You are on page 1of 14

BALIKAN

NATIN!
GRAMATIKA
Ano ang Pang-ugnay?

Ito ay mga salitang nagpapakita ng


relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita, dalawang
parirala, o ng dalawang sugnay.
Ano ang Pangatnig?

Ito ay mga kataga o lipon ng mga


salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala, o sugnay upang mabuo ang diwa
o kaisipan ng isang pahayag.
URI NG
PANGATNIG
Pangatnig na Pamukod
Ginagamit ito upang ihiwalay, itangi, o
itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan.
Maaari itong gamitan ng mga
salitang o, ni, maging, at man.
Halimbawa:
Ikaw man o ako ay hindi naghangad
na mabigo
Pangatnig na Paninsay o Panalungat
Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang pangalawang bahagi nito.
Maaari itong gamitan ng mga
salitang ngunit, datapwat, subalit,
bagaman, samantala.
Halimbawa:
Nakatapos sa pag- aaral si Ramon
bagaman tindera lang ang nanay niya.
Pangatnig na Panubali
Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari
itong gamitan ng mga
salitang kung, sakali, baka, pagka,
sana, kapag, o pag.
Halimbawa:
Hindi tayo matutuloy sa sine kapag
hindi umuwi nang maaga si tatay.
Pangatnig na Pananhi
Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan
o katwiran para sa pagkaganap ng kilos.
Maaari itong gamitan ng mga salitang dahil
sa, sanhi sa, sapagkat, palibhasa at kasi.
Halimbawa:
Namaos siya dahil sa matagal na
pagtatalumpati.
Pangatnig na Panlinaw
Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi
o kabuuan ng isang banggit. Maaari itong
gamitan ng mga salitang kung kaya, kung
gayon, kaya at kaya.
Halimbawa:
Nag- usap na kami sa barangay kung
kaya ang kasong ito ay tapos na.
Pangatnig na Panulad
Ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos o
gawa. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung
sino… kung ano… siya rin…, kung gaano… sa
kanya…, kung alin…, at siya pang.
Halimbawa:
Kung ano ang puno ay sya rin ang
bunga.
Pangatnig na Panapos
Ito ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan
ng pagsasalita. Maaari itong gamitan ng mga
salitang sa lahat ng ito, sa wakas, o sa
bagay na ito.
Halimbawa:
Sa bagay na ito, hayaan natin na ang
Diyos ang magpasya.
Pangatnig na Pamanggit
Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa
pananaw ng iba. Maaari itong gamitan ng
mga salitang daw, raw, sa ganang akin/iyo,
o di umano.
Halimbawa:
Siya raw ang hari ng Tondo.
Pangatnig na Panimbang
Ito ay ginagamit sa paghahayag ng
karagdagang impormasyon o kaisipan.
Maaari itong gamitan ng mga
salitang at, saka, pati, kaya, o anupa’t.
Halimbawa:
Pati ang gamit ng iba ay kanyang
iniligtas..

You might also like