You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

I. PAKIKINIG. PANUTO: Makinig sa babasahing teksto ng guro. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang maaaring maging pamagat ng teksto?
a. Tren b. Riles c. Istasyon ng Tren d. Inhenyero
2. Ilang taon ang may-akda ng masaksihan niya ang samu’t-saring kuwento ng buhay sa istasyon ng tren?
a. Animnapu’t tatlo b. sitenta c. Animnapu d. Tatlumpu
3. Ilang taon ang anak ni Dave?
a. siyam b. sampu c. pito d. walo
4. Ano ang naging trabaho ni Dave?
a. Bridgemaster b. Inhenyero c. Arkitekto d. Mekaniko
5. Ano ang trabaho ng may-akda?
a. Bridgemaster b. Inhenyero c. Arkitekto d. Mekaniko

II. PAG-UNAWA SA BINASA. Basahin ng may pag-unawa ang seleksiyon sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
Para sa mga bilang 6-7

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang
naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay sa
ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat).

6. Mahihinuhang ang ama ay magiging:


a. matatag b. mabuti c. matapang d. masayahin
7. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang:
a. Magiging mabuti b. nagdadalamhating ama c. mula ngayon d. dinukot sa bulsa

III. PAGPIPILI. Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.

8. ________ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay:
a. Kung b. Kapag c. Sa d. Simula
9. Sa pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga:
a. pantukoy b. pangatnig c. pandiwa d. pang-abay
10. Kapag ang maikling kuweto ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling
kuwentong ________.
a. kababalaghan b. katutubong kulay c. pantauhan d. makabanghay

IV. PAGTAPAT-TAPATIN. Hanapin sa HANAY B ang kahulugan ng salita sa HANAY A. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
HANAY A HANAY B
11. araw ng pangingilin a. namatay
12. namatay na hindi nakapagpa-Hesus b. narinig
13. sumakabilang-buhay na c. pagsimba
14. naulinigan kong may itinututol siya d. pananampalataya
15. matibay at mataos na pananalig e. nabendisyunan

V. PAGTUKOY. PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga pahayag na nasa ibaba.
16. Tila porselana ang kutis ng magkapatid na Velasquez.
17. Siya ang nagsisisilbing bangaw sa ating lipunan.
18. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
19. Si Andres Bonifacio ay nagbuwis ng buhay para sa bayan.
20. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
21. O tukso! Layuan mo ako!
22. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
23. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
24. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-masaya.
25. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.
26. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

VI. PAGTUKOY. PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng Pang-abay ang mga sumusunod na pangungusap.
(Pamanahon, Panlunan at Pamaraan)
27. Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.
28. Taimtim na nanalangin ang mga tao.
29. Sadyang masigla ang pananaw sa buhay ng lola niya.
30. Talagang mabilis umunlad ang buhay ng mga taong matiya-tiyaga.
31. Araw-araw akong kumakain ng gulay.

VII. PAGPUNO SA PATLANG.PANUTO: Piliin sa kahon ang angkop na kataga upang mabuo ang pangungusap. Isulat
ang inyong kasagutan sa inyong sagutang papel.

kung noong mula kanina ngayon tuwing kapag

32. _____ ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa daan.
33. Kailangan niyang mangisda _____ umaga upang sila’y may maulam.
34. _____ araw na iyon ay naglakbay si Prinsesa Suton papunta sa kagubatan.
35. _____ araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang mga kinnaree.
36. _____ noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsepe Suton at Prinsesa Manorah.

VIII. PAGPUNO SA KAHON.PANUTO: Kumpletuhin ang kahon sa ibaba. Punan ang hinihingi ng bawat bilang
hinggil sa Aspekto ng Pandiwa. Isulat ang kasagutan sa inyong sagutang papel.

Neutral/Pawatas Perpektibo Imperpektibo Imperpektibo


ipaubaya (37) (38) (39)
kontrolin (40) (41) (42)
hayaan (43) (44) (45)

IX. PAGSULAT: Pumili ng paksa sa ibaba at gawan ito ng sanaysay. (46-50)

1. SONA 2018
2. Bagyong Henry
3. Dengue

(God Speed 😊 😊 😊)

Inihanda nina: Iwinasto ni: Ninotahan ni:

CRISLEN JOY. B. RAMONES ANGELINA A. PERALTA JENIFER S. CORPUZ


Guro sa Asignatura Ulongguro III Punungguro IV

JEMMALYN D. FONTANILLA
Guro sa Asignatura

You might also like