You are on page 1of 11

“KATA-O”

“Mapiya I parangay so karoma ko. Masakaw go mapiya pen i


kapakindodolona. (Mabuting tao ang asawa ko. Mabait at mabuti siya sa ibang tao).
Oo, totoong nakakasundo niya ang lahat ngunit bakit sa mabubuting tao pa
nangyayari ang mga ito? Sa lahat ng tao, bakit si Yusoph pa?” ito ang mga tanong ni
Sahara sa sarili habang nakadungaw sa bintana’t nagmumuni-muni. Sinasariwa niya
ang mga alaala ng mga unang araw nil ani Yusoph, noong hindi pa nagkakasakit ang
asawa. Napakasaya nila.
Mabuting babae si Sahara. Ang lahat na yata ng kabutihan ng isa babae ay
nasa kanya kaya wlang masabi sa kanya ang asawa pamilyang binukod dito, si Sahara
ay mapagmahal din. Lumaki siya sa isang pamilyang binukod ng pagmamahal.
Makalipas ang isang taing pagsasama nil ani Yusoph ay binigyan sila ng isang
malusog na batang lalaki, si Khalid. Ngunit ang hindi mawari ni Sahara ay biglang
pagkakaskit ng asaawa.
Sa sala, nakatayong umiinom ng kape si Ysuoph nang umagang iyon. Biglang
kumirot ang tiyan nito ngunit binalewala lamang ng lalaki ang nararamdaman. Pero
sa bawat paghigop nito ng kape ay nagsunod-sunod na ang pagkirot ng tiyan
hanggang sa namimilipit na ito sa sobrang sakit.
“Ah.. ah. .. Aydaw!” (Ah, Aray!)
Pakiramdam ni Yusoph ay pinipiga ang kanyang apdo.
Naglaway siya hanggang sa siya ay sumuka. Hindi na siya nakatakbo sa
banyo. Walang lumabaas na pagkain sa kanyang bibig. Puro laway at tubig lang ang
humabas dito. Pimigil niya ang pagsuka, ngunit parang may iba pang bagay na
nagnanais lumabas sa kanyang bibig.
Si Yusoph ay isang ay isang responsableng asawa’t ama. Minsan na siyang
nagkamali kaya naman nag-ingat na siya na huwag mabahirang muli ng dungis ang
kanyang reputasyon lalo na’t galing siya sa isang kilalang pamilyang Meranaw. Nag-
iisa siyang anak na lalaki nina Ali at Saripe na kilala ring matatas na maratabat.
Kapag nasaktan o naapakan ang kanilang Karapatan, danal, at prinsipyo, dahalan
iyon upang magkaroon o magresulta ng away.
Matapos ang kasal nil ani Sahara ay nagsimula ang pananakit ng kanyang
tiyan. Inilihim lamang niya ito sa asaa dahil inakala niyang karaniwang pananakit
lamang iyon ng tiyang.
“Sa..hara..Sahara!
‘ang hirap na hirap na tawag ni Yusoph.
Natarantang lumabas haling ng kusina si Saraha. Nakita niyang nakahandusay
na ang asawa at tila naliligo na isnukang laway.
“Yusoph antonaa I pekhagedam ka? Anotanaa I masakit r’ka?’ (Yusoph, ano
ang nangyayari sayo? Ano ang masakit sayo?) ang malakas niyang sigaw. Sinikap
niyang ibangon si Yusoph, subalit may kabigatan ito. Ang agad na pumasok sa isip
niya ay ang cellphone niya upang makontak niya ito ang pamilya. Taranta siyang nag
dial sa kapatid ngunit hindi niya ito makontak. Kung sino-sino ang idinayal niya sa
cellphone. Isa ang sumagot.
‘Ogopiya kong ka! (Tulungan mo ako!) Pumunta ka sa bahay! Ngayon na!
May nangyari kay Yusoph,’ mabilis na sabi niya sa kaibigan ni Yusoph.
Hinila ni Saraha papuntang sala si Yusoph. Kumuha siya ng damit nito para palitan
ang basa ng damit. Iniayos niya ang pagkakasalagmak ni Yusoph hanggang sa ito
aymapaupo.
