You are on page 1of 5

Ano ang Pangatnig, Uri, Pangkat at Mga Halimbawa

Kung walang mga pangatnig, kailangan mong sabihin ang bawat pahayag sa isang
serye ng mga maikli, simpleng pangungusap: Namasyal kami sa lungsod. Kumain kami sa
restawran. Nanood ng sine. Umuwi pagkatapos.

Maaari mong pigilan ang pabagu-bagong katangian ng ilang maiikling pangungusap sa


pamamagitan ng paggamit ng mga pangatnig upang lumikha ng malinaw at eleganteng mga
pahayag.

Ano ang Pangatnig, Conjunction in English

Ang pangatnig ay termino o kalipunan ng mga salita na nag-uugnay sa dalawang salita,


parirala, o sugnay upang makabuo ng diwa ng isang pahayag. Ito ay tinatawag
na conjunction sa wikang Ingles.

Ito ay bahagi ng pananalita na karaniwang makikita sa simula o gitna ng isang pangungusap.


Maaari ding gamitin ang mga pangatnig upang magbukod, maghambing, magpaliwanag,
magsalungat o wakasan ang isang ideya o pahayag.

Halimbawa ng Pangatnig sa Pangungusap:

1. Mahal ko si ate at kuya.


2. Maglalaro sana ako sa labas ngunit umulan.
3. Ano ba ang mas maganda pasyalan, bundok o dagat?
4. Gusto kong maging magalang pero di ko magawa.
5. Bibigyan kita ng pagkain kung bibigyan mo ako ng laruan.
6. Pag-usapan natin ang kahapon habang tayo’y namamasyal sa kalye.
7. Magtanim ka ng puno sa paligid upang di bumaha.
8. Bumili ka ng pala saka walis.
9. Pupunta ka lang kina Susan kapag kasama si Kuya Anton.
10. Kinagigiliwan ng lahat si Inday dahil marunong siyang kumanta.

Uri ng Pangatnig

Ang pangatnig ay may sampung uri

Panlinaw

Ang pangatnig na panglinaw ay ginagamit upang ipaliwanag ang isang bahagi o kabuuan ng
isang banggit. Ginagamitan ito ng mga salitang kung kaya, kung gayon, o kaya.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na panlinaw na ginagamit sa pangungusap.

 Nag-kasundo na kami kung kaya ang aming mga alitan ay wala na.
 Nagsumikap sa pag-aaral si Juan kaya nakatapos siya sa kolehiyo.
 Tapos na ang klase, kung gayon ang mga bata ay puwede ng umuwi.
Pag – aalinlangan

Ang mga pangatnig na ito ay nagsasaad ng pag-aalinlangan. Halimbawa nito ang mga
salitang kung, kapag, pag, sakali at disin sana.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na panubali na ginagamit sa pangungusap.

 Mag-aaral kang Mabuti kung ayaw mong bumagsak.


 Kapag pupunta si Max ay pupunta rin ako.
 Sakaling babagsak ako ngayong semester, mag-aaral na akong mabuti sa
susunod.
 Pag usapan natin bukas habang tayo’y na mamasyal
 Ginising mo sana ako ng alas kwatro, disin sana’y hindi ako nahuli sa aking
klasi.
Paninsay

Ang pangatnig na paninsay ay ginagamit kapag ang unang bahagi ng pangungusap ay


sinasalungat ng pangalawang bahagi nito. Halimbawa nito ang mga salitang subalit, bagaman,
datapwat, ngunit, samantala, kahiman o kahit.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na paninsay na ginagamit sa pangungusap.

 Mahal ko siya, subalit hindi ko ito gaanong ipinapakita sa kaniya.


 Maraming suliranin ang buhay ng mga tao, bagaman ito’y hindi hadlang para
tayo ay madaling susuko.
 Sinikap niyang makapasok sa eskwelahan dapatwa't siya ay may iniindang sakit
 Nag-aaral naman siya ng mabuti ngunit siya’y bumagsak parin sa kanilang
pasulit.
 Napakalamig sa Amerika samantalang napakainit naman sa Pilipinas.
 Nakakuha siya ng mataas na sahod kahit hindi siya pumapasok sa tamang oras.
Pamukod

Ang pangatnig na pamukod ay ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi ng ilang


kaisipan. Ang mga halimbawa nito ay ang mga salitang maging, ni, man, at o.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na pamukod na ginagamit sa pangungusap.

 Mahal ka ni Anton maging sino kaman.


 Walang problema sa akin maging si Teresa man mananalo sa patimpalak.
 Ako ba o siya ang pipiliin mong mag alaga sa aso mo?
 Ni kurot ni saktan ay hindi ko ginagawa sa kanya.
Pananhi

Ang pangatnig na pananhi ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa


pagkaganap ng kilos. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pananhi ay dahil sa, sanhi sa,
sapagkat, mangyari.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na pananhi na ginagamit sa pangungusap.

 Nagkagulo sa bahay nila aling pilar at aling bebang dahil sa pag-aaway sa


kanilang pinag kakautangan.
 Sanhi sa mainit na panahon kaya tumaas ang kaniyang dugo.
 Sumubok si Joana mag luto ng paboritong pagkain ng kaniya kaibigan sapagkat
kaarawan nito.

Panapos

Ang pangatnig na panapos ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Ang


mga halimbawa ng pangatnig na panapos ay sa lahat ng ito, sa wakas, sa di-kawasa, upang
at sa bagay na ito.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na panapos na ginagamit sa pangungusap.

