You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X
SCHOOLS DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY
CAMANSI ELEMENTARY SCHOOL
Zone 6, Sitio Camansi, F.S. Catanico, Cagayan de Oro City
SY: 2022-2023

MULTIGRADE
BANGHAY ARALIN SA FILILPINO (4A’s)
Grade 5 & 6
UNANG MARKAHAN

GRADE 5 GRADE 6
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa paksa / isyu.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Nagagamit ng wasto at natutukoy ang mga pangngalang Nagagamit ng wasto at natutukoy ang mga kasarian ng
Pantangi at Pambalana pangngalan na Panlalaki, Pambabae, Di-tiyak, at Walang
F5WG-Ia-e-2 Kasarian
F6WG-Ia-d-2

II. NILALAMAN II. NILALAMAN


Paggamit ng Wasto sa mga Pangngalan sa Wastong Paggamit ng Pangngalan sa Pakikipag-
Pagtalakay tungkol saPantangi
Uri ng Pangngalan: sarili, saat
mga Tao, Hayop,
Pambalana Usap Iba’tngIbang
Kasarian Sitwasyon
Pangngalan: Pantangi at Pambalana
Lugar, Bagay at Pangyayari sa Paligid.

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro:
K to 12 MELC's (SY 2022-2023) - FILIPINO 5 Subtasking of MELC’s: p. 1-2, F5PT-IVd-f-1.13 , F5PL-
0a-J-4 FILIPINO 6 Subtasking of MELC’s: p. 1

2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral


ALAB FILIPINO 5: p. 15-18 ALAB FILIPINO 6: p. 8-12

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Flash cards, Illustration board, Pictures, Metacards, Tsart, Organizer, Powerpoint presentation

C. Istratihiya: Differentiated Instruction, Positive Interdependence, Group work,


Computer Aided Materials (CAI)

D. Integrasyon: Reading
ICT
IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin.
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin)

2. Pagbati
Magandang-tanghali mga bata!

3. Paghahanda (Powerpoint Presentation)


Pagbibigay ng mga palatuntunin sa loob ng silid-aralan/klase.

4. Balik-aral sa nakaraang aralin


Magbalik aral tayo tungkol sa huli nating tinalakay kahapon

 Tungkol saan ang huli nating  Ano ba ang Pangngalan?


tinalakay kahapon Grade 5?

5. Pagsasanay / Drill

Magpakita ng mga halimbawa ng mga Pangngalan na nakasulat sa flash cards at tanungin ang mga
mag-aaral kung ito ba ay Pangngalan ng Tao, Hayop, Bagay, Lugar o Pangyayari at isusulat nila ang
kanilang mga sagot sa illustration board.

Kaarawan Aso Lapis

Sir Kent Sitio Camansi Pasko

6. Pagganyak
(Powerpoint Presentation)

Magpakita ng mga larawan.

Mga tanong:
1. Ano-ano ang masasabi ninyo sa mga larawan?

2. Ano-ano ang inyong nakikita?


( Isulat sa METACARDS ang mga sagot nila )

Ipaskil sa pisara o show-me-board ang mga salitang naisulat sa Metacards at ipa-kategorya


sa mga mag-aaral kung ang mga ito ba ay Pangngalan ng Tao, Hayop, Bagay, Lugar o Pangyayari.
Pagkatapos ay ipabasa ang mga salita.

B. Panlinang na Gawain (4As)

1. Mga Gawain (Activity)

Gawain 1 : Pangkatang Gawain (Differentiated Instruction)

(Bago isagawa ay maglagay muna ng panuntunan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa Grade 5 ng Pangkatin ang mga mag-aaral sa Grade 6 ng
Apat (4) na grupo. Tatlong (3) grupo.

Bigyan ng tig-isang cartolina paper ang bawat pangkat.


Magtala ng mga Pangngalan na makikita sa lugar na nakasaad.
( 8 minuto )

Pangkat 1 – palengke
Pangkat 1 – mall
Pangkat 2 – plasa
Pangkat 2 – silid-aralan
Pangkat 3 – hardin
Pangkat 3 – simbahan
Pangkat 4 – kusina

Siguraduhing mabuti ng lahat ng lider na nagawa ng maayos, tama sa oras ( 8 minuto )


at may disiplina ang bawat miyembro ng bawat pangkat.

Gamitin ang mga tsart para sa pagsasagawa ng pangkatang gawain.

Pangkat 1 - Ilahad ang pag-uulat sa pamamagitan Pangkat 1 - Ilahad ang pag-uulat sa pamamagitan
ng sabayang pagbigkas ng sabayang pagbigkas
Mga Pangngalan na makikita sa Mga Pangngalan na makikita sa
Palengke Mall

Pangkat 2 - Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit Pangkat 2 - Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit

Mga Pangngalan na makikita sa Mga Pangngalan na makikita sa


Plasa Silid-aralan

Pangkat 3 - Ipakita sa pamamagitan ng Pangkat 3 - Ipakita sa pamamagitan ng


pagbabalita pagbabalita

Mga Pangngalan na makikita sa Mga Pangngalan na makikita sa


Hardin Simbahan

Pangkat 4 - Ipakita sa pamamagitan ng pagkanta

Mga Pangngalan na makikita sa


Kusina

2. Pagsusuri (Analysis)
(Powerpoint Presentation)

Pagsuri sa natapos na Gawain

 Ano nga ulit ang tawag natin sa mga salitang


inyong itinala / isinulat sa cartolina paper?
 Saang mga lugar maaari tayong makakuha
ng mga Pangngalan?

