You are on page 1of 41

Balik-Aral sa Edukasyon sa

Pagpapakatao 7
MID-YEAR EXAMINATION
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi
halimbawa ng Pagbabagong Pisikal?

a. Pagkakaroon ng tigyawat
b. Paglilinis ng bakuran
c. Pagbaba ng Boses (Sa mga Lalaki)
d. Pagtaas ng Timbang
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi
halimbawa ng Paggawa ng Pasiya?

A. Pagtulong sa nakitang matanda sa


kalsada.
B. Paghuhugas ng mga pinggan na hindi
inuutusan ng magulang.
C. Paghanga sa isang tao.
D. Pagsauli sa may-ari sa napulot na pitaka.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa
ng Mapanagutang Asal sa Kapuwa at
Lipunan?

A. Pagmamano sa mga nakakatanda.


B. Paggamit ng po at opo sa kausap, ito man ay
matanda o bata pa sa iyo.
C. Pagkakaroon ng Regla ng mga babae.
D. Pakikisama sa kasing edad sa ano mang
panahon.
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi
halimbawa ng Papel mo sa Lipunan?

a. Pagpili ng susunod na maglilingkod sa


pamahalaan.
b. Paghihikayat sa mga kasing edad na
sumali sa mga aktibidad ng Barangay.
c. Pagmamano sa mga magulang
d. Wala sa mga nabanggit
5. Ano ang pinagkaiba ng Talento at
kakayahan?

a. Ang Talento ay Skills at ang Kakayahan


ay Talent sa Ingles.
b. Ang Talento ay bigay ng Diyos at ang
Kakayahan ay pinag-aaralan.
c. Ang Talento at Kakayahan ay
magkapareho ang kahulugan.
d. Wala sa mga nabanggit.
6. Anong talento ayon kay Gardner ang
tumutukoy sa pagiging sensitibo sa
kahulugan at gamit ng mga salita, pasulat
man o pasalita?

A. Logical-Mathematical
B. Existential Intelligence
C. Visual/Spatial Intelligence
D. Verbal/Linguistic
7. Ano ang maaring Kurso o trabaho ng
isang taong may talentong
Visual/Spatial Intelligence?

a. Maghahalaman
b. b. Arkitekto
c. Interior Designer
d. Paggunit
8. Anong talento ang tumutukoy sa
pagmamasid di lamang sa kalikasan,
kundi sa kaniyang kapaligiran. Ang mga
halimbawa nito ay mga magsasaka at
paghahalaman?

a. Naturalist Intelligence
b. Existential Intelligence
c. Musical Intelligence
d. Verbal/Linguistic
9. Anong talento ang tumutukoy sa taong may
kakayahang linangin ang sariling damdamin,
saloobin, at kilos. Sa pamamagitan ng
pagninilay, natutuklasan niya ang sariling
pangangailangan at nauunawaan niya ang
sarili?

a. Interpersonal Intelligence
b. Bodily Kinesthetic Intelligence
c. Existential Intelligence
d. Intrapersonal Intelligence
10. Anong talento ang taglay ng mang-
aawit, Orchestra, Conductor, disc jockey,
orator at mangangatha ng tugtugin at
awit?

a. Naturalist Intelligence
b. Existential Intelligence
c. Musical Intelligence
d. Verbal/Linguistic
11. Anong talento ang tumutukoy sa
pagiging mahusay sa pakikipag-ugnayan
sa ibang tao at hindi inuuna ang sariling
kapakanan?

a. Interpersonal Intelligence
b. Bodily Kinesthetic Intelligence
c. Existential Intelligence
d. Intrapersonal Intelligence
12. Anong talento ayon kay Gardner ang
tumtutukoy sa pagkakaroon ng
kakayahang igalaw ang buong katawa?

a. Interpersonal Intelligence
b. Bodily Kinesthetic Intelligence
c. Existential Intelligence
d. Intrapersonal Intelligence
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng
tungkulin mo sa iyong sarili?

a. Unawain at tanggapin ang bunga ng mga


maling gawain, ituwid ang pagkakamali, at
humingi ng patawad.
b. Ipagpatuloy ang pinapangarap na marating sa
kinabukasa.
c.Isabuhat ang magagandang bagay na
natutuhan.
d. Palalimin ang pagkilala sa sarili.
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng
tungkulin mo bilang kapatid?

a. Tuparin kung ano man ang napagkasunduan


sa pagitan ng magkakapatid .
b. Mahalin ang bawat isa.
c. Igalang ang karapatan ng mga kapatid, bata
man o matanda.
d. Tuparin kung ano man ang ipinangako sa mga
magulang.
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng
tungkulin mo bilang mag-aaral?

