
● mga larawan

C. Sanggunian
● Filipino 7, Yunit 2: Ang Mataba at Payat na Usa. Aralin 1: Ang Pabula. Quipper Study
Guide. 2018.

D. Takdang Oras
40 minuto

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Springboard: 10 minuto
1. Ipagawa: (Slide 4-9)
● Ipakikita ng guro ang mga pamagat na may kinalaman sa
kwentong-bayan sa ating bansa. Matapos nito ay tatawag siya ng
mag-aaral na nakaaalam sa kuwento upang isalaysay ito sa harap ng
klase.

2
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

● Ang mga larawan ay ang sumusunod:


● Alamat ng Pinya
● Si Malakas at Si Maganda
● Si Pagong at Si Kuneho
● Ang Parabula ng Alibughang Anak
2. Itanong:
● Ano-anong uri ng kuwentong-bayan ang mga naisalaysay?
● Ano ang Alamat?
● Ano ang Mito?
● Ano ang Parabula?
● Ano ang Pabula?

Pagganyak: 10 minuto
1. Ipagawa:
● Ipatukoy ang pamagat ng mga kuwentong-bayan sa ibaba: (Slide 10-15
)
Ang Alamat ng Rosas
Ang Langgam at ang Tipaklong
Ang Kuwento ni Maria Makiling
Ang Parabula ng Mabuting Samaritano
2. Itanong:
● Paano naituturing ang isang akda bilang isang kuwentong-bayan?
● Liban sa mga aral mula sa akda, ano pa mula sa kuwentong -bayan
ang natatamo ng mga mambabasa?

Mahahalagang Tanong:
1. Itanong:
● Bakit nararapat na matukoy, makilala at maunawaan ang mga
kaugalian at kultura ng isang pook mula sa isang akdang binasa?
2. Ipaalam sa mga mag-aaral na ang mga tanong na ito ay sasagutin
pagkatapos ng talakayan.

3
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

B. Pagtatalakay
Gawain 1: 15 minuto

Opsyon 1: Gumuhit Tayo !


Takdang Oras: 1-3 minuto
1. Sa isang malinis na papel, aatasan ng guro ang bawat mag-aaral na
gumuhit ng dalawang hayop na maiuugnay nila sa kanilang sarili. Ang
unang hayop ay dapat na may kaugnayan sa kalakasan o mabubuting
asal ng mag-aaral, habang ang ikalawang hayop ay may kaugnayan sa
kahinaan o hindi magagandang asal ng mag-aaral. Lagyan ng tatlo
hanggang limang pahayag ng pagpapaliwanag ang bawat larawan.
2. Bubunot ang guro ng pangalan ng anim na mag-aaral na
magbabahagi ng kanilang gawa. Ang unang tatlo ay para magbahagi
ng kalakasan, at ang natitirang tatlo ay magbabahagi ng kahinaan.

Opsyon 2: Magkuwentuhan Tayo


Takdang Oras: 1-4 minuto
1. Hatiin ang klase sa tigtatatlong kasapi ang bawat pangkat. Habang
nagpapangkat ang klase.
2. Ipapanood sa klase ang video ng kuwentong “Ang Munting Pulang
Inahing Manok.”
3. Makalipas panoorin ang video, magtatala ang bawat pangkat ng lahat
ng posibleng mahahalagang kaisipan o aral na maaaring matukoy
mula sa natunghayang pabula.

Pagsusuri

Para sa Opsiyon 1: Gumuhit Tayo !


Itanong:

4
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

1. Anong hayop ang iyong napiling maglarawan ng iyong kalakasan at


kahinaan? Malayang sagot.
2. Paano mo naiugnay ang napiling mga hayop upang maglarawan ng iyong
kalakasan at kahinaan bilang isang tao? Malayang sagot.
3. Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais mo bang magkaroon ng sariling
kuwentong pabula ang iyong buhay? Bakit? Malayang sagot.

