You are on page 1of 5

MARIA CARMELI CATHOLIC SCHOOL

IKALAWANG KAPAT NA PAGSUSULIT


TAONG PANURUAN 2023-2024
FILIPINO 5
Pangalan:_______________________________ Petsa:_____________ Score: __________

Lagda ng Guro:________________________ Lagda ng Magulang:__________________

I. Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nakita mo ang iyong kalaro sa labas ng inyong bahay. Nais mong humingi ng pahintulot sa
iyong Nanay upang makipaglaro sa kanya. Ano ang ipapaalam mo?

a. Mama, maaari po ba akong makipaglaro sa aking kaibigan sa labas?

b. Mama, ang aking kalaro ay nasa labas kaya lalabas na ako.

c. Mama, lalabas ako at makikipaglaro sa aking kaibigan.

2. Hindi mo naintindihan ang direksyong ibinigay ng guro tungkol sa paggawa ng proyekto.


Ano ang sasabihin mo?

a. Maaari po bang magtanong?

b. Ituro mo sa akin ang paggawa ng proyekto.

c. Ikaw na lang ang gumawa at hindi naiintindihan.

3. Nais mong magpasama kay Anne sa pagpunta sa National Library para gumawa ng
pananaliksik. Paano mo siya ipagpaaalam sa nanay niya?

a. Aalis na po kami

b. Maaari po bang magpasama kay Anne sa National Library?

c. Pupunta kami ni Anne sa National Library.

4. May kamag-anak kayong dumating mula sa probinsya. Nagkataong ikaw lamang ang nasa
bahay. Paano mo sila tatanggapin?
a. Tuloy po kayo, maupo po muna kayo.

b. Wala rito sina inay at Tatay; bumalik na lang kayo mamaya.

c. Nandito na naman kayo, anong kailangan n’yo?

5. Nakaharang sa iyong daraanan ang mga kaibigan ng iyong nakakatandang kapatid, ngunit
kailangan mo ng lumabas.

a. Tabi kayo riyan!

b. Makikiraan po !

c. Paalam po!

6. Mag-uumpisa na ang klase ninyo. Naalala mong naiwan ang wallet mo sa kantin noong rises.
Paano ka hihingi ng pahintulot sa guro mo?

a. Lalabas lamang ako sandali.

b. Gng. Santos, maaari po bang lumabas sandali?

c. Naiwan ko ang wallet ko sa kantin, kaya lalabas muna ako.

7. Nakatanggap ka ng regalo mula sa iyong mga magulang noong kaarawan mo.

a. Magandang umaga po!

b. Maaari po bang mang-abala?

c. Maraming salamat po.

8. Nanghiram ng pambura sa iyo si Aya. Nang iaabot mo na sa kanya ang hinihiram nito,
napansin mong nakapagitan sa inyong dalawa sina Kyla at Lilah. Alin ang wastong sasabihin sa
kanila?

a. Iabot nga ninyo ito kay Aya

b. Pakiabot naman nito kay Aya

c. Pahiramin nyo na lang ng pambura si Aya


9. Nag-uusap sina Gng. Limbo at Gng. Sebuc sa may pintuan ng inyong silid-aralan. Ibig mong
pumunta sa palikuran, ngunit kailangan mong dumaan sa pagitan nila. Ano ang sasabihin mo?

a. Paraan muna, mga guro.

b. Makikiraan po, mga guro.

c. Padaan muna.

10. Isang umaga, nasalubong ni Ana ang kanyang guro. Anong pagbati ang nararapat niyang
sabihin?

a. Magandang umaga po.

b. Magandang hapon po.

c. Magandang gabi po.

II. Bilugan ang salitang pang-uring sa pangungusap.

1. Napakaganda ni ella sa suot nya.

2. Ang gumamela ay kulay pula.

3. Ang babae ay maganda.

4. Ang Bulkang Mayon ay matarik

5. Ang tubig sa dagat ay malinaw at malinis.

6. Ang aso ay matapang

7. Mabaho ang bulaklak na pinitas nya

8. Matamis ang hinog na manga

9. Napakalaki ng bahay

10. Ang kulay ng suot nya ay asul.


III. Tukuyin kung ang sumusunod na pang-uri ay panlarawan o pamilang. Isulat ang PL Kung
panlarawan, PM kung pamilang at L kung lahat ay nabanggit.

1. ______ Ang anak ni Mang Tirso ay masunurin.

2. ______ Una-una sa lahat mahal ni Marsing si Auring.

3. ______ Si James ay pang-limang anak ni Ginoong Tito.

4. ______ Ang manggang nahulog sa puno ay dilaw.

5. ______ Masipag ang mga bata kapag inuutusan nag nanay.

6. ______ Mataas ang marka sa exam ko.

7. ______ Si Juan ay isa sa mga batang makulit.

8. ______ Maganda si Bea Alonzo.

9. ______ Nakapulot si Bernard nang isang libong piso sa daan.

10. ______ Bilog na naman ang buwan.

11. ______ Malaya ang pamagat sa kinanta ni Moira.

12. ______ Ikalawa si Daniel sa ni Maria.

13. ______ Tatlumpo ang mga studyante sa Northford.

14. ______ Mabait ang guro namin.

15. ______ Isang matalinong siyentipiko si Albert Einstien

16. ______ Isa’t-kalahati

17. ______ Deux cent cinquante.

18. ______ Dua puluh tiga

19. ______ Treinta y seis

20. ______ Mahirap unawain ang ibang lengguwahe.


IV. Ibigay ang kahulugan ng bawat Tambalang salita.

1. pusong-mamon- ____________________________

2. agaw-buhay-_______________________________

3. boses palaka-_____________________________

4. luksong-tinik-_____________________________

5. lakad-pagong-___________________________

VI - Unawain nang mabuti ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Sagutan sa abot ng iyong
makakaya.

1. Paano mo masasabi na napaka-importante ang pag-unawa at paggamit nang pang-uri sa araw


araw nating buhay?

2. Bakit kailangan pa nang tambalang salita kung may mga simpleng salita naman na pwedeng
ipalit?

You might also like