You are on page 1of 3

FILELEC

2DR. TEresita c.
elayba

gawain
Sumulat ng Reaksyong Papel batay
sa
“Ang Pagsulat: Isang
Ang pagsulat ay hindi basta-bastang kakayahan lamang, malawak ang sinasakop
ng kakayahang ito. Hindi rin agad ito natutunan sapagkat kinakailangan na hinahasa
ang kakayahan na ito at patuloy na ginagamit. Sa pagsulat ay kinakailangan din na
isaalang-alang ng manunulat ang wastong gamit ng salita, gramatika, retorika at iba
pang elemento, samakatuwid ay dapat may sapat na kaalaman sa wikang kanyang
ginagamit. Kaya’t sinasabi na ang pagsulat ay isang kompleks na proseso, dahil ito ay
dapat na pinag-isipang mabuti nang sa gayon ay malinaw na mailahad ang ideya na nais
iparating sa mga mambabasa.

Sa bahagi ng aralin namin na ito sa FILELEC2: Malikhaing Pagsulat ay higit


na naging malinaw sa akin kung bakit nga ba naging Kompleks na Proseso ang
Pagsulat. Ito ay

Ang pagsulat ay isang kompleks na proseso. Ang pagsulat ay nagsisimula sa


pagkuha ng kasanayan (self-getting) hanggang sa kasanayang ito ay aktwal na
nagagamit (self-using). (Rivers, 1975)

Matagal nang umiiral ang ganitong uri ng pagkatuto subalit hindi pa ganoon
kalawak ang kaalaman ng mga tao patungkol sa distance learning lalo’t higit dito sa
ating bansa. Subalit dahil sa pandemyang kinaharap ng buong mundo ay ito ang naging
paraan upang hindi mahinto ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi naging madali
para sa Gobyerno at Kagawaran ng Edukasyon na isakatuparan ito. Kinailangan ng
masusing pagpaplano at paghahanda para sa implementasyon nito sapagkat lubhang
bago at malaking pagbabago ito para sa atin. Lubhang iba’t iba ang naging reaksyon ng
mga mamayang Filipino sa distance learning at samu’t saring kontrobersya ang narinig
natin sa balita patungkol dito. Para sa akin ay isang mainam na hakbang ang distance
learning upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng
kinahaharap na pandemya. Wika nga ng ilan ay maraming nahihirapan dito mga mag-
aaral, magulang gayundin ang mga guro mismo. Subalit, kinakailangang maintindihan
din nila na ang bawat isa ay nahihirapan ngunit sa kabila ng mga suliranin ay dapat na
patuloy na magsumikap, magtulungan at punan ang mga pagkukulang.
Ilan sa mga pamamaraan ng distance learning sa bansa para sa Departamento ng
Edukasyon ay may tatlong pamamaraan una- ang mga printed modyul, ikalawa- ang
pag-access sa DepEd Commons (isang online platform na dinevelop ng DepEd), ikatlo-
ay paghahatid ng mga aralin at modyul gamit ang radio at telebisyon. Para naman sa
mga pribadong institusyon at unibersidad ay kombinasyon ng synchronous at
asynchronous class. Samakatuwid ang dalawang daluyan na mas ginagamit bilang
pagkatuto ngayong panahon ng pandemya ay ang ONLINE CLASS at MODULE. Ang
dalawang ito ay idinisenyo para sa mag-aaral na may magkaibang katangian at
pangangailangan. Para sa mga mag-aaral na walang sapat na gadget na magagamit at
secured na internet connection o signal ay module ang gagamitin nilang modality at
para naman sa mayroon nito ay online class, ngunit nakadepende pa rin sa paaralan na
inyong pinapasukan.

Batay sa aking mga obserbasyon at karanasan ay malaking hamon talaga para sa


bawat isa ang bagong pamamaraan ng pag-aaral at pagkatuto na ito. Ang mga
magulang, kapatid o pinsan ang nagiging mga bagong guro, may ilan na kinailangan na
bumili ng kagamitan para sa online class, nagpakabit ng internet at kung ano-ano pa
matugunan lamang ang pangangailangan. Bilang mag-aaral na parehong gumamagamit
ng dalawang daluyan na ito ay sa aking palagay mas mainam pa rin na magkaroon ng
online class sapagkat dito higit na mas maiintindihan ng mag-aaral ang isang paksa
dahil may gurong magtatatalakay ng kanilang aralin gayundin kung may katanungan na
nais masagot ay maaari kang makapagtanong sa iyong guro. Sa module ay ikaw lamang
ang uunawa sa iyong mga aralin at para naman sa mas mga nasa mas mababang baitang
ay nandyan ang kanilang mga kasama sa bahay upang tulungan sila. Ngunit
tinutulungan lamang ba talaga? Sapagkat may ilang pagkakataon na hindi na mag-aaral
mismo ang gumagawa ng kanilang gawain. Gayundin may katulad itong problema sa
online class dahil hindi pisikal na nagkikita hindi nakikita ng guro ang ginagawa ng
mag-aaral sa likod ng mga kamera, nakakagawa ang mag-aaral ng hindi nila dapat
gawin kahit oras ng klase. Isang kagandahan pagdating sa online class ay hindi limitado
sa pagbabasa at pagsasagot lamang ang mahahasa sa mga mag-aaral, sa pamamagitan
ng online na talakayan ay nahahasa ang kanilang iba’t ibang kasanayan.

Kung susuriin ay may kalakasan at kahinaan ang dalawang ito. Kaya’t mainam na
alamin muna kung ano kakayahan at katangian ng mag-aaral upang mas bumagay ito sa
kanila at mas maging epektibo ang pagkatuto. Para sa akin, hindi man kasing epektibo
ng face to face o pisikal na klase ang distance learning gamit ang dalawang daluyan na
ito ay mainam pa rin na hakbang ito upang hindi matigil ang pagkatuto ng mga mag-
aaral sa panahon na ito. Malaking hamon talaga ang distance learning sapagkat may
mga pagkakataon na hindi kayang unawain ng mag-aaral ang isang paksa sa kanyang
sarili ng walang direktang patnubay ng guro at kung online naman ay hindi rin agad
nakakatugon dahil sa iba’t ibang dahilan. Gayunpaman, ay itinuturo sa atin ng distance
learning na mas maging responsable sa ating mga sarili kung nais talaga nating matuto
ay hindi hadlang ang anumang suliranin. Subalit sa bahagi ng mga kaguruan ay dapat
na mas maging maunawaiin sila sa ating mga mag-aaral dahil hindi pare-parehas ng
pinagdaraanan ang bawat isa. Gayundin, sana ay magsagawa ang gobyerno ng mga
hakbang upang hindi tayo manatili sa ganitong sitwasyon

.
.

You might also like