 Sa inyong mga itinala, ano-ano ang may


tiyak na ngalan ng pangngalan?

 Ano-ano naman ang inyong mga itinala


na di-tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay,
lugar at pangyayari ?

Mga Pangngalan na Itinala:

May tiyak na ngalan May di-tiyak na ngalan

 Sa inyong mga itinala, ano-ano ang may


tiyak na ngalan ng lalaki?

 Ano-ano naman ang inyong mga itinala


na tiyak na ngalan ng babae?

 Ano-ano ang may ngalan na maaring


panlalaki o pambabae?

 Ano-ano naman ang inyong mga itinala


na mga pangngalang walang buhay o
hindi siya ngalan ng lalaki at hindi rin
ngalan ng babae.

Mga Pangngalan na Itinala:

Ngalan Ngalan Ngalan na Pangngalang


maaring walang buhay
ng lalaki ng babae
panlalaki o
pambabae
3. Paghahalaw (Abstraction)
(Powerpoint Presentation)

Pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagngangalan


ng tao, bagay, hayop, pook o lugar at mga pangyayari.

Mga Uri ng Pangngalan


Dalawang (2) uri ng Pangngalan ayon sa Katangian
1. Pantangi – tumutukoy sa tangi o tiyak na
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.

Halimbawa: Dr. Morales Browny


Sabal Hospital

2. Pambalana – tumutukoy sa pangkalahatang


ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari at iba pa. Nagsisimula ito sa maliit
na titik.

Halimbawa: saging mag-aaral


palengke

Mga Kasarian ng Pangngalan


Ang Pangngalan ay may apat (4) na kasarian.
Panlalaki, Pambabae, Di-Tiyak at Walang kasarian.

1. Panlalaki – tumutukoy sa tiyak na ngalan


ng lalaki

2. Pambabae – tumutukoy sa tiyak na ngalan


ng babae

3. Di-tiyak – tumutukoy sa ngalang panlalaki


o pambabae.

4. Walang kasarian – tumutukoy sa pangngalang


walang buhay

4. Paglalapat (Application)
(Powerpoint Presentation)

Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Panuto : Tukuyin ang pangngalan na ginamit sa
pangungusap at bilugan. Isulat sa
patlang ang uri nito.

_________ 1. Ang pagmamahal sa bayan ay


hindi mapapantayan.
_________ 2. Kami ay nag-aaral sa Camansi
Elementary School.
_________ 3. Isang sipi ng saging ang dala
ni tatay.
_________ 4. Ang ibon ay umaawit sa sanga
ng puno.
_________ 5. Si Ginoong Kent ay ang aking guro.

C. Paglalahat
(Powerpoint Presentation)

Mga tanong:

 Ano ang natutunan ninyo ngayon


sa ating aralin Grade 5?

 Ano naman ang natutunan ninyo ngayon


sa ating aralin Grade 6?

 Ano ang Pangngalang Pantangi?


 Paano natin matutukoy kung ang uri
ng pangngalan ay Pambalana?
 Ano ang pangngalang Panlalaki?
 Ano naman ang pangngalang Pambabae?
 Paano natin masasabi kung ang kasarian ng
pangngalan ay Di-tiyak ?
 Paano naman natin matutukoy kung ang
pangngalan ay Walang Kasarian?

V. EBALWASYON

Pagtataya ng Aralin

Panuto: Tingnan ang salitang may salungguhit sa


pangungusap. Kung ito ay pangngalang pantangi,
isulat ang salitang pantangi sa patlang. Kung ito
ay pangngalang pambalana, isulat ang salitang
pambalana sa patlang.

Halimbawa:
pambalana Nakalimutan ng bata ang
kanyang laruan.
pantangi Magbabakasyon kami sa Baguio
sa susunod na buwan.

_________1. Humiram ka ba ng aklat mula


sa silid-aklatan?
_________2. Si Ginoong Rodrigo Duterte ang
dating pangulo ng Pilipinas.
_________3. Ang fiesta sa lungsod ng Cagayan de
Oro ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 28.
_________4. Nasa Hospital si Mark dahil tumaas
ang kanyang lagnat.
_________5. Ang sapatos na sinusuot ni Tatay
araw-araw ay ang Adidas.

V. TAKDANG-ARALIN

Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Magtala sa kwaderno ng mga sampung (10) Pangngalan Gumuhit sa kwaderno ng sampung (10) Pangngalan na
na makikita sa loob ng bahay at ikategorya ang mga ito makikita sa loob ng bahay at ikategorya ang mga ito ayon
ayon sa uri ng pangngalan. sa kasarian ng pangngalan.

Prepared by: Checked by:

KENT JOSHUA M. DUMAM-AG CORAZON Z. BARTOCES


Teacher I Monitoring Principal (MES)

You might also like