‘Okey na okey na ako,’ nanghihinang bulong ni Yusoph.
Nang nakaramdam ng sandalling ginhawa sa pananakit ng tiyan ay isang anyo
ng babae ang Nakita ni Yusoph. Nakatalikod ito. Katabi niya si Sahara na
nagpupunas pa rin ng kanyang laway. Ngunit parang walang nakikita si Sahara siya
lamang ang nakakakita sa babae sa kanyang tapat. Biglang dumating ang kanyang
anak, nagtanong ito kung napaano siya
‘kataya, miyapiya den a ginawa ko,’ ( Eto, bumubuti na ang pakiramdam ko,)
wika ni Yusoph sabay himas sa kanyang tiyan.
Agad na nagtext si Sahara sa kaibigan ni Yusoph na huwag nang tumuloy kasi
okey na si Yusoph. Maayos na ang pakiramdam nito pagsapit ng gabi. Iniisip ni
Yusoph kung anong klaseng sakit ang mayroon siya. Baka kanser. Kaya mas
mabuting huwag na lang niyang malaman kung anong sakit nga ito.
Masaya niyang pinagmasdan ang paglalaro ni Khalid. Bibong-bibong bata
ang anak. Natutuwa sila ni Sahara kapag nagsasabi ito ng p’khababayaan ak’n skao
ome ago abe. (mahal ko ang aking ama at ina).
“Mabuti pa’y magpatingin ka sa doktor mungkahi ni Sahara kay Yusoph.
“Amay ka kowan na tona-I miyasowa aka.( upang malaman natin kung ano ang
nararamdaman mo). Di iyan simpleng sakit ng tiyan.”
“Alam mo naming takot ako sa doktor,” natatawang sagot ni Yusoph.
“Di nga?” natatawa ring reaksyon ni Sahara. Pagkatapos ay niyakap nila ng
buong higpit ang isa’t isa. Nakatulog nang mahimbing si Yusoph. Hindi na siya
ginising ni Sahara pagtuntong ng alas-singko ng umaga. Ito ang oras ng gising ng
asawa. Naisip niyang nasarapan ito sa pagtulog. Bumangon siya at nanalanging wala
na nga sanang sakit si Yusoph.
Hindi niya muna itinimpla ng kape si Yusoph. Alam niyang hindi ito
makabubuti sa masakit at mahapding sikmura. Naglaga siya ng dilaw na luya.
Paborito rin naman itong inumin ng asawa.
“Ba’t di mo ako ginising?” bungad ni Yusoph kay Sahara sa kusina.
“Ang sarap kaya ng tulog mo. O, eto naglaga ako ng luya. Inumin mo muna
para mainitan ang tiyan mo. Mamaya pupunta tayo sa Iligan para makapagpa-check
up ka.”
“May pupuntahan ako ngayon. May usapan kami ni Atty. Macasilao.
Magkikita kami sa BIR.”
“Pa’no yan? Kailan ka puwede? Baka balewalain mo ‘yang sakit mo.”
“Sa pamomolong na lang kaya tayo pumunta? D’yan lang ‘yon sa kabialng
kanto,” pabirong sabi ni Yusoph.
“Sige ka, tawanan mo ‘yang iniinda mong sakit. Akala mo biro ‘yan, ha?”
“Bakit? Manggagamot din naman ang mga albularyong Meranaw. Kaya
marami parin ang pumupunta sa pamomolong.”
“Naniniwala ka do’n?”
“Oo, naman. Di ba, sa probinsya ako lumaki? Saka ‘yong lolo ko’y
pamomolong. Palibhasa kasi ay sa Maynila ka lumaki kaya ‘yang isip mo, modern
na.”
Nang papaalis na si Yusoph ay bahagyang kumirot ang kanyang tiyan. Hindi
siya nagpahalata kay Sahara. Ang totoo, sa pamomolong ang punta niya.
