You are on page 1of 4

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: FILIPINO Grade: 1 Level: 1 Quarter: 3 Week: 7

MELC: ● Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang

makabuo ng bagong salita.

Competency Code: F1KP-Iii-6

Name: ___________________________________________________________

Section: ________________________ Date: ___________________________

School: ___________________________________________________________

District: ___________________________________________________________

A. Pagtatalakay:

1. Maraming paraan sa pagbubuo ng mga salita, isa sa mga ito ay ang


pagpapalit ng isang tunog. Ito ay maaring palitan sa unahan,gitna o di kaya’y
sa hulihan ng isang salita depende sa salitang papalitan.
Halimbawa:
kilay–pilay

puso–paso

baston–bastos

2. Kung maaring palitan ang salita upang makabuo ng bago, maaari din itong
dagdagan.
Halimbawa:
Ang salitang “ sopa” ay dadagdagan ng titik “s” sa hulihan ito ay magiging
“sopas”.
Ang salitang “kapa” ay dadagdagan ng titik “w” sa gitna ng titik “p at a”,
mabubuo nito ang salitang “kapwa”.
Narito ang ilang halimbawa:
baha – b a h a g tala – t a l a b a
pala – p a l a y mani – m a n i k a
sopa – s o p a s

B. Mga Gawain
Gawain 1

Panuto: Sa tulong ng mga larawan,bumuo ng bagong salita sa pamamagitan ng


pagdagdag o pagpapalit ng isang tunog sa ibinigay na salita. Isulat ang sagot sa
patlang.

Salita Dagdagan Palitan

1.kama

____________ ___________

2.apo

____________ ___________

3.pala

_____________ ___________

4.dami

_____________ ___________

5.laso

____________ ___________

Gawain 2

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang ng titik ng tamang
sagot.

1. Dagdagan ng titik “ w ” sa hulihan ang salitang “dila”. Ano ang bagong salita
na mabubuo?
a. pila b. dilag c. dilaw
2. Kung dagdagan ng titik “ l “ sa hulihan ang salitang “buko”. Ano ang salitang
mabubuo?
a. bukol b. bakal c. bakas
3. Kung ang titik “ o “ sa salitang “gamot” ay papalitan ng titik “ i “. Anong bagong
salita ang mabubuo?
a. gamit b. damit c. damot
4. Kung ang huling titik sa salitang “kahoy” ay papalitan ng titik “ n “, anong
bagong salita ang mabubuo?
a. apoy b. kahon c. Kasoy
5. Kung ang titik “ l “ sa salitang bala ay papalitan ng titik “ s “, anong bagong
salita ang mabubuo?
a. bata b. baka c. basa

C. Assessment/Application/Outputs (Please refer to DepEd Order No. 31, s. 2020 )

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.


1. Palitan ng titik “ a “ ang titik na may salungguhit
sa salitang puto. ____________
2. Ang salitang “ bulak “ ay dadagdagan ng pantig “ lak “. Ano ang
panibagong salitang mabubuo? ____________
3. Dagdagan ng pantig “ gi “ sa hulihan ng salitang baha. Anong bagong
salita ang mabubuo? __________
4. Kung ang titik “ k” sa salitang kulay ay papalitan ng titik “ t “, anong
salita ang mabubuo? ____________

D. Suggested Enrichment/Reinforcement Activity/ies

Panuto: Bumuo ng bagong salita sa pamamagitan ng

pagpapalit o pagdagdag ng isang tunog sa

mga salitang nasa ibaba.

1. gawa - ______________________________
2. dila - ______________________________
3. bola - ______________________________
4. gabay - ______________________________
5. baha - ______________________________

A.
SANGGUNIAN:

➢ Most Essential Learning Competencies ( MELC )


Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo
ng bagong salita. (F1KP-Iii-6 )
➢ Basa Pilipinas Gabay sa Pagtuturo ng Filipino Grade 1 pp.166.
➢ Bumasa at Sumulat, Filipino 1 Patnubay ng Guro pp.377 – 380.
➢ Bumasa at Sumulat, Filipino 1 Kagamitan ng Mag-aaral pp.188 – 190.

Prepared by: Desiree T. Cañizares at Geraldine Hubahib

Edited by: Christy P. Tuquib

Reviewed by: Catalina L. Avila

GUIDE

For the Teacher

For the Learner

For the Parent/Home Tutor

You might also like