You are on page 1of 4

Katha ni Maribel M.

Baltar

1. Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina?


A. Ang kanyang ama, dahil may maganda siyang ibabalita.
B. Ang kanyang kaklase, dahil mag-aaral sila.
C. Ang kanyang kapatid, dahil mamamasyal sila.
D. Ang kanyang kaibigan, dahil yayayain niya itong maglaro.
2. Amo ang magandang balita na dala ni Loisa?
A. Mataas ang markang nakuha niya sa pagsusulit.
B. Nanalo siya sa paligsahan.
C. Natapos na niya ang proyektong ipinapapasa ng guro.
D. Pinuri siya ng kaniyang guro dahil sa husay na kaniyang ipinamalas.
3. Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa?
A. Nasa kusina ang kaniyang ama.
B. Nasa banyo ang kaniyang ama.
C. Nasa kuwarto ang kaniyang ama.
D. Nasa sala ang kaniyang ama.
4. Ano-ano ang pinapangarap ni Loisa sa kaniyang buhay?
A. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral, makamit ang nais na kurso, makapagtrabaho, at
makatulong sa kaniyang mga magulang.
B. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral upang makapagtrabho.
C. Pangarap niyang mataos ang niyang matapos ang nais niyang kurso upang matulungan ang
kaniyang mga magulang.
D. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho.
5. Paano kaya maaabot ni Loisa ang kaniyang mga pangarap?
A. Kailangan ipagpatuloy niya ang pag-aaral ng mabuti upang makatapos ng pag-aaral at
makinig sa kaniyang mga magulang.
B. Kailangan niya ng maraming pera upang makapagtapos ng kolehiyo.
C. Kailangan niya makuha ang mataas na marka upang makamit ang kanyang mga pangarap.
D. Kailangan niyang pumasok sa magandang paaralan upang makapag-aral at makamit ang
kaniyang pangarap.
6. Kung ibubuod ninyo ang ikatlong talata ng teksto, alin sa mga sumusunod ang dapat?
A. Pinaalalahanan si Loisa ng kaniyang ina na maging masipag at masunurin na bata at huwag
biguin ang kaniyang mga magulang. Sinabi rin niya sa kaniyang ina na gagalingan niya ang
kaniyang pag-aaral upang makamit ang kurso na nais at makapagtrabaho upang makatulong sa
kaniyang mga magulang.
B. Pinaalalahanan ng kaniyang ina si Loisa na mag-aral ng mabuti upang makahanap ng
magandang trabaho at makatulong sa kaniyang mga magulang.
C. Pinagsabihan si Loiza ng kaniyang ina mag-aral ng mabuti upang makakuha ng mataas na
marka at nang makapasok sa magandang paaralan ng kolehiyo at makahanap ng magandang
trbaho.
D. Pinagsabihan si Loisa ng kaniyang mga magulang na mag-aral ng mabuti upang madaling
makahanap ng maayos na trabaho upang makatulong sa kaniyang mga magulang.
7. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng matinding damdamin maliban sa
pangungusap na ________.
A. Nanatiling tahimik ang batang nahuli ng mga pulis matapos magnakaw sa palengke.
B. Natutuwa ako sa pagdating ng binatang sumalba sa aking buhay.
C. Galit ako sa pagmamalabis ng tao sa mahihina.
D. Yehey! Nanalo kami sa paligsahan sa paglangoy.
8.Masayang umuwi ng bahay si Loisa ________ sabihin sa kaniyang mga magulang ang
magandang balita. Alin ang wastong pangatnig ang bubuo sa pangungusap?
A. upang B. habang C. ngunit D. at
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumamit ng angkop na pangatnig?
A. Naging malinis ang Barangay Dulumpuslit dahil sa pagtutulungan ng mga mamamayan.
B. Kailangan nating magtulangan habang maayos ang ating barangay.
C. Magiging malinis ang isang barangay nang magtutulungan ang mga mamamayan.
D. Kailangan ang pagtutulungan ng mga mamamayan at maging matagumpay ang isang
proyekto.
10. ________ (alis) ang aking Tito papuntang Singapore kahapon. Dagdagan ang salitang ugat
upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
A. Umalis B. Aalis C. Aalisin D. Aalisan
11. Pumunta si Ana sa barangay ng kaniyang kamag-aral para bisitahin ito ngunit hindi niya
alam ang bahay ng kaniyang kamag-aral kaya nais niyang magtanong sa isang matanda na
kaniyang nakasalubong. Paano siya magtatanong sa matandang kaniyang nakasalubong?
A. Saan po ba nakatira si Rowena?
B. Saan nakatira si Rowena?
C. Saan si Rowena nakatira.
D. Dito ba nakatira si Rowena?
12. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan?
A. Ang paninigarilyo ay may masamang dulot sa kalusugan ng mga tao.
B. Ang paninigarilyo ay nakatutulong upang makalimot ng problema.
C. Ang paninigarilyo ay bisyo lamang ng mga kalalakihan.
D. Ang paninigarilyo ay hindi pinagbabawal na gawain ng kalalakihan.
13. Masayang __________ (punta) kahapon ang mag-anak sa bahay bakasyunan sa Tagaytay.
Dagdagan ang salitang ugat upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
A. pumunta B. pupunta C. puntahan D. pumupunta
14. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng pakiusap maliban sa
pangungusap na ______________.
A. Pumunta kami sa paaralan kahapon.
B. Pakibukas naman po ng pinto.
C. Maaari bang ibigay mo ang sulat na ito sa iyong kapatid?
D. Pwede po bang makahingi ng kaunting tulong sa inyo?
15. Si Joana ay kinagigiliwan ng mga tao dahil sa galing niyang ______(awit). Dagdagan ang
salitang-ugat upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
A. umawit B. umaawit C. aawit D. awit.

You might also like