You are on page 1of 3

TAYUTAY- isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang labas sa patitik

na kahulugan upang maging marikit, at masining ang pagpapahayag. Ginagamit upang bigyang diin ang
isang kaisipan o damdamin.

MGA URI NG TAYUTAY


1. PAGTUTULAD (SIMILI)
-ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa,
ginagamitan ng mga salitang tulad ng, kawangis ng, tila, sing, magkasing, magkasim at iba pa.
Halimbawa: Ikaw ay tulad ng bituin

2. METAPORA O PAGWAWANGIS (METAPHOR)


Tiyak na paghahambing hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, kawangis, sim, sing at iba
pa.
Halimbawa: Ang kanilang bahay ay malaking palasyo

3. PAGSASATAO (PERSONIFICATION)
Pagbibigay- buhay sa mga bagay na walang buhay. Pagbibigay ng mga katangian ng tao tulad ng
talino, gawi, kilos sa mga bagay-bagay.

Halimbawa: Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating

4. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)
Pagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari
Halimbawa: Bumabaha ng dugo sa lansangan.
Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.

5. PAGPAPALIT SAKLAW (SYNECDOCHE)


Pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o idyea bilang pagtukoy sa kabuuan.
Halimbawa: Hingin mo ang kanyang kamay.
Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan!

6. PAGTAWAG (APOSTROPE)
Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ay isang tao.
Halimbawa: Katapangan, lumapit ka sa akin.
Ulan, bumohus ka’t mundo’y lunuring tuluyan.

7. PAGHIHIMIG (ONOMATOPEYA)
Paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog o himig ay nagagawang maihatid ang kahulugan
nito.
Halimbawa: Ang tik-tak ng relo ay tila nagsasabing ikaw ay parating na.
Ang twit-twit ng ibon ay kaysarap sa tenga.
MGA TUGMANG PAMBATA

Ito ay mga tula, berso, kanta, o awiting kinawiwilihan ng mga bata dahil sa pagkakaroon ng mga
ito ng nakasisiyang mga tugmaan ng tunog, tinig, at mga salita. Isang halimbawa nito ang Pen-
pen de Sarapen.
Pen Pen di Sarapen, de kutsilyo de almasen.
Hau hau de kalabaw, de batuten!
Sayang pula, tatlong pera,
Sayang puti, tatlong salapi.
Sipit namimilipit, gintong pilak
Namumulaklak sa tabi ng dagat!

KATANGIAN NG TUGMANG PAMBATA


May mga dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga bata ang makinig at magsambit ng mga kataga
ng mga tugmaang pambata. Naging bantog ang mga ito sa mga bata dahil sa mga katangian nito.
Sari sari ang mga paksa ng mga panulaang pambata, katulad ng mahaharot na mga bata, mga
taong may masasamang mga ugali o gawi, matatandang mga kababaihan, mga hari, mga reyna, at
mga hayop. Naglalahad ang iba ng mga kuwentong pambata na kalimitang may sigla at
nakasisiyang pakinggan. Mayroon namang labis ang pagiging nakakatawa, bagaman mayroon ding
malulungkot. Siyempre, mayroon itong tiyak na tugmaan ng mga tunog at salita, kahit na walang
saysay ang mga nilalaman o mensahe. May mga himig ang mga ito na naaangkop sa bawat
damdaming nakakaantig sa mga isipan, pandinig, at puso ng mga bata.

IBA PANG HALIMBAWA

ANG BATA AT ANG MAYA


Akda ni: Eugene Y. Evasco
“Gala ka ng gala, mayang kapitbahay.
Nariyan ang virus, baga mo’y tatamlay!”
“Kaibigang bata, huwag malulumbay
Kaming nasa pugad, di nagsisiksikan”

“Magsuot ng facemask, kalaro kong maya.


Napakatapang mong ligtas sa Pulmonya”
“Ikaw bay an, bata? Hindi ko makita,
Ngiti mong matamis dahil sa maskara”

“May dalang kamandag ang ubo at hatsing.


Ayokong masinghot ang maruming hangin.”
“Tumitiririt lang at di bumabahing
Pasalamat kami at ligtas sa lagim”

“ Hayan na, hayan na! darating ang lupit


Bubulagain ka sa banta ng bagsik”
“Tingnan kami bata, laging nagmamasid
Pagbangon ang araw sa mahabang idlip”
“Nasilayan kitang lumilipad-lipad
Tuka-tuka’y uod, pauwi sa pugad
Aking naalala, Ligaya sa labas
Magpiko’t taguan, sunog man ang balat”

“Tanaw kita, bata, sa iyong tahanan


Hanap moy musika ng iyong tag-araw
Kuliling, lagaslas, halakhak, palabaw
Huwag sumimangot, kita’y aawitan.

You might also like