 Sa lahat na ito, ang mabuting gawin ay mag tulongan para sa ikakaunlad ng


ating barangay.
 Sa wakas, tumaas grado ko.
 Sa di-kawasa, ang patimpalak ay tapos na.
 Sa bagay na ito, hayaan nating ang mga bata ang mag pasya.
 Kailangan naming tulungan si ate upang madaling matapos ang paglilinis ng
bahay.
Panimbang

Ang pangatnig na panimbang ay ginagamit sa paghahayahag ng karagdagang


impormasyon at kaisipan. Ang mga halimbawa ng panagatnig na panimbang ay at, saka, pati,
kaya o anupa’t.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangatnig na panimbang na ginagamit sa


pangunugusap.

 Si Pat at Raymond ay nagtungo sa paaralan.


 Kumain siya ng tinapay at uminom ng kape.
 Pati ang pusa ay kanyang pinakain.
 Mag basa ng libro at matulog ang aking paboritong gawin.
 Anupa’t sa lakas ng ulan ay rumagasa ang malakas na baha.
 Umamin na si armando kaya ang kaso ay tapos na.
Pamanggit

Ang pangatnig na pamanggit ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng iba. Ang mga
halimbawa ng pangatnig na pamanggit ay daw, raw, sa ganang akin/iyo, at di umano.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangatnig na pamanggit na ginagamit sa


pangungusap.

 Magagaling daw kumanta ang mga anak ni aling marites.


 Siya raw ay mahusay makipag talastasan.
 Sa ganang akin, ikaw ang pinakamagaling sa lahat.
 Ako raw ang yayaman sa pamilya namin.
 Ikaw daw ang dahilan kaya siya ay biglang nagbago.
 Si Cong di umano ang pinaka magaling sa kanilang klasi.
 Di umano, mahuhay sa mang-aawit si Catherine.
Panulad

Ang pangatnig na panulad ay tumutulad sa mga pangyayari, kilos at gawa. Ang mga
halimbawa ng pangatnig na panulad ay kung sino.. siyang, kung ano..siya rin, kung
gaano..siya rin.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangatnig na panulad na ginagamit sa


pangungusap.

 Kung sino ang nag-umpisa ay siya rin ang tatapos.


 Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin.
 Kung gaano kalaki ang kinuha siya rin ang dapat babayaran.
Pantulong

Ang pangatnig na pantulong ay nag-uugnay ng nakapag-iisa at hindi nakapag iisang


mga salita, parirala o sugnay. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pantulong ay ang mga
salitang kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat o dahil sa.

Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng pangatnig na pantulong na ginagamit sa


pangungusap.

 Makakakain lang ako kapag tapos kana magluto.


 Kumain ng gulay upang ang buhay ay maging makulay.
 Nag- sumikap siya upang makakakuha ng mataas na posisyon.
 Uminom ng tubig para hindi manuyo ang ating balat.
 Ako ay nakapagtapos ng pag-aaral sapagkat ako’y nag-aaral ng mabuti.
Pangkat ng Pangatnig

Ang pangatnig ay nahahati sa dalawang pangkat. Ito ay ang mga pangatnig na nag-
uugnay sa magkatimbang na yunit at ang mga pangatnig na nag-uugnay sa di-
magkatimbang na yunit.

Pangatnig na Nag-uugnay sa Magkatimbang na Yunit

Ito ay pangkat na nagbubuklod ng kaisipang pinag-uugnay. Ito ay ginagamitan ng mga


salitang o, ni, maging, at, ‘t, at kundi.

Ang pangkat na ito ay maaari rin pasalungat. Sinasalungat ng pangalawang kaisipan ang
ipinahahayag ng nauuna.

Mga Halimbawa sa Pangungusap

 Bumili ako ng ube at kamote.


 Maging ang bahay na iyan ay sa aming angkan.
 Ano ang makakatalo sa bato, gunting o papel?
 Matalino sana si Andrew ngunit tamad mag-aral.
 Maliligo sana kami bukas sa dagat subalit hindi ako pinayagan ni tatay.
Pangatnig na Nag-uugnay sa Di-Magkatimbang na Yunit

Ito ay pangkat ng pangatnig na nagpapakila ng sanhi o dahilan gaya ng mga


salitang dahil sa, sapagkat, o palibhasa. Maaari rin itong gamitan ng mga
salitang kung, kapag, pag, at mga pangatnig na panlinaw gaya ng kaya, kung gayon, o sana.

Mga Halimbawa sa Pangungusap

 Dahil sa bagyo kaya nagkandasira ang pananim nila.


 Matinding gumastos si nica palibhasa maraming pera ang mga magulang niya.
 Dadalo lang ako sa kanyang kaarawan kung may imbitasyon ako.
 Mahirap ang buhay kaya nagsumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral sa
kolehiyo.
 Babayaran ko ‘yan kapag may pera na ako.
Buod sa Aralin Tungkol sa Pangatnig

Ano ang pangatnig?

Ang pangatnig o tinatawag na conjunction sa wikang Ingles ay ang bahagi nga


pananalita na karaniwang makikita sa simula o gitna ng isang pangungusap. Maaari ding
gamitin ang mga pangatnig upang magbukod, maghambing, magpaliwanag, magsalungat o
wakasan ang isang ideya o pahayag.

You might also like