You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENTOF EDUCATION
Region III
Nueva Ecija University of Science and Technology
Papaya Off-Campus
General Tinio, Nueva Ecija

BANGHAY ARALIN SA EPP 1

I. Layunin
Higit na makikilala na mahalaga na mahalaga ang paggalang sa kapwa at
nakakantanda.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Mga Tradisyon ng Pamilyang Pilipino: Paggalang at pagrespeto sa
nakakatanda
b. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 1 (Tagalog) pahina 53-64
c. Kagamitan: Larawan ng paggalang at respeto sa nakakatanda
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
B. Balik Aral
Panuto: sagutin ang titik ng larawang ibabahagi ng guro na nagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa.

C. Paglalahad
1. Pagganyak
Panuto: Makinig sa guro habang binabasa ang bawat pangungusap sa tsart.
Lagyan ng tsek ( / ) ang kolum ng iyong sagot na makikita sa pahina 54.
Paminsan-
Gawain Palagi Hindi
minsan
1. Binabati ko ang aking
mga magulang,
kasambahay, guro, at mga
opisyal ng paaralan sa
tuwing sila ay aking
makikita.
2. Gumagamit ako ng “po at
opo” kapag nakikipagusap
ako sa matatanda.
3. Nagmamano ako sa aking
ina, ama, lola at lolo sa
aking pagdating galing sa
paaralan.
4. Gumagamit ako ng
salitang “Salamat po”
kapag binibigyan ako ng
munting regalo ng
nakakatanda sa akin.
5. Nakikiraan ako kapag may
nag-uusap sa pintuan na
nakakatanda sa akin.

2. Pagtatalakay
• Basahin ang tula na makikita sa pahina 56.

Ang po at opo
Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko.
Naging matulungin, mamumupo ako.
Kapag kinakausap ng matandang tao,
sa lahat ng oras, sa lahat ng dako.

Kung ang kausap ko’y matanda sa akin


Ipakita ang paggalang, po at opo ay gamitin.
Natutuwa ako na nigkas-bigkasin,
ang Po at ang Opo nang buong giliw.
Sagutin:
1. Ano ang bilin ng ama at ina ayon sa tula?
2. Kalian dapat gamitin ang po at opo?
3. Ginagamit mo din ba ang po at opo sa pakikipag-usap sa mga
matatannda?
4. Ano ano pang mahahalagang pananalita ang ginagamit mo sa
pakikipag-usap?
• Pakinggan ang talakayan ng guro.
3. Pagpapahalaga
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa paggalang at pagrespeto sa
nakakatanda?
4. Gawaing Pagpapayaman
Panuto: Kumuha ng kapareha. Gumawa ng dayalogo tungkol sa sitwasyon.
Ipakita ito sa klase. Makikita sa pahina 58.
Sitwasyon:
1. Pumasok ka sa Tanggapan ng iyonng Punongguro. Ano ang sasabihin mo?
2. Dumalaw ang iyong lola at lolo sa inyong bahay. Ano ang iyong gagawin
at sasabihin?
3. Pinamahagian ang inyong pamilya ng pagkain ng inyong butihing punong
bayan. Ano ang inyong sasabihin?
IV. Paglalapat
Panuto: Pakinggan ang bawat sitwasyon. Sabihin kung ano ang magalang na
pananalitang angkop gamitin. Sagutan ito sa iyong kwaderno.
1. Pagpapasok ka sa paaralan ano ang sasabihin mo kay nanay at tatay?
2. Binigyan ka ng iyong ninang ng munting regalo sa iyong kaarawan. Ano ang
iyong sasabihin?
3. Nag-uusap sa may pintuan ang iyong guro at punong guro. Gusto mong pumasok
sa loob ng inyong silid. Ano ang sasabihin mo?
4. Naligaw ka ng daan pauwi ng inyong bahay. Nakakita ka ng tindahan at ikaw ay
nagtanong. Ano ang iyong pambungad na bati?
5. Isang umaga, dumating ang lola mo sa inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?
V. Takdang Aralin
1. Gumawa ng islogan tungkol sa paggalang.
2. Isulat sa ¼ na kartolina at lagyan ng dekorasyon.
3. Ipaliwanag sa susunod na talakayan.

You might also like