You are on page 1of 45

MAGANDANG HAPON

PANG-ABAY
Ito ay mga salitang nagbibigay turing o
naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY SA PANGUNGUSAP
Nagpaluto ako ng biko kay Aling Marta.
Niyakap ko siya nang mahigpit.Pupunta ako
bukas sa parke
Tila mahina na si Ka Pedring
Uuwi ako mamayang gabi.
MGA URI NG PANG-ABAY
PAMANAHON
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad
kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa sa pangungusap.
TATLONG URI ANG
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PAMANAHONG MAY PANANDA
Ito ay ginagamitan ng mga panandang nang,
sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, o hanggang.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PAMANAHON NA
MAY PANANDA
Nabuhayan ako ng loob nang aking masilayan ang
kanyang ngiti.
Umpisa bukas ay gigising ako ng maaga.
Kapag Mayo ay dinadalaw ko ang aking Lola.
Naaalala ko ang aking kamusmusan tuwing umuuwi
ako sa probinsya.
Mahilig kami maglaro ng taguan noong kami’y bata
pa.
PAMANAHONG WALANG PANANDA
Ito ay ginagamitan ng mga panandang
kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas,
sandali, atbp.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PAMANAHON
NA WALANG PANANDA
Kunin mo mamaya ang telang ipinatago ko sa’yo.
Ikinalulungkot ko ang ating hindi pagkikita kanina.
Ngayon ko lang naranasan ang ganitong kasiyahan.
Nag-usap tayo kanina at hindi ko na malilimutan
ang mga salitang binitiwan mo.
Pupunta kami bukas sa palengke.
PAMANAHONG NAGSASAAD NG DALAS
Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad
ng dalas. Halimbawa nito ay ang mga salitang
araw-araw, taun-taon, tuwing, oras-oras, linggo-
linggo, atbp.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PAMANAHON NA
NAGSASAAD NG DALAS
Tuwing Biyernes ay maaga akong gumigising.
Ang araw-araw na gawain sa bahay ay
nakakapagod pero kailangan.
Tuwing bakasyon ay pumupunta kami sa probinsya.
Ang taun-taon na selebrasyon ng fiesta sa aming
bayan ay laging masaya at makulay.
Oras-oras ay inaabangan mo ang pagbabalik niya.
PANLUNAN
Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa
pook o lugar na pinangyarihan, pinangyayarihan,
o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang
mga salitang sa, kina, o kay.
Mga Dapat Tandaan:

Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay isang


pangngalang pambalana o isang panghalip.
Kay o Kina – ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PANLUNAN SA
PANGUNGUSAP
Maraming nais maging iskolar sa UP.
Dumaan ako kina Lisa at John upang magsabi ng
pasasalamat.
Nakakita ako ng bulaklak na gusto mong ilagay sa
iyong buhok.
Tuwing hapon, naglalaro kami kina Juan at Pedro.
Ang mga salita mo kay Ana ay nagbigay ng
liwanag sa kanyang landas.
PAMARAAN
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan
kung paano naganap, nagaganap, o magaganap
ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga panandang nang, na, o
-ng.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PAMARAAN SA
PANGUNGUSAP
Sumigaw ako nang malakas.
Bakit siya umalis na masaya
Niyakap ni Nanay ang aming bunso nang mahigpit.
Nang maalala ko ang mga salitang binitawan mo,
napangiti ako.
Bumagsak ang kanyang mga luha nang marinig ang
balita.
PANG-AGAM
Ang pang-abay na pang-agam ay nagbabadya
ng di-katiyakan o pag-aalinlangan sa pagganap
sa kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga pariralang marahil,
siguro, tila, baka, wari, o parang.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PANG-AGAM SA
PANGUNGUSAP
Marami na marahil ang nakaaalam ng sikreto niya.
Siguro ay bukas na tayo umalis.
Siguro ay mas mainam kung bibili tayo ng mas
murang produkto.
Parang nagbabago na ang panahon, malamig na
ang simoy ng hangin.
Siguro ay masaya siya ngayon na nasa tabi ng
kanyang pamilya.
INGKLITIK O KATAGA
Ang pang-abay na ingklitik ay maikling kataga na walang
kahulugan kung nag-iisa lamang ito ngunit nakakapagpabago
ng kahulugan ng pangungusap. Inilalagay ito sa pagitan ng
pangungusap upang mas lalong luminaw ang kahulugan nito.
Karaniwan itong nakikita pagkatapos ng unang salita sa
pangungusap.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang man, kasi, sana, nang,
kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na,
naman, at daw/raw.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA INGKLITIK O
KATAGA SA PANGUNGUSAP
Alam pala ni Brando ang lihim ni Brenda.
Bakit daw ngayon ka lang?
Manatili ka man dito o hindi, nirerespeto namin ang
iyong desisyon.
Ayaw niya kasi na mabasa sa ulan.
Nag-aral siya ng mabuti kaya siya pumasa sa exam.
BENEPAKTIBO
Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang
tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o
layunin ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng panandang para sa.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA BENEPAKTIBO SA
PANGUNGUSAP
Si Tatay ay naghahanapbuhay para sa aming
pangkain.
Ang mga bayani ay nag-alay ng buhay para sa bayan.
Si Mila ay nanahi ng damit para sa kanyang anak na si
Sam.
Ang mga binili kong gulay ay para sa ating hapunan
mamaya.
Nakita ko ang isang magandang regalo para sa iyong
kaarawan.
KUSATIBO O KAWSATIBO
Ito ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng
kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng parirala na pinangungunahan
ng dahil sa.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA KUSATIBO O
KAWSATIBO SA PANGUNGUSAP
Dahil sa kapalpakan ng pinuno ay nagdusa ang mga
mamamayan.
Dahil sa hindi pakikinig ng leksyon kaya ako
bumagsak sa pagsusulit.
Nagkasakit siya dahil sa sobrang pagod.
Naging matagumpay ang proyekto dahil sa ating
sama-samang pagtutulungan.
Pinalitan ang sistema dahil hindi ito epektibo.
KONDISYONAL
Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap
ang kilos na isinasaad ng pandiwa.
Ito ay may pariralang kung, kapag/pag, o
pagka.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA KONDISYONAL SA
PANGUNGUSAP
Bibilis kang magbasa kung magsasanay ka palagi.
Bibilihan kita ng laruan kapag marunong ka ng
magsulat ng pangalan mo.
Lumalakas ang aking loob kapag naaalala ko ang
aking mga pangarap.
Huwag kang mag-alala kung hindi mo pa alam
ang sagot, matutunan mo rin iyan.
PAMITAGAN
Ito ay nagsasad ng paggalang. Ginagamitan ito
ng mga salitang po, opo, ho, o oho.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PAMITAGAN SA
PANGUNGUSAP
Saan po kayo pupunta?
Opo, maliligo na po ako.
Bakit ho kayo bumalik?
Maari ko po bang malaman ang inyong
pangalan?
Napakasarap po ng luto niyo.
PANULAD
Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang mga
bagay. Ito ay ginagamitan ng salitang kaysa,
higit, di hamak, di gaya, labis, di gaano, o
lalong–lalo.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PANULAD SA
PANGUNGUSAP
Mahusay umawit si Jona kaysa kay Kyla.
Mas gusto kong maglaro kaysa magbasa.
Ang gusto ko ay kumain kaysa matulog.
Higit kong pinahahalagahan ang aking pamilya
kumpara sa anumang materyal na bagay.
Labis kong pinagsisihan ang mga nagawang mali
noong kabataan ko.
PANANGGI
Nagsasaad ito ng pagtanggi o pagtutol. Ito ay
ginagamitan ng mga pariralang hindi, di, at
ayaw.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PANANGGI SA
PANGUNGUSAP
Hindi inubos ni Maria ang kanyang baon.
Hindi mabuti ang kalagayan ng panahon.
Ayaw gumana ng ilaw sa kuwarto.
Ayaw tumigil ng bata sa paglalaro.
PANGGAANO O PAMPANUKAT
Nagsasaad ang pang-abay na panggaano ng
timbang, bigat, o sukat. Ito ay sumasagot sa
tanong na gaano o magkano.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PANGGAANO SA
PANGUNGUSAP
Sampung talampakan ang lalim ng tubig sa
pool.
Siyam na pusa ang alaga ni Keith.
Sampung piso na ang pamasahe sa jeep.
Tumakbo ako ng limang kilometro kanina.
PANANG-AYON
Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit
dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sige,
sigurado, sadya, talaga, syempre.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PANANG-AYON SA
PANGUNGUSAP
Opo, napakagaling kumanta ni Maria.
Sige, sasali ako sa paligsahan.
Sigurado, matatapos ko ito.
Siyempre, masarap magluto si Inay.
Talagang dadalo ako sa iyong kaarawan.
PANANONG
Ito ay ginagamit sa pagtatanong hinggil sa
pandiwa, pang-uri, o pang-abay.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PANANONG SA
PANGUNGUSAP
Bakit mahalaga ang bayanihan?
Gaano karami ang sumalubong kay
presidente?
Kanino nanggaling ang bagong sapatos ni
Ana?
Bakit umiiyak ang bata?
PANUNURAN
Ang pang-abay na panunuran ay pang-abay
na naglalarawan sa ayos o pagkasunod-sunod
ng kalagayan ng pagsasagawa ng kilos.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PANUNURAN SA
PANGUNGUSAP
Isa-isang dumarating ang mga lalaki
Sabay-sabay nilang inaangat ang buong bahay.
Pinaupo nang sampuhan ang mga bisita sa
Reception Hall.
Ang weyter ay dala-dalawang pinagsilbihan ang
mga tao.
Bukod-bukod na hinugasan ng dyanitor ang mga
pinagkainan.
PANGKAUKULAN
Ito ay ginagamitan ng mga salitang tungkol,
hinggil, o ukol.
MGA HALIMBAWA NG PANG-ABAY NA PANGKAUKULAN
SA PANGUNGUSAP
Nagplano kami tungkol sa gagawin nating
pagdiriwang.
Ukol sa pangangalaga ng katawan ang kaniyang
inlulat.
Tungkol sa pagtatanim ng palay ang kaniyang
inawit.
MARAMING SALAMAT!

You might also like