You are on page 1of 1

Ey is for epol," Ang Pagbebenta ng Sabong Panlaba at ang "Kaputian" sa Pagsasalin

Para sa akin, may pangangailangang isaalang-alang ang pagsasalin bilang isang proseso, hindi simpleng
resulta o paramihan ng mga nasaling akda. Bilang proseso, may iba’t ibang port na pinagmumulan at
tinutungo ang pagsasalin iba't ibang wika sa loob ng bansa, pambansa tungo sa dayuhang wika,
dayuhang wika tungo sa pambansa at rehiyonal na wika.

Gayon din, ang pagsasalin ay hindi lamang proseso ng translasyon ng wika, ito ay pangunahing
translasyon ng. atleast, dalawang kasaysayan, lipunan, at pagkatao. Ang nagsasalin, halimbawa, ng akda
ni Shakespeare ay nagsasalin ng dalawang lipunan si Shakespeare sa England at Pilipinas; dalawang
lkasaysayanasaysayan ni Shakespeare at England, kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng pagsasalin; at
dalawang pagkatao-dayuhan at pambansa. Samakatuwid, hindi lamang wika ang behikulo ng pagsasalin,
kasama rito ang tatlo pang nabanggit na salik sa pagsasalin.

You might also like