Para sa Opsiyon 2: Magkuwentuhan Tayo


Itanong:
1. Ano-anong mahalagang kaisipan, aral, o ideya ang napulot ng inyong pangkat
mula sa napanood na video? Malayang sagot. Maaari ang ilan o lahat ng mga
ito: ang pagiging matiyaga ng inahing manok sa kaniyang mga kaibigan,
pagiging masipag, pursigidong makapagkamit ng bunga sa kaniyang mga
pinaghirapang trabaho, hindi pangmamaliit sa kakayahan at posibleng
kawilihan ng mga kaibigang hayop na maaaring tumulong sa kaniya, at
pagpapatunay ng kasabihang “Kapag may isinuksok, mayroong madurukot.” Sa
bahagi ng mga kaibigang hayop, ipinararating ng kuwentong pabula na ang
anumang gantimpala o bungang maaaring lasapin ay pinaghihirapan, at hindi
bastang dumarating lamang sa ating buhay. Dahil hindi nagbanat ng buto,
tumulong, at naghirap ang mga kaibigang hayop, sa huli, hindi sila
karapat-dapat sa pagkain ng tinapay mula sa trigo. Sa ganoong paraan,
matutuhan nilang kailangang pagtrabahuhan ang anumang gantimpalang nais
mong makuha.
2. Ano sa inyong palagay ang layunin ng napanood na pabula? Tulad ng
daan-daang pabulang naisulat na at isusulat pa lamang, ang napanood na
pabula ay may layong magturo ng aral para sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng mga tao, at maghatid ng kaisipang kapupulutan ng mabubuting asal at
gawang maaaring tularan ng mga tao.
3. Paano nakatulong ang paggamit ng hayop upang mapalutang ang mga
kaisipang naitala ninyo? Una, nagiging malikhain ang isang akda, sa gayong
paraan, mas madaling nakukuha ang interes ng mga mambabasa upang

5
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

tunghayan ang kuwento. Ikalawa, ang mismong mga tauhang hayop na


gumaganap ng papel sa mga pabula ay nagtataglay ng kani-kaniyang katangian.
Ang magkakaibang katangiang ito ang nagbibigay-buhay sa pagkatao ng mga
hayop, at nagdadala sa patutunguhan ng kuwento.

Pagbuo ng Konsepto o Ideya

Talakayin:
1. Magkaroon ng malayang talakayan gamit ang Quipper Study Guide hinggil sa
araling tumatalakay sa Kuwentong-bayan.
2. Magpapanood ng video ng pabula ng “Ang Mataba at Payat na Usa.”
3. Himayin ang natunghayang pabula batay sa nilaman nitong:
mga tauhan; tagpuan; suliranin; mga aral; at mahahalagang kaisipan.
4. Mga gabay na tanong sa talakayan:
● Ano o ano-anong hayop ang gumanap sa napanood na video? Isang
mataba at isang payat na usa.
● Ano o ano-ano ang aral na napulot sa napanood na kuwento? Huwag
maging sakim at ganid. Ipinakita rin sa akda ang hindi magandang
bunga inggit.
● Ano ang mahahalagang kaisipang ipinababatid ng pabulang
natunghayan? Matutong magpakumbaba.
● Sa inyong palagay, bakit mahalagang tukuyin pa ang mga aral at
mahahalagang kaisipan mula sa mga akdang pabulang ating
nababasa, napakikinggan, o napanonood? Dahil ang mga aral at
mahahalagang kaisipang napupulot sa bawat akdang pabula ang
pinakalayunin kung bakit naisulat ang mga kuwentong iyon.