Magpapasama siya sa kanyang kaibigan na si Hassan. May lahing manggagamot sina
Yusoph. Naalala pa niya noong bata pa siya kung paanong manggamot ang isa
niyang lolo, kapatid ng kanyang tunay na lolo. May mga dahoon na pinapakuluan sa
tubig, langis, asin, luya at may binabasa rito ang lolo niya habang idinidikit ang mga
dahoon sa masakit na parte ng katawan ng maysakit. Ginagawa lamang ito ng lolo
niya tuwing umaga ng Martes at Huwebes. Bumabalik ang nagpapagamot sa lolo niya
matapos ang ilang linggo upang magpasalamat dahil gumaling sila. At naalala pa niya
ang kung ano-anong bitbit na pagkain ng mga nagamot na kababayan para sa lolo
niya bilang pasasalamat. Hindi siya nagbibiro kay Sahara. Pero kailangan niyang
itago ang kanyang gagawin. Hindi pa niya tiyak kung anong sakit ang mayroon siya
pero may nabubuong konklusyon sa kanyang isipan.
Hindi siya magpapagamot sa bayan nila. Baka malaman ni Sahara. Hindi
muna dapat malaman ng kanyang pamilya ang nangyayari sa kanya. Si Hassan ang
magiging katuwang niya sa pakikibakang ito. Kilala na nila kung sino ang lalapitan
nilang albularyo. Sa Lumba a Gorinao sila nagpunta, inirekomenda iyon ni Hassan.
Pumasok sila sa isang bahay na di kalakihan, ang kuwarto at salas ay iisa.
Doon ang receiving room, bedroom at iba pang kuwarto. May iisang kama sa
bandang kaliwa, maayos na nakatali ang kulambo sa ulunan nito. May isang
mahabang bangko sa gilid ng pinto at may isa pang lumang bangko sa tabi ng
bintana. May maliit na mesa naman sa bandang kanan na siyang hapagkainan ng
pamilya.
Pinahiga si Yusoph sa kama at sinuri ni Madid, ang pamomolong, ang
kanyang kalagayan. Nagkakaedad ng animnapu’t lima hanggang pitumpo, si Madid
ay naka-polo shirt na maikli ang manggas at nakamalong. May kapayatan siyia at
makikita sa mukha niya ang malalim na kaalaman sa panggagamot. Sinimulan ni
Madid ang ritwal. Kumuha siya ng boteng may langis at maliliit na ugat ng puno.
Inihalo niya ito sa dinikdik na dahon ng bayabas, dahon ng sili, at talawatawa upang
itapal sa tiyan ni Yusoph. Bumulong siya ng orasyon. Nagdasal muna siya saka
umusal. Si Hassan ay nakatayo sa tabi ni Yusoph, pinagmamasdan niya si Yusoph at
ipinaparamdam niya rito na kakayanin ni Yusoph ang pinagdadaanan nito. Nagulat si
Madid ng mapakislot sa sakit si Yusoph. Nangitim ang tiyan ni Yusoph at sumuka
siya ng sumuka. Kinabahan ang matandang albularyo. Napailing ito.
“Di aken aya khagaga bulongan.(Di ko siya kayang pagalingin). May
kakaibang espiritu ang gumagambala sa kanyang tiyan. Malakas. Makapangyarihan.
Mabuti pa’y sumangguni kayo sa iba pang pamomolong.”
“Sigurado po ba kayo na hindi Ninyo kaya?” nahihintakutang tanong ni
Hassan. “Baka po may magawa pa kayo para sa kaibigan ko. Nakikiusap po kami,
Kaka Madid.”
“Naba ako di sablao. Panginbenar kano raken.(seryoso ako. Maniwala kayo
sakin) Magmadali na kayo. Huwag ninyong hintayin na mahuli na ang lahat.”
Wala nang nagawa si Hassan kundi makipag-ugnayan sa pamilya ni Yusoph
dahul hindi niya kakayaning mag-isa at nakokonsensya siyang hindi ipaalam sa
pamilya ni Yusoph ang tunay na kalagayan nito. Umiling si Yusoph kahit namimilipit
na ito sa sakit. Ngunit hindi siya sinang-ayunan ni Hassan. Tumawag ito sa ina ni
Yusoph.
