ni Florencia F. Caisip Tampok Elementary School Hagonoy West District, SDO Bulacan
Kanlungan ko'y ikaw
Guro kong tagapayo Ikaw ang humimok at pumukaw Sa karunungang angkin ko Pandemyang dinaranas di na namin alintana Sapagkat ikaw na aming pangalawang ina Ang siya naming tulay na daraanan Sa magandang kinabukasan Sa kahit ano mang kaparaanan Modyul at telepono sya mong laging tangan Sa bawat turo at leksyon mo Sabik sa bawat Online Kumustahan mo May leksyon sa modyul kung minsan ay ‘di na maarok Sa aking isip, aral ay ayaw pumasok Ikaw ay agad tumatalima Matatamis na ngiti mababanaag pa Lahat man ay nagbago Dating nakagawian ay naglaho Isa lang ang nalalaman ko Pagmamahal mo sa amin nakatatak na sa puso ko