You are on page 1of 6

KAHULUGAN AT

KAHALAGAHAN NG Sulpicio E. Carado III

PAGBASA
ANO ANG PAGBASA?
Ang mundo ng pagbasa ay maituturing na isa sa salik na
nakaiimpluwensiya sa intelekwal na pag-iisip. Kaya’t ang pagbasa ay
masasabing isa samga mahahalagang kasanayan dapat matamo ng
isang indibidwal.
Ang pagbasa ay hindi lamang sapat na makabasa ng nakasulat at masabi
ang mga ito kundi lalong higit na maunawaan, mapakahulugan, makabuo
ng personal na reaksyon at pananaw hinggil sa teksto, mapalawak ang at
malinang ang kaalaman ng bumabasa at mapataas ang uri ng panlasa sa
mga babasahin.
Ang pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o
nakalimbag na mga salita. (Leo James English)

Ayon naman kay Kenneth Goodman, ang pagbasa ay


saykolinggwistiks na larong paghuhula na kung saan ang
mambabasa ay nagbubuo muli ng isang mensahe sa
pamamagitan ng kahulugan ayon sa kanilang nabasa at
naunawaan.
Naniniwala naman si Coady para sa lubusang pag-unawa ng
isang teksto, kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa
upang maiugnay ang kanyang kakayahang bumuo ng
konsepto,kaisipan at kasanayan.

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta


ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa
pamamagitan ng limbag na midyum. (Urguhart at Weir (1998)
Ayon kay Belvez et. al.(1987), ang pagbasa ay pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito.

Batay naman kay McWhorter, ang pagbasa ay susi sa


tagumpay ng isang tao lalong lalo na sa larangang pang-
akademiko.
KAHALAGAHAN AT LAYUNIN NG PAGBASA
Layunin Kahalagahan
Dahil ito ay nakapagpalawak ng kaalaman at nakapagtatalas sa isip ng  Pangkaalaman
tao
Dahil malawak ang imahinasyn ng tao, sa pamamagitan ng pagbabasa  Pampaglalakbay
para lang din siyang nakarating sa ibang mundo.
Dahil sa pagbabasa ay nakapag-impluwensiya ng tamang pag-uugali at  Pangmoral
kilos tulad ng mga aral sa buhay na nararapat na pamarisan.
Dahil sa pagbabasa, naiiintindihan ng tao ang nangyari noon at ang
patuloy na nagyayari ngayon para sa paghahanda sa maaari pang
 Pangkasaysayan
mangyayari.
Dahil nakaaalis ngpagkabagot ang pagbabasa tulad ng pagbabasa ng  Pampalipas-oras
komiks, magasin, isports at iba pa.
Dahil nakatutulong ito sa pagtuklas ng mga matatayog na  Pangkapakinabangan
mgakaalaman na maaaring sandata ng tao paa guminhawa ang buhay.

You might also like