Wala sinayang na sandali ang pamilya ni Yusoph. Agad silang nakipag-
ugnayan sa ibang pamomolong para maisagawa ang ritwal sa lalong madaling
panahon. Kailangan munang humugot ng lakas ng manggagamot na espiritista bago
gawin ang orasyon. Malakas ang masamang espiritung gumagambala at nananakit
kay Yusoph.
Hindi umuwi ng araw na ‘yon si Yusoph. Tumawag lang ang ina niya kay
Sahara at nagsabing pupunta si Yusoph sa Cotabato kasama si Atty. Macasilao. Para
sa katulad ni Yusoph na Community Developer sa isang non-government office ay
sanay na si Sahara sa pagbiyahe ni Yusoph sa malalayong lugar kaya hindi ito
nabahala. Minsan ay agaran pa ang pag-alis ng asawa. Hindi na ito nkakapagpaalam
pa. Tumatawag na lang ito sa kanyang cellphone.
Nagdahilan na lamang ang in ani Yusoph na nawala ang cellphine ng anak at
pansamantalang hindi makokontak si Sahara kay Yusoph at gayundin ang lalaki kay
Sahara. Kampante naman ang babae sa sinabi ng biyenan. Maganda ang relasyon
niya sa kanyang mga biyenan at sa buong angkan ni Yusoph. Magkasundong-
magkasundo ang kanilang pamilya.
Ginamitan ng matinding kata-o si Yusoph. Ito ang natuklasan ng pamomolong
sa Poona a Makasilay. Kailangan masuri kung sino ang gumawa nito kay Yusoph.
Isasagawa na ang ritwal ng panggagamot gamit ang mabisang orasyon.
Nagkakilala sina Yusoph at Akmilahsa kolehiyo. Si Akmilah ay lumaki sa
isang magulong pamilya. Ang ama nito ay Meranaw ngunit ang ina ay kalahating
Kristyano at kalahating Maguindanaon. May sariling mundo si Akmilah. Pakiramdam
niya ay walang naguukol ng pagmamahal sa kanya. Kaya wala siyang muwang sa
salitang pag-ibig. Nagbago ang lahat nang makilala niya si Yusoph.
Mula noon ay natuto siyang umibig. Nagtiwala siya at agad na nagbago ang
pananaw niya sa buhay. Dama niyang naging ganap ang sariling pagkatao at
pagkababae nang ipamalas sa kanya ni Yusop ang pagmamahal nito.
Sigurado si Akmilah na si Yusoph ang lalaking aangkin sa kanya. Ang apat na
taong relasyon nila ay labis na upang isuko rito ang iniingatang puri. Ang munting
parihabang bintana at ang maliit na silid ang naging piping saksi sa ginawa nila.
Maalab ang simbuyo ng damdamin ng dalawang nilalang na ito.
“Akmilah, phanalamatangko s’ka ka,(Akmilah, salamat) ikaw lang ang
babaeng nagdulot sa ‘kin ng ganitong kaligayahan. Mahal kita.”
“Mahal na mahal din kita, Yusoph. Sekabo I mama a para rak’n,”(Ikaw lang
ang nagparamdam sakin ng ganto) wika ni Akmilah nangmay ngiti sa labi.
Nasundan pa ang pag-aalab ng kanilang damdamin hanggang isang umaga ay
nagising na lamang si Akmilah na nagduruwal. Nabahala si Yusoph. Sinamahan niya
ang nobya sa doktor. Sa pagsusuri sa ihi ng babae aynapag-alaman na buntis ito.
Walang kibo si Yusoph. Masaya si Akmilah. Wala siyang pakialam sa
sasabihin ng kanyang pamilya. Ngunit naisip niyang kasiraan ito sa iniingatang
pangalan ng pamilya.
“Pakibobosen ka a wata anam,”(Ipalaglag mo ang bata) sabi ni Yusoph sa
mahinang tinig.
“Ano? Akala ko’y matutuwa ka. Ba’t mo nasabing ipalaglag ko ito? Umaatras ka ba?
