You are on page 1of 2

Pangalan: Ma. Jessica E.

Bicoy Petsa: 9/23/2021


Kurso: BSCS 1-3

Yunit 1: Panimulang Kaalaman ng Wika


Pre – Test

1. Paano nagsimula ang wika? Ipaliwanag

Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong
mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang
nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa ng mga
tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba't ibang
interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga
wika sa mundo.

2. Bakit mahalaga na maging mahusay ang mga Pilipino sa ating sariling wika na “Filipino” at sa ba pang mga
wikang mayroon ang Pilipinas? Ipaliwanag?

Mahalaga na maging mahusay ang mga Pilipino sa ating sariling wika na Filipino at sa iba
pang mga wikang mayroon tayo dahil dito tayo naninirahan at ang ating wika ay ang ating
instrumento upang tayo ay magkakaintindihan at magkaunawaan sa mga nais nating
ipahiwatig.

3. Anu-ano teorya ng wika ang alam mo? Ipaliwanag?


Teoryang Bo-wow - Ito ay ang panggagaya ng tao sa mga tunog na nalikha ng KALIKASAN. Ang tunog na
nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagaya ng tao. Hal. tunog ng kulog, ihip ng hangin, "moo"

Teoryang pooh-pooh - Ipinalalagay na TAO ay siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan.
Dito ang tunog ay nagmula sa tao.

Teoryang ding dong - Ito ay katulad ng bow-wow kasali na rito ang mga bagay na ginawa ng tao tulad ng
doorbell, motor, tv, telepono atbp. Ipinalalagay nga ang lahat ng BAGAY sa kapaligiran ay may sariling tunog
na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay.

Teoryang yo-he-ho - Tunog na nalilikha sa pwersang PISIKAL kung saan natutong magsalita ang tao dahil sa
nalilikha na nilang tunog kapag sila gumagamit ng lakas. Hal. nagbubuhat ng malakas

Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay - Galing sa mg RITWAL ng mga sinaunang tao ang naging daan upang
matutong magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw o incantacion at mga bulong ay binigyan nilang
kahulugan at sa pagdaan ng panahon ito ay nagbabago
eoryang ta-ta - Sa mga kumpas at GALAW ng kamay na ginagawa ng mga tao sa mga partikular na okasyon
ay ginaya ng dila hanggang ito ay matutong magsalita

Teorya ni Charles Darwin - Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na "On the origin
of language" sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang
malikha ng iba't ibang wika. Wika na natututunan tungkol sa PAKIKIPAGSAPALARAN

4. Anu-anong dayalekto o balbal na salita ang alam mo? Magbigay ng mga limang salita na alam mo.

Ang dayalekto na aking alam ay ang ilokano halimbawa:

nagpintas ka - maganda ka
mangan tayon - kain na tayo
nya ngay ti ngalan mo - Ano ang pangalan mo?
akin - kanyak
aalis - pumanaw

You might also like