You are on page 1of 4

Posisyong Papel

Tambot, Khyan Socrates


Celebrados, Rhayniel Andrei
Agliam, Raniel
Natividad, Mikhail Josef
Madrideo, Cedirick
STEM 11- A

Paksa: Ilegal na paggawa ng resort sa Chocolate Hills: Pagpapawalang halaga sa ating likas na
kayamanan
Bansa: Pilipinas
Paaralan: Tarlac Agricultural University - Laboratory School

Ang Chocolate Hills ay simbolo ng Bohol tourism, kinikilala ito bilang isa sa United
Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) pinaka una sa bansa at isa
sa pinakasikat na tourist spot sa bansa. Matatagpuan ito sa iba’t ibang bayan tulad ng Carmen,
Butuan, Sagbayan, at iba. Mahigit 1,776 na burol ang naka palibot sa lugar ng Bohol. Ito rin ay
nasa 200 Philippine Peso Bill. Noong 1997, sa ilalim ng Proclamation No. 1037 na inisyu ng dating
Presideng si Fidel V. Ramos, ipinahayag na ang Chocolate Hills sa Carmen, Bilar, Batuan,
Sagabay, Sierra Bullones at Valencia town, na hindi pinapagayang mag patayo ng anumang
konstrukiyon sa protektadong lugar.
Ang Captain's Peak Garden and Resort ay isang destinasyong panturista na matatagpuan
sa Libertad Norte, Sagbayan, Bohol. Ito ay isang resort na may pool, slide, at cottage na
matatagpuan sa paanan ng ilang burol. Ang resort ay pagmamayari ni Edgar Buton, isang seaman
na taga Pagadian City, Mindanao. Sinabi ng pamunuan ng Captain's Peak, na nagsimula ang
operasyon noong 2022, nakatanggap sila ang utos ng pagsasara, ngunit nagpatuloy sa negosyo
gaya ng dati habang naghihintay ng resulta ng apela na kanilang inihain. Sa kasalukuyan, ang
Captain’s Peak Garden and Resort ay pansamantalang nakasara kasunod ng kaguluhan sa publiko
na kumukuwestiyon sa operasyon ng isang commercial hideaway sa sikat na Chocolate Hills sa
Pilipinas.
Ang nasabing resort ay lumabag sa batas at mayroong haharaping iba't ibang parusa. Ito ay
ang pagpatayo ng estruktura ng walang Environmental Compliance Certificate (ECC) na isang
protektadong lugar. Kabilang na rito ay ang kabiguang magparehistro bilang hazardous waste
generator kung maglalabas ng tubig nang walang permiso at ang kabiguang makakuha ng permit
mula sa National Water Resources Board habang naglalagay ng resort sa lugar. Ayon sa National
Integrated Protected Areas System Law, ang paglabag dito ay may mga parusa: hindi bababa sa
isang milyon hanggang limang milyong piso para sa criminal liability, bukod pa rito ay ang
pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na taon hanggang labindalawang taon para sa pagtatayo
ng estraktura nang walang naaangkop na mga permit sa loob ng protektadong lugar.
Ang naging isyu nito ay dahil sa Department of Environment and Natural Resources
(DENR) at Protected Area Management Board (PAMB) na pinayagang mag patayo ng Captain’s
Peak resort sa pagitan ng Chocolate Hills na kahit ito ay protektadong lugar. Isinasaad ng DENR
at PAMB na ang naturing resort ay hindi nilabag ang 20 porsyento na mag patayo sa pundasyon
ng Chocolate Hills, ngunit ang Board Member, Chair of the Committee on Cnvironment and
Natural Resources Protection na si Jamie Aumentado Villamor, na ang DENR at PAMB ay walang
maipakitang ibedensya base sa pag-apruba para ipatayo ang naturing Captain’s Peak resort sa
paligid ng Chocolate Hills.
Kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagtatayo ng
resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol. Ayon kay DILG Secretary, Benhur Abalos, dapat
managot ang sinumang may kaugnayan sa itinayong imprastraktura sa bahagi ng isa sa mga
iniingatang likas na yaman ng bansa. “We will look into the accountability of the local government
units (LGUs) concerned. Should there be neglect of duty or any other irregularity on the part of