Naduduwag ka?” Sunod-sunod na tanong ni Akmilah. Ipinaparamdam niya ang
matinding galit kay Yusoph.
Bigla siyang iniwan ni Yusoph sa ganoong sitwasyon. Hindi na ito nagpakita
sa kanya. Walang text o tawag. Walang paramdam kahit sa kaninong kilala nila.
Nag-iisang hinarap ni Akmilah ang sariling pamilya. Lahat ay galit sa kanya.
Kahihiyan ang kanyang idinulot sa angkan. Mabuti pang mamatay na lang siya o
ipapatay. Bago pa man makalabit ng kanyang ama ang gatilyo ng baril ay mabilis
siyang nakatakbo papalabas ng bahay. Wala siyang dala kahit ano, kahit manlang
sapin sa paa.
"Da ka den maya! Opama na da kaming ka den pamikira? (Walang hiya ka!
Ano nalang ang sasabihin ng iba?) Nagdala ka ng kahihiyan sa pamilyang ito!"
Patuloy ba umalingawngaw iyon sa isip ni Akmilah habang tumatakbo siya palayo.
Hindi pa naglalaon mula ng mangyari ito kay Akmilah, nabalitaan niyang nag-
dialaga na si Yusoph sa babaeng gusto ng pamilya ni Yusoph para dito, engaged na
si Yusoph.
"Bakit niya nagawa sak'in ito?"
Hindi niya isusuko ng gayon na lamang ang pag-ibig niya kay Yusoph. Naisip
niyang napilitan lamang ang nobyo. Naintindihan niya ang kasunduan. Subalit, may
panahon pa para hindi maganap ang kasal. Kailangang sumuway si Yusoph sa
gusto ng pamilya. Ito ang naiisip niyang dapat gawin ng lalaking minamahal.
Ipinaabot niya kay Yusoph na magkita sila sa kanilang tagpuan sa isang
abandonadong kubong may punong mangga sa harap at may mga pananim ba gulay
sa likod. Nadiskubre nila ito noong nasa kolehiyo pa sila at napadalas ang pagbisita
nila sa lugar na ito-nililinis nila't sa katunayan ay may ilang gamit sila rito kasama
ng gamit pangkusina gaya ng plato't baso, maliit ba kaldero para lamang silang
bagong kasal noon na nagsisimula sa bahay. Ang kubong ito ang nagbigkis ng
kanilang pagmamahalan.
Pumayag si Yusoph na makipag-usap sa kanya. Alas-nuwebe ang usapan,
pero malapit nang magtanghali ay wala parin ang lalaki. Kumain siya sandali dahil
humihilab na ang kanyang tiyan. Naisip niya ang batang bunga ng magandang pag-
iibigan nila ni Yusoph. Kaya't naghintay pa siya. Ngunit sumapit na ang gabi, wala pa
rin ang lalaki. Pinilit na siya ng kaibigan na kasama niya nang araw na 'yon, si Maida.
Sabi nito, sa paghaharap nila ni Yusoph ay kalimutan na ang pakikipagkita kay
Yusoph. Ngunit hindi nakinig si Akmilah. Mabuti't may kaibigang tapat si Akmilah.
Sinamahan siya nito sa kanyang mga lakad. Sa katunayan ay si Maida na ang
tumawag kay Yusoph at siya ang nakiusap sa lalaki. Kinabukasan ang
napagkasunduang pagkikitang muli.
Sabik na sabik si Akmilah sa muli nilang pagkikita ni Yusoph. Hihimukin
niya itong magsama na sila. Magpapakalayo – layo silang dalawa.
“Yusoph, nakikiusap ako”, pagmamakaawa ni Akmilah. “Dingka raken aya
kidiya-an. Huwag mo akong iwan, maawa ka sa kin at sa magiging anak natin.
Nakahanda ako sa dowaya, kahit makihati ako sa magiging asawa mo, basta’t huwag
mo lang kaming iwan’dugtong pa nito habang umiiyak at nkaluhod sa harap ni
Yusoph.
