You are on page 1of 2

Sa bawat pagluhat pasakit ng mga anak mas lalong sila ang tinutusok ng bilyon-

bilyong matutulis na karayom. Sa bawat karamdamang dinaranas ng mga supling kung


maaari sila na lang ang magpasan. Bawat laruan na gustong bilhin ni bunso kung pwede lang
ay maibigay ng agaran. Ganyan ang mga ina, sila ang ating buhay, laging nakagabay, hindi
tayo pinapabayaan.

Sa bawat pagtilaok ng manok, tanda nitoy panibagong umaga para sa ilaw ng mga
tahanan. Maaga silang gumigising, upang maipaghanda nang masarap at masustansiyang
agahan ang mga anak at asawa. Bawat damit na isinusuot, tinitiyak niyang wala itong gusot,
kurbata ng asawa niyay tinatali pa, sintas ng sapatos ni bunso, inaayos pa, kung magulo ang
buhok ng panganay sinusuklay pa. Pag-alis ng asawat anak maghuhugas ng pinggan,
maglilinis ng bahay, maglalaba, magsasampay, mamalantsa ng damit, mag-iigib ng tubig at
magluluto na naman para sa pag-uwi ng kaniyang pamilya. Hindi pa mapakali tuwing walang
ginagawa, gusto niyay palagi siyang may pinagkakaabalahan. Pupunta sa bukid at
magsasaka o di naman kaya ay tatanggap ng labada mula sa kapitbahay. May dagdag kita
para sa buong pamilya. Tila kulang pa ang dalawamput-apat na oras sa isang araw, para lang
mabuhay nang masagana ang mga anak nila. Luha, pawis, dugo at buhay kulang pa, para
siguraduhing ginhawa ang maialay sa pamilya. Kaniyang iwinawaksi ang sariling
kaligayahan, hindi iniinda ang sakit ng katawan, matugunan lamang ang nais ng mga anak.
Nagpapakahirap Nagsasakripisyo Nakikipagsapalaran sa madayang kapalaran, para
lamang mapagtagumpayan ang hangarin para sa pamilya.

Saksi ako sa mga ganitong sakripisyo ng isang ina, dahil si mama, isa siya sa mga
ilaw ng tahanan na inilalarawan ko. Subalit ang mga pahirap at pasakit niya ay binalewala ko
dahil dumating ang ikalawang buwan medyo ramdam kong may kabigatan na ang aking
pakiramdam. Kaya ko pa, bulong ko sa hanging dumampi sa aking pisngi. Lumipas ang
tatlong buwan hanggang walo. Sumapit ang ikasiyam nadagdagan ang pangamba at takot ko.
Takot na di na maimpit ng mga salitang pampalubag. Takot na di maitago sa buo kong
sistema. Takot ang tanging bumalot sa aking katauhan. At nanganak na nga ako.

Tumulo ang luhang pinipigilan ko, tila naging sirang gripo ang aking mga mata.
Walang humpay na pagtulo ng luha. Luhang sumisimbolo sa pighating nararamdaman ng
isang disisais anyos na dalaga. Tama nga sila, mahirap nga, pagbubuntis pa lang,
panganganak pa lang iyon. Paano na ngayon na mayroon na akong bubuhayin? Mas mabigat
na gawain na ang aking tatahakin. Bubuhayin ko na ang sarili kong anak.Wala akong
natapos, walang trabaho, walang alam kung hindi ang umasa ulit sa nanay ko. Noon
nakasandal ako ng todo sa kaniya. Lahat ng kailangan koy ibinibigay niya. Ngayon na may
anak na ako, aasa pa ba talaga ako sa kanya? Dagdag palamunin para sa aking ina.

