You are on page 1of 1

Barangay Pili, Malimono, Surigao del Norte.

Kabilang sa 14 na barangay ng bayan ng Malimono ang Pili. Sa taon ng 2015 ay nagtala ang
munisipalidad ng Malimono ng humigit-kumulang na 18,000 na kabuuang populasyon at halos 10% rito
ay mga taga-Barangay Pili. Ang buong munisipalidad ng Malimono na ito ay napapagitnaan ng Dagat ng
Bohol at ng Lawa ng Mainit kaya ang mga taga-Barangay Pili ay namumuhay sa local na turismo at
pangingisda.

Pagdating sa turismo, karamihan ng mga local at banyagang turista ay piniling lakbayin ang
kalapit na dalampasigan sa pamamagitan ng bisikleta. Pinapahalagahan nila ang katahimikan ng
barangay at ang sariwang hangin na nanggagaling sa dagat. May ilan naman ay pinapasinayaan ang
kakaibang ganda ng pagsikat at paglubog ng araw. May ilan naming mga turista na gustong makakita ng
mga kakaibang uri ng tagak na nanggagaling pa sa ibang lugar bilang bahagi ng kanilang paglalakbay sa
paghahanap ng makakain (migratory bird watching). At kung may dalampasigan, hindi maaaaring
mawala ang paliigo sa malinis na dagat.

Sa mga tao na naghahanap ng mapayapang paglalakbay at isabay ang pagpapahalaga sa


kalikasan, bumisita na sa Barangay Pili, Malimono, Surigao del Norte at maranasan na ang kagandahan
ng lugar ay dapat sabayan ng kapayapaan ng kalooban at ng isipan.

You might also like