“Naiintindihan mo naman siguro ang kasunduan ng mga Meranaw sa pag-
aasawa. Nakapag-dialaga na kami, Akmilah, engaged na ako Mahal kita pero hindi
ko puwedeng suwayin ang mga magulang ko malapit na ang kasal ko.”
“Tindegen akong ka.(panindigan mo ako) Ipaglaban mo ang pagmamahalan
natin, ang magiging anak natin. Nagmamakaawa ako.”
“Diko kayang suwayin sina Ama’t Ina.kung nagawa mo ‘yon sa pamilya mo,
ako, hindi ko kaya. Iniingatan ko ang pangalan ng pamilya ko.”
“A, gano’n ba? Ako pa ngayon ang masamang anak? Naging masama ako
dahil mahal kita. Sa tingin mo pala ay masama ang aking ginawa!”
“Makakahanap ka rin ng karapat-dapat na lalaki para sa iyo.”
Napangiti nang mapait si Akmilah. “Sino pa’ng Meranaw ang iibig sa’kin? Sa
ganitong sitwasyon ko? Sinong angkan ang tatanggap sa’kin?”
Tumalikod na si Yusoph at hindi na siya nilingon pa. Saka napaisip si
Akmilah. Dapat sana’y pinigilan niya si Yusoph. Hindi sana nangyari ang gayong
tagpo. Hindi ganon ang kanyang plano, pero wala nauli ang lalaking pinakamamahal
niya. Nagkamali siya. Ngunit sa isang banda, may nagsasabi sa kanyang isip na
“tama ang ginawa mo. Palayain mo na ang lalaking ‘yon.”
Inalo siya ni Maida na tunay at tapat na kaibigang kumupkop sa kanya.
“Magparaya ka na,” bulong ng kaibigan kay Akmilah.
Dumating na ang araw na kasal nina Yusoph at Sahara. Sabado. Ala-una ng
hapon. Abalang-abala sa bahay nina Yusoph.
“Yusoph, imanto a phangaroma ka den na piya-piya ka,” (Yusoph, ngayon na
ikakasal kana ay maging mabuti ka) payo ng kanyang ama.” Obang ka den
phaparomani a makiilay sa babai oto.(huwag kanang makipagkita ulit sa babaeng
iyon) Di seka niyan khapakay sa pamilya tano.(hindi siya karapatdapat sa pamilya
natin) Mapiya angka a babai go so manga maphanogangan ka,”(mabuting tao ang
mapapangasawa mo at pamilya nito) payo ng ama kay Yusoph. “Basta, ayaw ko na
muling magkaproblema at mula ngayon ay magpakatino ka na,” dugtong pa ng ama
ito.
Tumango lamang si Yusoph. Bigla niyang naalala si Akmilah, ang masaya
nilang pagsasama noon sa kubo, ang sabay na pagpunta sa kantina ng eskwelahan
nila, ang pagsama ni Akmilah sa kanyang pagte-tennis, at ang kalagayan ni Akmilah
ngayon. Hindi alam ng mga magulang niya na nagdadalantao ang babae. Kung alam
lang nila ay maaaring maging magiliw sila rito kahit manlang para sa bata. Walang
kamuwang-muwang ang bata sa nangyari sa kanyang magulang.
Sa araw na rin na ‘yon ay nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan si
Akmilah. Mabilis ang labas ng dugo mula sa kanyang puwerta. Buo-buo ang dugo.
Pulang-pula.
“Ano ito? Ang anak ko! Ang anak ko!” Sumisigaw si Akmilah, humagulgol.
Sunod-sunod ang patak ng kanyang luha.
Mabilis na sumaklolo ang kaibigan. Agad siyang dinala nito sa ospital.
Niraspa siya. Wala na ang bata.
Sa kabila ng pagtakwil sa kanya ng pamilya ay hindi niya itinago kaninuman
ang kalagayan. Ginawa niya ang gayong kapangahasan kaya haharapin niya ang lahat
ng ibinunga nito.
Ngunit, wala na ang batang dapat niyang pangalagaan. Wala na ang amang
naduwag sa pananagutan dahil lang sa kasunduan.
Naghinagpis siya, nagluksa. Wala sa plano niya ang pagtalikod kay Yusoph.
