You are on page 1of 2

Malagsic, Hannah Ekliesha M.

10-Eduardo Quisumbing

ANG SIMULA
“Masaya po akong pinayagan na ulit na bumisita ang mga dayuhang
turista pagkatapos ng halos dalawang taon na pagbabawal sa kanila.
Ibigsabihin din nito ay ang muling pagdami ng mga pwedeng pumasok na
mangaggawa sa hotel” saad ito ni May Retiro, hotel worker sa Boracay
Island Resort matapos i-anunsyo ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng
bansa sa mga dayuhang turista.
Simula noong ika-10 ng Pebrero ngayong taon, ang mga bansa sa
Timog-Silangang Asya ay pinayagan nang makapasok ang mga turistang
kumpleto na sa bakuna matapos ang halos dalawang taong pagbabawal o
paghigpit ng mga pandaigdigang pagbisita sa bawat bansa.
Sa kabilang banda ay kinakailangan pa ring sumunod ng mga turista
sa patakaran upang makapasok nang tuluyan sa bansa. Kabilang na rito ang
kasalukuyang katibayan na ikaw ay kumpleto na sa bakuna, negatibong
resulta ng RT-PCR test, 48 na oras bago ang kanilang pag-alis, return ticket
at passport na mabisa sa loob ng anim na buwan.
Sa pagdaan ng pandemya lalo na noong naunang taon nito ay
sobrang naapektuhan hindi lang ang ekonomiya kundi pati na rin ang
turismo ng Pilipinas kabilang ang 1.1 milyon na manggagawang konektado
sa turismo ayon kay Philippine Tourism Secretary Bernadette Romulo
Puyat.
Ayon din kay Puyat, ang Isla ng Boracay pa rin ang nangungunang
atraksyong pangturista sa Pilipinas. Bukod pa rito ay ang mga tanawin sa
Bohol, Palawan, Baguio, Ilocos Norte, Batangas at iba pa.
Ang pangyayaring ito ay isa sa mga senyales na hindi pa huli upang
tayo ay bumangon mula sa delubyong pinaranas sa atin ng pandemya.
Sama-sama tayo at tulungan ang bawat isa para sa panibagong simula ng
ating mga buhay at maging ng bansang Pilipinas. Ating bawiin ang mga
nawala sa atin sa loob ng mga nagdaang buwan at taon. Sa huling araw ng
pagkalat ng virus, ating matutunghayan kung paano natin naiganti ang ating
pamumuhay at pagbangon mula sa kahirapan na kasinglalim ng hukay.

*hindi po ito isang lathalain article nagiging news po yung dating niya parevise
ako ng buong article
*tapos yung sinabi ko po na basahin po lahat ng lathalain article sa g drive na
sinend ko po
* mas gawin pa itong creative huwag din masyadong gumamit ng mga quotation
na salita at wag din masyadong formal ang pagkakasulat ng mga pangungusap
*bigyan pa po ito ng mas kainteres interes basahing idea gawing mabubulaklak na
salita ang ibang parte

You might also like