the officials tasked with protecting and overseeing the area, we will not hesitate to pursue
appropriate legal actions,” pahayag ni Abalos. Iginiit ng kalihim na ang mga lokal na pamahalaan
ang dapat na manguna at maging halimbawa sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.
Paliwanag ni Abalos na nakasaad sa Local Government Code na mandato ng LGUs na paigtingin
ang karapatan ng mamamayan para sa balanse at ligtas na kapaligiran. “If illegal construction was
allowed within a protected area, this would fall gravely short of this responsibility,” dagdag ni
Abalos. Nangako naman ang DILG na makikipagtulungan sa Department of Environment and
Natural Resources sa paglikha ng mga resolusyon kaugnay ng usapin. Una nang hinikayat ni
Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na higit pang isabuhay ang pagiging
mabubuting katiwala ng Diyos sapagkat ang kabutihan ng kalikasan ay magkakatuwang na
tungkulin ng bawat isa.
Ang pagpapatayo ng resort ay maaaring magdulot ng polusyon at pagkasira ng kalikasan
ng Chocolate Hills. Ang pagkawala ng biodiversity at pagkasira ng mga tanawin ay maaaring
magdulot ng pangmatagalang pinsala sa ekosistema ng lugar. Dagdag pa rito, may mga aspeto ng
kultura at heritage ng mga lokal na komunidad na dapat pangalagaan. Ang mga regulasyon at batas
na naglalayong pangalagaan ang kalikasan at kultura ng lugar ay dapat ipatupad at sundin. Ang
layunin ng pagpapatayo ng resort sa Chocolate Hills ay dapat na nagsusulong ng balanseng pag-
unlad na nagbibigay ng ekonomikong benepisyo habang iniingatan, pinapahalagahan ang likas na
yaman, at kultura ng lugar.
Bilang resulta ng papel na ito ay mas nabibigyan ng halaga ang papel na ginagampanan ng
mga natural na yaman ng lugar. Sa kabilang dako, ito ay maaaring magdulot ng ekonomikong
benepisyo at pag-unlad sa turismo ng lugar, may mga potensyal na epekto sa kapaligiran at kultura
ng mga lokal na komunidad na dapat bigyang pansin at bantayan.
Ang naging pasya ng aming grupo ay dapat ito ay ipasara at gibain ang lahat ng estraktura
na nakapatayo sa protektadong lugar, dahil na rin sa madaming nilabag na batas. Gayundin, ang
DENR at PAMB na inaprubahan ang Captain’s Peak na magpatayo ng resort na kulang ang permit
upang makapagpatayo ng estraktura. Ang pagpapatayo ng estruktura sa mga burol ay maaaring
magkaroon ng salik na negatibong epekto. Ang pagpapatayo ng konstruksyon sa ganitong klaseng
lugar ay maaaring maging sanhi ng deforestation na siyang negatibong nakakaapekto sa
ekosistema, biodiversity, at klima. Gayundin ang pagkawala ng tirahan ng mga hayop na
naninirahan dito. Ito rin ay nagreresulta sa mga hindi inaasahang sakuna, gaya ng pagguho ng lupa
dahil sa pagpapatayo rito ng estruktura ay matatamaan din ang landscape nito. Panghuli at ang
pinakamalala sa lahat ay ang polusyon na dulot nito, ang mga aktibidad ng tao na dahilan sa
pagkasira ng natural ganda ng mga burol. Pangalagaan natin ang isa sa natural wonders of the
world.
Reference:
Udtohan, L. (2024, March 15). Bohol governor wants truth in Chocolate Hills development
Inquirer News. INQUIRER.net.
https://newsinfo.inquirer.net/1918832/bohol-gov-wants-truth-in-chocolate-hills-devt
Chocolate Hills resort granted building permit by LGU even sans ECC. (n.d.). Philippine News
Agency.
https://www.pna.gov.ph/articles/1220942
Glorioso, N., & Glorioso, N. (2024, March 14). Questions we have about *That* viral
Chocolate Hills resort. NYLON MANILA.
https://nylonmanila.com/chocolate-hills-resort-captains-peak-resort/
Añonuevo, M. (2024, March 15). Pananagutan ng mga lokal na opisyal sa Chocolate hills
resort, tiniyak ng DILG. VeritasPH.
https://www.veritasph.net/pananagutan-ng-mga-lokal-na-opisyal-sa-chocolate-hills-resort-
tiniyak-ng-dilg/

You might also like