Wala sa hinagap niya ang gagawing mga hakbang laban sa lalaki.
Umuwi siya ng Cotabato. Tumuloy siya sa bayan ng Tulunan, sa pinsan niya
sa ina. Hindi lahat ng kapamilya ay tuluyan ang pagtalikod sa kanya. Mabilis nilang
tinahak ang makipot na daan na may mataas na damuhan, tila nag-aanyaya’t
nagsasabing magmadali sila. Natagpuan nila ang kanilang hinahanap sa isang maliit
na bahay. Isang matanda ang nakatira doon. Kilala ito sa lugar na iyon. Kinatatakutan
ng iba ngunit iginagalang ng marami. Pumasok sila sa isang maliit na silid, bahagya
lang itong nasisinagan ng liwanag. Ang naroon lang ay isang maliit na bombilyang
nakukulayan ng pula.
Isang sungay ng kalabaw ang nakatusok sa dingding. May mga boteng
nakasabit sa iba pang pako sa dingding. May laman ang mga bote. Sa isang mesa ay
nakapatong ang iba’t ibang klase ng ugat ng puno na nakabigkis nang maaayos. Sa
isang sulok nama’y nakalapag ang tatlong maliit na manikang ito.
“Kailangan mo akong tulungan,” matatag na sabi ni Akmilah sa matanda.
“Alam ko na ang lahat. Sinabi na sa ‘kin ni Digo. Matinding kata-o ang
ipapataw natin sa kanya. Ako ang bahala. Sundin mo lang ang lahat ng sasabihin ko
at magtiwala ka sa kakayahang ito,” ang wika ng matandang mangkukulam.
Agad niyang iniabot sa matanda ang isang supot ng plastik. Sa loob nito ay
ang mga damit niyang may bahid ng dugo mula sa kanyang sinapupunan. Ibinigay
din niya ang larawan ni Yusoph sa matanda. Nang maihanda na ang lahat ng
kailangan, nagsimula na ang ritwal.
Ipinulupot ng matanda sa katawan ni Akmilah ang mga damit ni Aakmilah na
may bahid ng dugo habang sa paanan nito’y naroroon ang isang boteng may nakasilid
na nakabigkis na ugat ng puno at sa ilalim ng unan nito’y ang lawaran ni Yusoph.
Nagbasa ito para sa ritwal at bumigkas ng mga salitang hindi maunawaan habang
nanlilisik ang mga mata na tila sinasapian, kung sino-sino ang tinatawag nito.
Nagtagal ng mahigit dalawang oras ang ritwal at pagkatapos ay nagbilin ang matanda
tungkol sa boteng naglalaman ng punit na damit ni Akmilah na may bahid ng dugo at
larawan ni Yusoph kasama ang mga nakabigkis na ugat ng puno.” Gawan mo ng
paraan na mailibing ito sa bakuran nina Yusoph o kaya sa mga lugar ba dinadaanan
niya. Kapag natapakan niya ang lupang pinagbaunan nito ay magsisimulang sumakit
ang kanyang tiyan. Habang tumatagl ay titindi ang pananakit na kanyang madarama.”
Pinauwi na sila ng matanda at kinabukasan na raw ang kanilang balik.
Naisip ni Akmilah na madalas pumunta si Yusoph sa tennis court.
Tumatambay ito sa damuhan pagkatapos maglaro. Iyon ang pinakamabuting lugar na
paglilibingan niya ng botelyang may piraso ng kanyang duguang damit.
Mabilis na naisakatuparan ni Akmilah ang bilin sa kanya. Agad na tumalab ito
kay Yusoph base sa kuwento sa kanya ni Maida.
Ngunit natanto niyang sa buong buhay niya ay ito ang pinakamasamang
bagay na kanyang nagawa. Makakaligtas siya sa mata ng tao ngunit hindi sa mga
mata ni Allah.
Sinisi niya ang sarili. Paano niya babawiin ang kata-o? Tinawagan niya ang
pinsan para malaman kung paano labanan ang kata-o.
“Parang awa mo na… ano’ng gagawin ko?”
