You are on page 1of 1

Ang Paglinis sa Boracay sa loob ng anim na Buwan

Ito ang pinili kong isaliksik dahil marami itong naiambag sa


ekonomiya at katanyagan ng Pilipinas. Isinara noong Abril ang
Boracay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at
muling binuksan noong Septyembre.
Pinalinis ito ng Gobyerno para tuluyang hindi masira ang isla
dahil itunuturing ito na pinakapopular na tourist destination ng
bansa natin. Ilan sa mga bagong panuntunan ang paglimita sa
bilang ng mga turista at negosyong nag-o-operate. Ipinagbawal
din sa beach ang pag-party, pag-inom ng alak, pagdaraos ng
bonfire, pagbebenta ng mga pasalubong, at pagtayo ng mga
kastilyong buhangin. Nasa 170 hotel, 43 restoran, at higit 90 iba
pang mga negosyo lang ang pinahintulutang mag-operate sa
muling pagbubukas ng Boracay dahil sila pa lang ang mga
nakasunod sa mga environmental policy ng gobyerno, sabi ni
Environment Secretary Roy Cimatu. Malaking epekto ito sa
Ekonomiya ng Pilipinas dahil mas dadaming taga ibang bansa
ang magiging interesado sa Heographiya ng Pilipinas.

You might also like