Professional Documents
Culture Documents
Pang Abay Files
Pang Abay Files
Magsisimba ka sa Linggo.
Oras-oras kitang iniisip.
Palagi akong nagluluto.
Pumanaw siya kamakailan lamang.
Nalulungkot ako sa tuwing ikaw ay umiiyak.
Madalas akong bumisita sa kanila.
Ni minsan ay hindi kita pinagtaasan ng boses.
Araw-araw ko siyang kinukumusta.
Umalis siya kani-kanina lang.
Magaganap ang reunion sa Setyembre 26.
Ang Pang-abay na Pamanahon o adverb of time ay ang mga kataga o salita na naglalarawan ng petsa,
panahon at oras, dalas at dalang.
Naglilinaw ito kung kailan naganap, nagaganap at magaganap ang isang kalagayan. Sa pamamagitan ng
mga salitang ito, nailalagay sa tamang kapanahunan ang isang pangyayari na siyang diwa ng
pangungusap.
Sa pagtiyak ng isang ebidensya, kailangan ang tamang pang-abay na pamanahon lalo na sa pagkilala ng
mga katotohanan at lohikal na pagkakasunud-sunod.
imstatel
Ambitious
Mga Halimbawa:
Saan ka nakatira? / Ako ay nakatira sa Maynila.
Kunin mo ang silya at ipasok mo rito sa loob ng bahay.
Nasaan ka nung mga panahon na kailangan kita?
Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o
magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Sa ganitong uri ng pang-abay, ginagamit ang mga
panandang na, nang, at -ng. Ilan sa mga halimbawa nito ay maliksi, masiyahin, mahusay, sakto,
matamlay, atbp.
Halimbawa:
Mga Halimbawa ng Pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap:
Mahusay niyang ginuhit ang self-portrait dahil likas sa kanilang pamilya ang magaling sa sining.
Gusto niyang magtagumpay sa mga palarong-Pinoy sa eskwela dahil alam niya sa sarili na siya na ang
pinakamaliksing naglalaro dito.
Masayahing sinalubong ng mga mamamayan ang mga nanalo ng SEA Games.
Tinugtog niya nang matamlay ang pyesa sa piano dahil wala siya sa mood.
Saktong nakaaaliw ang kaniyang tinula sa gig dahil alam niyang maraming umaasa ng comedy act noong
gabing iyon.