“Di ba’t sinabi sa ‘yo ng matanda na sa ‘yo mababaling ang kata-o? Dugo
n’yo ang nakalagay sa bote. Laman n’yong dalawa ni Yusoph.”
“Di na bale. Ililigtas ko si Yusoph,” agad na tugon ni Akmilah.
“Huwag mong gawin ‘yan. Di mo alam kung pa’no labanan ang… “pigil ni
Digo sa kanya.
Di na pinakinggan ni Akmilah ang sasabihin ng pinsan. Pinatay na niya ang
cellphone.
Di dapat magdusa si Yusoph. Sapat nang malaman niyang siya ang mahal ng
lalaki. Si Yusoph ay isa lamang anak na nagmamahal sa mga magulang. Sa pag-
aasawa ng anak, pasya ng magulang ang nasusunod.
Dali-dali niyang pinuntahan ang pinagbaunan ng bote at binungkal niya agad
ito.
Nang mga oras na ‘yon ay malala na ang sakit ni Yusoph. Lahat ay
nagsasabing wa na itong lunas. Dasal na lamang ang nakikitang pag-asa. Lumaki ang
tiyan ni Yusoph, halos di na mabuhat ng kanyang nangayayat na katawan ang sarili.
Alam na ni Sahara ang sinapit ng asawa. Walang araw na hindi ito umiyak. Kung
sino-sino na ang tinanong na manggagamot para lamang gumaling si Yusoph.
“Salamat sa pagmamahal mo, Sahara,” sa mahinang tinig ni Yusoph. “May
ipagtatapat sana ako sa’yo. Tungkol ito sa babaeng.”
“Alam ko na ang tungkol doon.”
“Ihingi mo ako ng tawad sa kanya. May anak kami. Wala akong balita kung
nasaan siya ngayon.”
“Gusto niyo bang makita ang anak ninyo?”
Hirap ng huminga si Yusoph. Hindi na ito sumagot. Agad na tinawag ni
Sahara ang mga kamag-anak na nasa labas ng silid. Pumasok din ang imam. Lumapit
ito kay Yusoph.
“Yusoph, pakinggan moa ko. Subukan mong ulitin ang sasabihin ko.
Lailahailallah. Lailahailallah. Lailahailallah,” paulit-ulit na ibinulong ng imam sa
tainga nito.
Samantala ay balisang-balisa naman si Akmilah. Gusto niyang makibalita sa
nangyayari kay Yusoph ngunit di pa tumawag ang kaibigan. Pinakikiramdaman niya
ang kanyang sarili kung may kakaibang nangyayari sa kanya. Gusto niyang
makaramdam ng pananakit ng tiyan o saanmang bahagi ng katawan. Hinihintay
niyang tumalab ang kata-o sa kanya.
Yakap-yakap niya ang bote. Ililibing niya itong muli ngunit hindi upang
umusal ng isa pang sumpa. Ililibing niya ang dugo upang matahimik ang nabuong
laman na dumikit sa damit. Isa lang ang alam niyang pipigil sa kata-o na ito-ang
taimtim na pag-Salaah. Nang nananalangin siya ng tawad sa anak. Humingi rin siya
ng tawad sa Panginoong Allah.
Ilang saglit pa’y umalingawngaw ang sirena ng ambulansya. Dumaan ito sa
tapat ng bahay nina Maida habang si Akmilah ay nasa kuwarto. Kinakabahan, tinutop
niya ang tapat ng puso’t naramdaman ang mabilis na pagtibok nito. “Si Yusoph na
‘yon,” bulong niya sa sarili at tuluyan na siyang napahagulgol habang naririnig ang
sirena ng ambulansya.
Samantala, maghapon nang lumuluha si Sahara. Hindi niya binibitawan
bagama’t malamig na ang kanang kamay ni Yusoph. Nang walang kaabog-abog,
naramdaman niyang biglang kumilos ito, kumilos ang kamay ni Yusoph. Pinisil nito
ang kamay ni Sahara. Sa sobrang kaligayahan, sinunggaban ni Sahara ng yakap ang
pinakamamahal na asawa.

You might also like