Napahagulgol ako dahil sa matinding pagsisi. Batid ko na isa akong walang silbing
anak. Dinismaya ko ang aking ina. Ina na walang hangad kundi ang kabutihan para sa akin.
Inang hindi humihingi ng kapalit sa mga sakripisyong inialay niya. Inang minsan na nangarap
para sa kanyang anak na maging isang magaling na nars. Di ko nagampanan ang tungkulin
ko bilang anak. Ang pangakong papaangatin ko ang pamumuhay niya ay di ko nagawa. Ang
pangakong sabay naming gagalugarin ang buong mundo ay hindi na nangyari pa. Kaya pala
labis ang kaniyang pagtangis noong aminin kong nagdadalang-tao ako. Kaya pala labis ang
kanyang ipinakitang pagdurusa nang sinabi kong masaya ako sa sitwasyong kinasusuungan
ko. Napakalaking pagkakamali ang aking nagawa. Nagmarunong akong sumubok at ngayon
ang bigat-bigat sa dibdib. Pinipiga ang aking puso. Kulang ang salitang sakit sa matinding
pagsisising nararamdaman ko.

Nasaktan ko ang aking ina. Magsisi man ako ngayon, subalit huli na. Disisais,
kasagsagan ng pamumukadkad ng talulut ng pagdadalaga ko, ngunit nabuntis ako, at ngayon
ganap na ang pagiging ina ko. Gagawin ko rin ang mga pangaral at sakripisyong ginawa niya
sa akin. Sa aking anak na munting supling. Iingatan ko siya at babantayan, paalalahanan
upang ang pagkakamali koy di na niya uulitin pa.

Mama, patawad po. Ngayon nasa kabilang buhay ka na at isang ganap na nars na ang
iyong apo, nagsisisi pa rin ako. Patawad po mama.

You might also like

  • 1st PT
    1st PT
    Document2 pages
    1st PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 4th PT
    4th PT
    Document5 pages
    4th PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Least Mastered Learning Competencie
    Least Mastered Learning Competencie
    Document4 pages
    Least Mastered Learning Competencie
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    100% (1)
  • 1st PT FILIPINO 11 - 100items
    1st PT FILIPINO 11 - 100items
    Document4 pages
    1st PT FILIPINO 11 - 100items
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Best Group (Whole) ...
    Best Group (Whole) ...
    Document10 pages
    Best Group (Whole) ...
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 4th PT
    4th PT
    Document5 pages
    4th PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 3rd PT
    3rd PT
    Document4 pages
    3rd PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • K Ka Lang
    K Ka Lang
    Document1 page
    K Ka Lang
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 3rd PT
    3rd PT
    Document4 pages
    3rd PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Tita Matet
    Tita Matet
    Document1 page
    Tita Matet
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Guro Lathalain
    Guro Lathalain
    Document2 pages
    Guro Lathalain
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    88% (8)
  • Tita Matet
    Tita Matet
    Document1 page
    Tita Matet
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Updated PT
    Updated PT
    Document2 pages
    Updated PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Seven Sundays
    Seven Sundays
    Document1 page
    Seven Sundays
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    50% (10)
  • Wika
    Wika
    Document2 pages
    Wika
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 4th PT Fil 9bc
    4th PT Fil 9bc
    Document4 pages
    4th PT Fil 9bc
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • INFORMANCE
    INFORMANCE
    Document7 pages
    INFORMANCE
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 4th PT Fil 9
    4th PT Fil 9
    Document3 pages
    4th PT Fil 9
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Legal
    Legal
    Document1 page
    Legal
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Rebolusyong Pilipino
    Rebolusyong Pilipino
    Document25 pages
    Rebolusyong Pilipino
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Ampon
    Ampon
    Document1 page
    Ampon
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 4th PT Fil 9bc
    4th PT Fil 9bc
    Document4 pages
    4th PT Fil 9bc
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Quiz Pang Ugnay
    Quiz Pang Ugnay
    Document1 page
    Quiz Pang Ugnay
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    90% (10)
  • 1st PT Fil 9
    1st PT Fil 9
    Document3 pages
    1st PT Fil 9
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Achievement Test Sa Filipino 9
    Achievement Test Sa Filipino 9
    Document6 pages
    Achievement Test Sa Filipino 9
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    100% (3)
  • Activity Sheet
    Activity Sheet
    Document10 pages
    Activity Sheet
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Best Group (Whole) ...
    Best Group (Whole) ...
    Document11 pages
    Best Group (Whole) ...
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Filipino Certificates
    Filipino Certificates
    Document11 pages
    Filipino Certificates
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • In For Mance
    In For Mance
    Document7 pages
    In For Mance
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet