You are on page 1of 2

ST.

JEROME INTEGRATED SCHOOL OF CABUYAO , INC


Mamatid, City of Cabuyao, Laguna

Yasmine Anne S. Carlasan


11 – ABM
Pagsulat ng Talumpati
Filipino, Sa Piling Larangan
Ikalawang Semestre, 2018 - 2019

Wikang Filipino, Sa Mundo ng Milenyals

Hello, bati mula Amerika. Hola, bati mula Espanya, Kon’nichiwa, bati mula Japan.
Yeoboseyo, bati mula Korea. Kamusta, bati mula sa ating sinilangan, Pilipinas.
Maluwalhating hapon sa ating kapwa mahuhusay at mapagmahal na mga guro.

Wikang Filipino, wika nating mga Pilipino. Luzon, Visayas, pati na sa Mindanao. Wikang
Filipino na wika na ating nakasanayan, tumatak sa ating puso na nakaguhit sa ating
kasaysayan. Hindi natin masasabing kilala mo ang sariling wika kung hindi natin ito
pinapahalagahan, nilalaanan ng oras, inuunawa at minamahal. Hindi ko sinasabing masama
mag-aral ng ibang wika dahil kung tutuusin ay magandang pagkakataon ito upang makilala
ang ibang bansa. Ngunit, kung mas pinapahalagahan natin ang pag-aaral ng ibang wika ng
iba’t ibang bansa kaysa sa pag-aaral ng sariling wika ay isang malaking kamalian. Lahat tayo
ay mga Pilipinong binuklod ng wikang Filipino at tungkulin nating paunlarin, mahalin at
kilalanin ang wikang Filipino.

Ayon sa linya ng isang kanta “Wikang pambansa ang gamit kong salita, bayan kong
sinilangan, hangad kong lagi ay kalayaan.” Ang pagmamahal sa ating pambansang wika ay
hindi lamang maipapakita sa pamamagitan ng paggamit nito, kundi pati na rin sa gawa. Sa
ating mga milenyals, ipamalas natin ang pagkakaisa sa maraming munting paraan, isa na rito
ang paggamit ng wikang pambansa. Wikang Filipino, sumisimbolo sa pagkakaunawaan,
pagtutulungan at pagkakaisa. Ito ang matuwid na daang magbubuklod sa ating tunay na
Pilipino.

Sabi ng ating mga namayapang bayani na pahalagahan ang sariling atin, dahil dugong
Pilipino ang nananalaytay sa dugo natin. Ating pakatandaan, ang kahalagahan ng wika sa
bansa na mananatili sa ating puso’t isipan. Wika nati’y wag ikahiya dahil ito ay yaman ng
ating bansa. Kumilos tayo ngayon dahil ang ating wika ay kaluluwa ng isang bansa, at ugat
ng nasyonalismo. Pilipino ka kaya kilalanin mo ang wikang Filipino dahil ang wikang Filipino
ang dahilan kung bakit ka ngayon ay isang Pilipino. Maraming Salamat! Nawa’y tumatak sa
ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming
Salamat!

FILIPINO SA PILING LARANGAN


1
ST. JEROME INTEGRATED SCHOOL OF CABUYAO , INC
Mamatid, City of Cabuyao, Laguna

FILIPINO SA PILING LARANGAN


1

You might also like