Paglalapat
Itanong:
● Bakit nakawiwiling basahin o panoorin ang kuwentong-bayan? Sapagkat
napupunan nito ang iba-ibang kahingian ng mga mambabasa batay sa kanilang

6
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

mga panlasa pagdating sa kuwento, may genre na ang aral ay matatamo mo


buhat sa isinumpang tao na naging isang bagay, mayroon namang, ihinango sa
banal na aklat, mayroon ding kuwento ng diyos at dyosa at nariyan din ang aral
na matatamo mo buhat sa mga tauhang hayop.
● Bakit mahalaga ang pagbabasa at pagtatalakay ng mga kuwentong-bayan?
Mahalaga ito para sa pagpapanatili tradisyon, paniniwala at kultura ng lugar na
pinagmulan ng akda. Gayundin, isa ito sa mga paraan upang magkintal ng
mabubuting asal at aral sa buhay sa isip ng mga tao. Ang pagtatalakay sa mga
akdang pabula ay nakatutulong din naman upang mag-anak pa ito ng mas
malalim na baul ng mga ideyang maaaring pagmulan ng mga lilikhain pa
lamang na mga kuwentong-bayan.
● Paano mo nabibigyang-tatak ang mga kuwentong-bayan kumpara sa iba
pang uri ng mga akdang pampanitikan? Ang mga paksa nito ay labis na
makauugnay sa buhay ng isa payak na tao. Nakapupukaw ito ng atensyon
sapagkat ang paksa maging ang mga aral nito ay makatotohanan.

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong:
Paano ka makatutulong upang mapaunlad pa ang pagtangkilik ng mga bata
at matatanda sa mga kuwentong-bayan?

Paglalahat
Sa araling ito ay natutuhan natin ang sumusunod na kalaaman.

Inaasahang Pagpapahalaga
1. Itanong muli ang mahahalagang tanong. Balikan ang Slide 16 .
2. Hayaan munang ipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot
bago ipakita ang mga inaasahang pagpapahalaga. (Slide 27)

7
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

● Nararapat na matukoy, makilala at maunawaan ang mga


kaugalian at kultura ng isang pook mula sa isang akdang
binasa upang makilala natin ang kanilang kultura at
maunawaan kung gaano kakulay at kaunlad ang kanilang
tradisyon. Higit doon ay makabubuo tayo ng respeto na susi sa
maayos na takbo ng lipunan.

Paglalagom
Ipakita ang paglalagom.
● Ang kuwentong-bayan ay nagpasalin-salin sa dila ng ating mga
ninuno. Layon nito ang makapagdulot ng mabuting asal.
● May apat na uri ang kuwentong-bayan, ang alamat, pabula, parabula
at mito.
● Sa pamamagitan ng pagbabasaa ng mga kuwentong-bayan ay
nakikilala natin ang tradisyon, paniniwala at gawi ng mga
mamamayan sa lugar na pinagmulan nito.

Pagtatasa (Gabay sa Pag-wawasto)


Basahin at unawain ang maikling pabulang nakasaad sa ibaba. Punan ang sumusunod na
tanong pagkatapos basahin ang maikling akda.

Ang Langgam at ang Kalapati

Napagod sa kahahanap ng pagkain ang langgam kaya naipasya niyang uminom sa


batisan.

Sa pangingilid sa batuhan ay sinamang palad na madulas ang pobreng insekto na


ikinalublob niya sa tubig. Pinagsikapan ng langgam na makaahon, pero sa lakas ng alon

8
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

ay unti-unti siyang lumulubog.

Sa sobrang takot ay nagsisigaw siya at nagmakaawang tulungan sana ninuman.

Salamat at nakita siya ng isang lumilipad na kalapati. Ibinuka ng ibon ang bagwis at
dumapo sa pinakatuktok ng punong mangga. Tinuka-tuka nito ang sanga ng puno.
Natuwa ito nang makitang nalaglag ang isang dahon sa mismong tubig na kinaroroonan
ng insekto.

Dali-daling sumampa sa berdeng dahon ang takot na takot na langgam. Malalim itong
napabuntonghininga nang mailigtas nito ang sarili.

"Sa... salamat, kaibigang kalapati. Tinatanaw kong malaking utang na loob ang tulong na
bigay mo. Kung hindi sa kabutihang loob mo ay tiyak na patay na ako."

