You are on page 1of 2

Ang Sampung Lalaking Lumpo

Noong unang panahon ay may isang mabait na manggagamot. Ang pangalan niya ay
Apo Jose pero marami pa ring naniniwala sa kanyang kakayahan. Kakaiba kasi ang
kakayahan niya sa panggagamot.

Ang sabi ng marami ay nagbuhat sa itaas ang karunungan sa panggagamot ni Apo


Jose. Paano ay nagagamot niya ang kahit anong uri ng karamdaman. Ang mga
pasyenteng hindi na makayanang gamutin ng medisina ay napapagaling parin niya.
Nagagawa niyang makakita ang mga bulag. Ang mga bingi ay nakakarinig, ang mga
pilay ay nakakalakad.

Hindi nanghihingi ng ano mang kabayaran si Mang Jose sa kanyang panggagamot.


Kahit pabiro ay hindi siya nanghihingi ng anumang buhat sa kanyang napapagaling.
Sapat na sa kanya ang siya ay napapasalamatan ng mga ito. Gayunman, kung may
nagbibigay sa kanya ng mga prutas at gulay ay tinatanggap naman niya at
pinasasalamatan.

Isang araw ay may sampung lalaking dinala sa matanda ng ilang napagaling niya.
Pawang lumpo ang sampu. Sakay ng mga kariton ang sampung lalaki na tinutulak ng
mga tao.

"Ano ang gusto ninyo?" malumanay niyang tanong sa sampung tao.

"Gusto po naming makalakad," sabay-sabay na sagot ng mga ito.

Tumayo si Apo Jose. Isa-isa niyang nilapitan ang sampung lumpo. Bawat isa ay
hinihipo niya ang mga paa.

Ang mga tao naman ay pigil ang kanilang mga hininga. Ibig nilang malaman kung ano
ang mangyayari.

"Sige, tumayo na kayo," sabi ni Apo Jose matapos hipuin ang mga paa ng sampung
lumpo.

Gilalas na gilalas ang lahat ng nakakita. Nakatayo kasi at nakalakad ang sampung
lalaki. Sa katuwaan ay mabibilis ang mga hakbang ng bawat isa. Lahat ay tuwang-
tuwa. Makaraan ang tatlong oras ay nagbalik ang isa sa sampung lalaking lumpo na
nakakalakad na at nagpasalamat kay Apo Jose.

You might also like