You are on page 1of 3

Cristine Ann M.

Regarde J3B – DISIFIL

Manifesto: Boracay Clean-up Program

A. BAKGRAWND NG PROGRAMA
Ang Boracay ay isang maliit na isla sa ating bansa na matatagpuan sa rehiyon ng Visayas.
Ito ay kilala sa kaniyang katangian at angking kagandahan ng mga tabing dagat na matatagpuan
dito. Ito ay isa sa mga destinasyon sa Pilipinas na may pinakamaraming natatanggap na turista
na umaabot sa mahigit 941,868 na katao (Adel, 2021). Sa isang pagtitipon noong Pebrero 2018,
sinabi ni Pangulong Duterte na ang Boracay ay isang “cesspool” at dahil dito nabanggit niya ang
kaniyang balak na rehabilitasyon sa isla. At noong nakaraang Abril 2018, inilunsad ni Pangulong
Duterte ang “Boracay Clean-up” na may layuning linisin ang tabing dagat, ayusin ang mga
kalsada, at ang mga sistema ng paagusan. Ang programang ito ay ipinatupad upang mapanatili
ang kagandahan ng isla dahil ito ay unti-unti nang nasisira dulot ng polusyon (panglupa at
pangtubig na anyo). Ito ay inilunsad upang magbigay nang mas maayos na panuluyan sa mga
turistang nagpupunta at dumadayo rito, at lalo na para sa mga kapwa Pilipinong residente na
naninirahan sa islang ito.

B. ESTADO NG PROGRAMA
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Malay, tinatanggap nila ang makabuluhang pahayag na
kritiko ni Pangulong Duterte at isinasaalang-alang ang mga isyung pangkapaligiran na
nakakaapekto sa isla. Matapos maisagawa ang pagsasara ng isla noong Abril 2018, ang
Department of Interior and Local Government (DILG) ay nagpatupad ng mga tuntunin para sa
saklaw ng media. Ang mga militar ay ipinakalat para masiguro ang katahimikan at kaayusan ng
programa at para sa pagsuporta na rin sa pulisya. Higit pa, may mga partido rin na
nagmumungkahing panatilihing bukas ang mga resort na hindi apektado ng programa para sa
patuloy na daloy ng ekonomiya. Ngunit sa kabila ng mga kritikong natatanggap paukol sa
pagpapasara at ekonomiya, ayon sa poll na isinagawa ng Social Weather Stations, mahigit 60%
ng mga respondente ang sumang-ayon sa pagsasara ng isla para sa ikabubuti nito. Nang dahil
dito, mahigit 700,000 na biyahe ang nakansela at napatigil ang ibang negosyo na nakasalalay sa
turismo. Ayon kay Endo (2018), mahigit kumulang na 1.9 bilyong piso ang naging pinsala nito. At
dahil dito, ang programang ito ay nakatanggap ng mga negatibong komento at kritisismo sa iba’t
ibang plataporma ng social media. Isa sa mga ito ay ang pagtatanong paukol sa pagkabilang ng
mga siyentipiko sa programa dahil naniniwala ang mamamayan na sila ay kailangan para
magpanukala ng isang pangmatagalan na sustainability programs para sa isla. Maliban dito, ang
pagpapasara ng mga ilegal na mga establisyimento ay isa sa mga naging layunin ng gobyerno
para maisatupad ang magandang imahe ng isla. At matapos ang anim na buwan na pagsara rito,
ito ay muling naging bukas para sa mga turista noong Oktubre 2018. Ngunit, ayon kay Romulo-
Puyat, kalihim ng Department of Tourism (DOT), ang mga turista ay dapat patnubayan ang
kanilang mga inaasahan sa panahon ng pagbubukas muli dahil ang kabuuang rehabilitasyon ay
maaaring magtagal ng mahigit dalawang taon.

C. PAGTATAYA
Ayon sa aking nakalap na impormasyon at kabatiran, ang programang “Boracay Clean-
up” ni Pangulong Duterte ay binibigyan ko ng 6/10 lamang. Kahit sa kabila ng mga magandang
naidulot nito, gaya ng maayos na sistema ng pagaagusan at malinis na kapaligiran, mayroon
itong kaakibat na masamang epekto. Dahil ito ay isang agarang desisyon at hindi nakabilang at
naisaalang-alang ang iba pang mga salik gaya ng turismo, ekonomiya, sustainability, at ang
estado ng mga apektadong trabahador na Pilipino. Mahigit kumulang na 36,000 na trabaho ang
naging bakante (Dela Paz, 2018) at mahigit 15 bilyon ang nawala sa mga tuntunin ng kita (Asis
et al., 2018). Ang 1.3 bilyon na badyet sa programang ito ay triple at higit pa sa mga nawala sa
mga nakalipas na buwan. Ang pagbangon mula sa kawalan ng kita sa turismo ay maaaring
maging problema sa mga susunod na buwan at taon na dapat pagtuunan pa ng pansin ng
gobyerno upang mapanatili ang paggalaw ng ekonomiya at turista sa bansa. Sa kabuuan at
positibong pananaw, ito ay nagslibing magandang halimbawa upang maipakita sa buong mundo
na kaya nating panatilihing malinis ang Boracay sa tulong na rin ng mga disiplinadong turista at
mga establisyimento. Ang mairerekomenda ko ay dapat handa ang lahat sa mga susunod na
rehabilitasyon gaya ng sabi ni Romulo-Puyat, kalihim ng Department of Tourism (DOT), na pinag-
aaral nila ngayon ang panukala na ipasara ang Boracay ng isang buwan kada taon para bigyan
ng pagkakataon ang isla na "makahinga."

Mga Sanggunian:

Adel, R. (2021). Boracay logs 16,487 visitors in February, the most since pandemic reopening.
Philstar. Retrieved from
https://www.philstar.com/nation/2021/03/02/2081547/boracay-logs-16487-visitors-
february-most-pandemic-reopening
Asis, R., Albert, J., Ortiz, M.K., Quimba, F., & Reyes, C. (2018). The Boracay Closure:
Socioeconomic Consequences and Resilience Management. PIDS. Retrieved from
https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidsdps1837.pdf
Dela Paz, C. (2018). 36,000 jobs, P56 billion 'at stake' if Boracay closed for a year. Rappler.
Retrieved from https://www.rappler.com/business/boracay-temporary-closure-losses-
jobs-revenues
Endo, J. (2018). Boracay closureoffers chance to clean up and rethink tourism. Nikkei. Retrieved
from https://asia.nikkei.com/Economy/Boracay-closure-offers-chance-to-clean-up-
and-rethink-tourism-rethink-tourism
McKirdy, E. (2018). Philippines’ island Boracay reopens for test run following huge cleanup. CNN.
Retrieved from https://edition.cnn.com/travel/article/boracay-philippines-reopen-trial-
run-intl/index.html

You might also like