Ngumiti lang si kalapati. Para sa kaniya tumulong lang siya sa langgam na walang
inaasahang ganting anuman.

Minsan ay napagod sa kahahakot ng pagkain ang langgam. Ibinaba muna niya sa burol
ang pasan-pasang bulto ng asukal. Natuwa siya nang matanaw sa hindi kalayuan ang
isang talong inaagusan ng malinaw na tubig at naiinuman.

Lalong nangislap ang mga mata niya nang makita mula sa mabilis na paglipad ang
paglapag ng kalapating kaibigan.

"Makakasabay ko siya sa pag-inom. Itatanong ko sa kaniya kung hindi ba siya nalulula sa


paglipad sa kalangitan, at kung umuulan, saan saan kaya siya sumisilong?"

Marami pa sanang bagay-bagay na iisa-isahing itanong si langgam kay Kalapati nang


mapamulagat ito sa takot. Kitang-kita niya sa harap ng puno ng mangga ang isang

9
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

mangangasong nagbinit sa pana nito at umasinta sa walang kamalay-malay na kalapating


noon ay umiinom.

Mabilis na mabilis ang pagkakataon. Sa isang iglap ay matuling nagtatakbo ang langgam
sa kinaroroonan ng manunudla. Nang pakakawalan na ang tudla ay mariing kinagat ng
langgam ang paa ng mangangaso. Sa halip na tamaan ang inaasinta ay napaigtad ang
manunudla at pumaitaas sa langit ang matulis na bala ng pana.

(Ang mga nakapalihis ay ang mga tamang sagot.)

I. Mga Tauhan
A. Langgam (pangunahing tauhan)
B. Kalapati (pangunahing tauhan)
C. Mangangaso

II. Suliranin
Papaano maililigtas ng langgam ang kaibigang kalapati mula sa kamay
ng mangangasong tina-target itong panain?

III. Mga Aral


A. Pagtulong sa sinumang nangangailangan
B. Pagtanaw ng utang na loob
C. Pagtulong nang bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit
D. Maliit ka man o malaki, marami kang magagawang ikabubuti ng iyong
kapuwa

IV. Buod (2 puntos)


Minsan nang iniligtas ng kalapati ang langgam mula sa bingit ng kamatayan.
Kaya nang dumating ang pagkakataong nasaksihan ng langgam ang

10
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

pagtatangka sa buhay ng kaibigang kalapati, hindi siya nag-atubiling ilayo ito sa


kapahamakan sa abot ng kaniyang kakayahan. Kinagat niya ang mangangasong
papana sana sa kaibigan.

Kasunduan
Magsaliksik ng halimbawa ng alinman sa uri kuwentong-bayan. Basahin at unawain ang
nasaliksik. Pagkatapos, magkaroon ng paghihimay sa akda sa pamamagitan ng pagpuno sa
hinihingi ng balangkas sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis na bond paper.

I. Mga Tauhan
II. Tagpuan
III. Suliranin
IV. Mga Aral
V. Buod

Mga Sanggunian
Adaya, Jomar G., et. al. Retorika at Masining na Pagpapahayag: Kasaysayan, Teorya,
Antolohiya at Praktika. Malabon: Jimczyville Publications. 2012

Aragon, Angelita L. 1986,. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other
Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press.

11
Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan:Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
ng Lugar na Pinagmulan Nito

Lazarito-Hufana, et al. 2001. Mga Piling Kuwentong-Bayan ng mga Maguindanaoan at


Maranao. Marawi City: University Book Center, Mindanao State University.

SDO-QC LRMS-SLRs. “FILIPINO Unang Markahan – Modyul 1: Kuwentong Bayan Mga


Pahayag na Nagbibigay ng mga Patunay.” Accessed October 9, 2021.
https://drive.google.com/drive/u/0/folders/1np2kd8XXzDZhNiDM88ThLCWwLomIoc
Zc

12

You might also like