You are on page 1of 14

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay

inaasahang makamit ang mga sumusunod:

Nagagamit nang wasto ang


pangatnig (o, ni, maging, man,
kung, kapag, pag, ngunit, subalit,
dahil sa, sapagkat atbp.)
Pangatnig
Ano ang ibig sabihin ng pangatnig?

Pangatnig (Conjucntion)
 Ito ang mga kataga o salitang nag-
uugnay sa dalawang salita, parirala o
sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.
Karaniwan itong makikita sa simula o
kalagitnaan ng pangungusap.
1. PANLINAW
Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit (anupa, kaya,
samakatuwid, sa madaling salita at kung gayon)

Halimbawa:
Nagkasundo na ang magkaibigan, kung gayon
magkakabati na silang muli.
Mahuli na ang tunay na maysala kaya makakalaya
na si John.
2. PAMUKOD
Ang uri na ito ay mayroong pamimili,
pagtatanggi, pag-aalinlangan at karaniwang
nilalagyan ng mga katagang o at maging.

Halimbawa:
Ikaw man o siya ay pareho kong kaibigan.
 Maging si Ana ay ayaw pumunta sa iyong
kaarawan.
3. PANDAGDAG

Nagsasaad ito ng pagpupuno o


pagdaragdag at ginagamitan ng mga
katagang at, saka at pati.

Halimbawa:
Kukuha muna ako ng kakainin at maiinom.
 Wala na akong magagawa sa buhay mo
pati na sa mangyayari sa iyo sa hinaharap.
4. PANANHI

Ginagamit ito upang magbigay ng dahilan, kung


nangangatwiran at kung sumasagot sa tanong
na bakit. Ang mga katagang ito ay sapagkat,
palibhasa, pagkat, kasi.

Halimbawa:
 Palibhasa’y nagyayabang ka, ayan tuloy,
napahiya ka.
 Gusto kong kumain dahil gutom ako.
5. PANUBALI

Nagpapakita ng pagbabasakali o pag-


aalinlangan. Ang mga katagang ginagamit ay
kung, di, kundi, kapag, sana at sakali.
Halimbawa:
Kapag nais ninyong pumunta, tumawag
lamang kayo sa akin.
Sana lahat ay makapunta sa aking kaarawan.
6. PANINSAY
Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang pangalawang bahagi nito. Maaari
itong gamitan ng mga salitang ngunit, datapwat, subalit,
bagaman, samantala, at kahit.

Halimbawa:
Siya ay nakapasa sa pagsusulit ngunit kinopya niya
lamang ito sa kanyang katabi.
Maayos ang kanilang pamumuhay noon subalit dumating
ang pandemya kaya sila ay naghirap.
7. PANAPOS

Ito ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan


ng pagsasalita. Maaari itong gamitan ng mga
salitang sa lahat ng ito, sa wakas, o sa bagay
na ito.
Halimbawa:
Sa wakas, tapos na rin ang klase.
 Sa lahat ng ito, manalangin tayo sa ikabubuti
ng lahat.
8. PANIMBANG
Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng
karagdagang impormasyon o kaisipan. Maaari
itong gamitan ng mga salitang at, saka, pati, kaya,
o anupa`t.

Halimbawa:
Ikaw at ako ay mahilig kumain.
Pati tindahan ng matanda ay kanyang
ninakawan.
9. PAMANGGIT

Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw


ng iba. Maaari itong gamitan ng mga salitang daw,
raw, at di umano.

Halimbawa:
Si Jessica di umano ang unang bumato sa puno ng
bayabas.
Maaasahan daw ang mga mag-aaral iyan.
10. PANULAD
Ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.
Maaari itong gamitan ng mga salitang kung sino …
siyang, kung ano … siya rin, o kung gaano … siya
rin.

Halimbawa:
Kung gaano kalaki ang inumin, siya ring dapat
bayaran.
Kung ano ang puno, siya ring bunga.

You might also like