You are on page 1of 3

1) Ang Pambansang Industriyalisasyon sa simple nitong pag papakahulugan

ay tumutukoy sa proseso ng pagtatatag at pagpapaunlad ng mga industriya


na magpapasigla sa ekonomiya at tutustos sa pang-ekonomiyang
pangangailangan ng isang bansa, tungo sa transpormasyon ng ekonomiya
mula agraryan patungong industriyal. Sa kabilang banda, may iba pang
pagpapakahulugan sa salitang pambansang industriyalisasyon, para sa mga
atrasadong bansa kagaya natin ito ay nangangahulugan ng pagbubuwag sa
kasalukuyang kolonyal na sistema ng pamumuhunan, produksyon at
kalakalan.

2) Ang industriya ay isang salita na ginagamit upang ilarawan ang isang


proseso ng pagpapalit ng mga hilaw na materyales upang makagawa ng mga
produkto, sa pamamagitan nito, nakagagawa ng mas kapaki pakinabang na
produkto mula sa simpleng materyales na siyang nagbibigay ng trabaho at
pangkabuhayan sa mga mamamayan. Sa kabilang banda, ang Pilipinas ay
binubuo ng napakaraming industriya na siyang mga pangunahing sektor sa
lipunan na nakapag aambag sa ekonomiya ng bansa, narito ang ilan sa mga
halimbawa ng pangunahing industriya na mayroon sa Pilipinas, ang
pagkakasunod sunod nito ay nakabatay mula sa pinakamalaki hanggang sa
pinaka maliit. Ang itinuturing na pinakamalaking industriya ay ang turismo,
sinundan ng agrikultura, pumangatlo ang pagawaan o manupaktyur, at ang
panghuli ay ang konstruksyon.

Turismo - Ipinagmamalaki ng Pilipinas ang magagandang ganda at


napakagandang patutunguhan ng turista. Ang ilan sa mga pinakatanyag na
lugar ay ang Bohol, Boracay Island, Aklan, at El Nido. Ang pangunahing
industriya na ito ay napakahalaga sa ekonomiya ng isang bansa bagkus
bukod sa salaping ipinapasok ng mga turista, ito ay nagbibigay ng isang
maayos na gumagana na sistema na nag bibigay ng isang makabuluhang
halaga sa mga pagbabalik sa pamumuhunan at hanapbuhay sa mga lokal na
mamamayan ng isang bansa sa industriyang serbisyo.

Agrikultura - Ang industriya ng agrikultura ay may malaking ginagampanan sa


ekonomiya ng Pilipinas sapagkat ito ay nagtataguyod ng malaking bahagdan
sa ekonomiya. Sa pamamagitan nito, natutugunan ang pangangailangan sa
pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon. Kung wala
ang industriyang ito, wala kakainin ang mga tao na siyang mag reresulta sa
kagutuman. Kung mahina ang sektor na ito, walang kasiguraduhan kung may
pagkain pa ang mga mamamayan ng bansa.

Pagawaan o manupaktyur -Sa Pilipinas, ang industriya ng


pagmamanupaktura ay lumago na may malaking papel sa ekonomiya ng
bansa. Ito ay itinuturing na pangtatlo sa mga pangunahing industriya sa
Pilipinas, saklaw nito ang paggawa ng mga produktong may kasamang
pagkain at inumin, petrolyo, transportasyon at kagamitan pang-industriya,
tela, at iba pa. Bukod pa rito, ang industriya ng pagmamanupaktura ay may
potensyal na makabuo ng maraming mga trabaho pati na rin mag-ambag ng
higit pa sa kabuuang domestic produkto kung dapat ipatupad ng gobyerno
ang mga nauugnay na patakaran.

Konstruksyon - Ito ay itinuturing na subsektor ng sektor ng industriya na


naglalayong maipatayo ang mga kailangang daan, gusali, paliparan, at iba
pang konstruksyon na may kinalaman sa pisikal na pagpapaganda ng isang
bansa, nasusukat na ngayon ang estado ng bansa sa pamamagitan ng dami
ng mga gusali o konstruksyon kung kaya kung patuloy na darami ang mga
gusali ay tiyak na uunlad ang bansa natin sa sektor ng industriya. Bukod dito,
ang konstruksyon ay mahalaga sapagkat napagtitibay, napapalawak at
napupunan nito ang pangangailangan sa Imprastrakutra ng Bansa, sa sektor
na ito karamihan nakakapagbigay ng maraming trabaho.

3) Sa aking palagay, mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang industriya


sa ekonomiya ng bansa sapagkat ang pambansang industriya ay may
malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil
ito ay lumilikha at nagsusuplay ng mga produktong may bagong anyo, hugis,
at halaga sa loob at labas ng bansa at paglilingkod na kailangan upang
matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan, sa paglikha ng
produkto at serbisyo ay lumilikha rin sila ng trabaho at dahil dito ay mas
mapapa-unlad ang ekonomiya. Bukod pa rito, ang pambansang industriya rin
ang isa sa mga pinagkukunan ng pamahalaan ng mga igagastos upang
matustusan ang mga gastusin, programa, at proyekto para na din sa ikabubuti
ng bansa. Gayunpaman, ang sektor ng Industriya rin ang nagbibigay daan sa
modernisasyon sa pamamagitan ng pagamit ng makabagong makina at
teknolohiya sa proseso ng produksyon. 

4) Sa katunayan napakarami pang mga industriya na nakapaloob sa ating


bansa, ngunit ang iba dito ay hindi pa napagtutuunan ng pansin. Para sakin
ang iba pang mga industriya na dapat paunlarin upang makatulong sa pag
angat ng ekonomiya ng bansa ay ang industriya sa IT, BPO, at Mga Serbisyo
sa Negosyo, industriya sa pagmimina, sa pamamagitan ng pagpapalago sa
industriyang ito tiyak na uunlad ang bansa sapagkat ang Pilipinas ay isa sa
itinuturing na may pinakamayamang likas na yaman, ito ay tahanan ng ilang
mga mineral kagaya ng ginto at iba pa, bukod pa rito, ang pagpapaunlad ng
edukasyon para sa yaman ng tao, pangangalaga sa kalusugan, sasakyan at
paggawa ng Barko at pagbabangko.

You might also like