You are on page 1of 10

MGA NAUNANG

TEORYA HINGGIL
SA WIKA
Bb. Ma. Rosario D. De Leon
MGA NAUNANG TEORYA HINGGIL SA WIKA

1. Teoryang Ding-dong
 Ang lahat ng bagay ay may sariling tunog na
kumakatawan dito.
Hal. Tunog ng Kampana
2. Teoryang Bow-wow
 Ang mga tunaog na nililikha ng kalikasan ay
ipinagkakabit-kabit upang tukuyin ang pinagmulan
nito.
Hal. Tunog ng kulog, ihip ng hangin
MGA NAUNANG TEORYA HINGGIL SA WIKA

3. Teoryang Pooh-pooh
 Ang tao ang lumilikha ng tunog at siya rin ang
nagbibigay ng kahulugan dito.
Hal. Pagtawa, pag-iyak
4. Teoryang Yo-he-yo
 Ang tao ay bumabanggit ng salita kapag siya
ay gumagamit ng pisikal na lakas. Mga
ekspresyon.
Hal. Tunog ng babaeng nagluluwal ng sanggol
MGA NAUNANG TEORYA HINGGIL SA WIKA

5. Teoryang Ta-ta
 Ang ta-ta ay nangangahulugang “paalam” na bininigkas
ng dila nang pataas-pababa. Ang kumpas o galawa ng
kamay ng tao ay ginagawa upang magpaalam.
6. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
 Ang pagkilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga
taong gumaganap sa mga ritwal noong mga sinaunang
okasyon ay lumilikha ng tunog na kalauna’y nabibigyang
kahulugan.
Hal. Pangingisda, pagtatanim, panggagamot
MGA NAUNANG TEORYA HINGGIL SA WIKA

7. Teoryang Babel
 Ang kasakiman ng mga tao sa pagbuo ng tore ng babel
ang nagdulot upang sila ay magkawatak-watak sa
pamamagitan ng pag-iiba-iba ng Diyos ng mga wikang
kanilang ginagamit.
TEORYANG
PANGWIKA
AYON SA MGA
DALUBHASA
TEORYANG PANGWIKA AYON SA MGA DALUBHASA

1.Behaviorism (B.F. Skinner) – natututuhan


ng bata ang isang wika batay sa
kanyang kapaligiran at nabibigyang
kahulugan ang mga salita batay sa
paraan at tono ng pagsasalita na
kanilang naririnig, o tinatawag ding
behaviorist reinforcement principles.
TEORYANG PANGWIKA AYON SA MGA DALUBHASA

2. Innatism (Noam Chomsky) – ang


bata ay mayroong natural na
kakayahan sa wika na nahuhubog
sa kanyang sarili gaya lang din ng
pagkahubog ng gamit ng ibang
bahagi ng katawan.
TEORYANG PANGWIKA AYON SA MGA DALUBHASA

3. Cognitivism (Jean Piaget) – nabubuo


ang wika ng bata batay sa kanyang
kognitibong pagkahubog kung saan
kinakailangan munang maunawaan ng
bata ang isang konsepto bago niya ito
maipahayag sa pamamaraang berbal.

You might also like