You are on page 1of 44

MAGANDANG HAPON!

Panimulang Pagtataya
IWKA
SAAN NAGMULA ANG
WIKA?
Teorya ng Pinagmulan ng Wika
• Teorya ng Tore ng Babel
• Teoryang Bow-wow
• Teoryang Pooh-pooh
• Teoryang Yo-he-ho
• Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
• Teoryang Ding-dong
• Teoryang Ta-ta
• Teoryang Ma-ma
• Teoryang Eurikal
• Teoryang Hocus Pocus
• Teoryang Coo-coo
6
TORE NG BABEL

 Nagkaroon ng panahon na kung saan ang


wika ay iisa lamang. Naisipan ng mga tao
na magtayo ng tore upang hindi
magkawatak-watak at higitan ang
Panginoon. Nang malaman ng Panginoon
ay bumaba siya at sinira ito. Nagkawatak-
watak ang mga tao at nagkaroon ng iba't-
ibang wika.
 Mababasa ito sa Bibliya partikular sa
Genesis 11: 1-9:
Teoryang Bow-wow
Sinasabing natutong magsalita ang
mga tao sa panggagaya sa mga
tunog na likha ng kalikasan at mga
tunog na likha ng mga
hayop.Pansinin ang mga batang
natututo pa lamang magsalita. Hindi
ba't nagsisimula sila sa panggagaya
ng mga tunog, kung kaya't ang
tawag nila sa aso ay aw-aw at pusa
naman ay miyaw.
Teoryang Pooh-pooh
Ipinalalagay na ang tao ang siyang
lumikha ng tunog at siya ring
nagbibigay ng kahulugan.
Unang natutong magsalita ang mga
tao ayon sa teoryang ito nang hindi
sinasadya ay napabulaslas sila bunga
ng mga masisidhing damdamin tulad
ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa.
Teoryang Yo-he -ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S
Diamond ( sa Berel,2003 ) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang pisikal. Halimbawa,
tunog na nililikha kapag ang tao'y
nagbubuhat ng mabibigat na bagay o
kaya'y sumusuntok/nangangarate o
kapag ang mga ina ay nanganganak.
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ayon sa teoryang ito, ang wika
ng tao ay nag-ugat sa mga
tunog na kanilang nalikha sa
mga ritwal na ito na kalauna'y
nagpabago-bago at nilapatan
ng iba't ibang kahulugan.
Teoryang Ding-dong
Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay sa
mundo ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang
tunog na iyon ang siyang ginagad ng
mga sinaunang tao sa kalauna'y
nagpabago-bago at nilapatan ng iba't
ibang kahulugan.
Mga tunog ang nagpapakahulugan sa
mga bagay tulad ng kampana, relo,
tren, at iba pa.
Teoryang Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o
galaw ng kamay ng tao sa kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay
ginagawa ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna'y nakapagsalita. Tinatawag itong
ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam (goodbye)
sapagkat kapag ang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay
nang pababa at pataas katulad ng pagbaba
at pagtaas ng galaw ng dila kapag
binibigkas ang salitang ta-ta.
Teoryang Ma-ma
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang
wika sa mga pinakamadadaling pantig
ng pinakamahahalagang bagay.

Teoryang Eurikal
Sadyang inimbento ang wika ayon sa
teoryang ito.
Teoryang Hocus Pocus
Ayon kay Boeree(2003), maaaring ang
pinanggalingan ng wika ay tulad ng mga
mahika o relihiyong aspeto ng
pamumuhay ng ating mga ninuno.

Teoryang Coo-coo
Ayon sa teoryang ito , ang wika ay
nagmula sa mga tunog na nililikha ng
mga sanggol.
Siyam na Pangunahing Wika sa Pilipinas
• Tagalog
• Maranao
• Cebuano
• Ilokano
• Hiligaynon
• Bikolano
• Samar-leyte o Waray
• Pampango o Kapampangan
• Pangasinan o Pangalatok 40
Tungkulin ng
Wika

41
Ayon kay Gordon Wells
• Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba –
ito ay naipapakita sa pamamagitan ng
pakikiusap, pag-uutos,
pagmumungkahi, pagtanggi,
pagbibigay-babala.
• Pagbabahagi ng damdamin – pagpuri,
pakikiramay, paglibak, paninisi,
pagsalungat, pagpapahayag.

42
• Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon –
pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy,
pagtatanong at pagsagot.
• Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at
pagkakaroon ng interaksyon sa kapwa-
pagbati, pagpapakilala, pagbibiro,
pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin.
• Pangangarap at paglikha –
pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao,
paghula.
43
PANGKATANG GAWAIN
Panuto : Humanap ng apat (4) na kaklase na magiging kagrupo.
bumunot ng isang sitwasyon at lapatan ito ng maikling dula na hindi
lalampas sa sampung minuto (10min.) na ibibigay ng inyong guro.

Sitwasyon 1: Nagpapakita na ang wika ay daan tungo sa puso ng isang


tao.
Sitwasyon 2: Nagpapakita na ang wika ay maaaring bumuo at sumira.

Sitwasyon 3: Nagpapakita na ang wika ay mahalaga sa komunikasyon


ng mga bansa.

Sitwasyon 4: Nagpapakita na ang wika ay mahalaga sa pagbubuklod


ng pamilya.

You might also like