a. Maging aktibo sa pagsali sa ibang gawaing


pampaaralan.
b. Mahalin, igalang, pasalamatan, at sundin ang
bilin ng mga magulang.
c. Tapusin ang mga nakatakdang gawain at mga
proyekto nang mas maaga o sa
takdang panahon.
d. Susunod sa mga patakaran sa paaralan at
hikayatin ang iba na sumunod dito.
16. Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng
tungkulin mo bilang Anak?

a. Tuparin kung ano ang ipinangako sa mga


magulang.
b. Alagaan ang magulang kung may sakit at
hanggang sa panahon ng kanilang pagtanda.
c. Gawin at tapusin ang mga pang-araw-araw na
tungkulin sa tahanan.
d. Igalang ang mga tagapamahala, mga guro, ibang
mga kawani ng mga paaralan, at mga kamag-aral.
17. Habang kayo ay namimili ng pagkain ng iyong in
asalabas ng Mall ay may nakita kang
batang babae na nanlilimos ng pera upang
pambili ng kanyang pagkain. Napansin mong may
hinahawakan siyang plastic na cellophane at
naalala mo ang iyong natutunan sa paaralan. Ano
ang gagawin mo?

a. Bibigyan siya ng pera upang tumigil itong humingi


b. Kukunin ang plastic cellophane at itago ito
c. Bibigyan ng pagkain ang batang humihingi ng
pera
d. Wala sa mga nabanggit
18. Kayo ay nagsisimba ng iyong pamilya tuwing
Linggo ng hapon ngunit sa araw nga pagsisimba,
habang kayo ay nakikinig, may nakita kang mga
kabataan na nag-uusap at nagtatawanan habang
nagsasalita ang pari/pastor. Ano ang gagawin mo
sa mga nag-uusap na mga kabataan?

a. Sasali sa usapan ng mga kabataan


b. Pagsasabihan ang mga ito
c. Hahayaan na mag-usap at makikinig nalang sa
inyong pari/pastor
d. Wala sa mga nabanggit
19. Ikaw ay mag kokolehiyo na at kukuha ng
education na kurso ang iyong mga kaklase at
gusto din ng iyong ina nakumuha ka ng kurso
tulad ng iyong mga kaibigan. Ano ang gagawin
mo?

a. Susundin ang gusto ng magulang


b. Hahayaan silang kumuha ng kahit ano basta
magkakasa pa rin sa isang paaralan
c. Susundin koang gusto kong kurso at kakausapin
nalang ang mga kaibigan at magulang
d. Wala sa mga nabanggit
20. Habang ikaw ay naglalakad papasok ng paaralan
ay may nakita kang basurang nakakalat sa labas
ng bahay ng iyong kapitbahay ngunit na isip mong
mahuhuli ka na sa klase kapag pupulutin mo pa
ito at itatapon. Ano ang gagawin mo?

a. Dali-dali ko nalang itong pupulutin at itatapun sa


tamang tapunan
b. Hahayaan ito dahil hindi naman namin bahay
iyon.
c. Pagsasabihan ang may-ari ng bahay na itapon ito
sa tamang lalagyan
d. Wala sa mga nabanggit
Basahin ang kuwento
ay sagotin ang mga
tanong.
Isa sa walong magkakapatid si Rona na
dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa
kanyang tiyahin sa Metro Manila. Labing-
tatlong taong gulang lamang siya noon
ngunit ipinasa na sa kanya ang halos
lahat ng mga gawaing bahay: paglilinis,
paghuhugas ng pinggan, pagsasaing,
paglalaba, pamamalantsa,
pamamalengke at kung anu-ano pa.
Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na
lalaki na animo’y senyorita at senyorito mula
nang pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay
na si Evelyn, gayong dalawampung taong
gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at
likod tuwing maliligo. Pati sarili nitong
underwear ay si Rona pa ang naglalaba. Ang
tatlong lalaki naman, maliban sa isa, ay gayon
na lamang kung mag-utos, laging pasigaw o
pagalit. Kapag naglilinis ng sahig si Rona ay di
man lamang mag-alis ng sapatos ang mga
pinsan kapag dumarating.
Animo’y nang-iinis pa na dadaan sa harapan ng
nakaluhod at nakayukong si Rona na nagpapahid
ng floor wax. Kadalasan ay pabalibag pang
ihahagis ang pantalong de maong kay Rona at
pasigaw na “O, labhan mo ‘yan! Pag natuyo,
plantsahin mo ha?!!

Bakasyon noon.

Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Rona:


linis, saing, laba, plantsa. Ang bibigat pa mandin
ng mga pantalong de maong ng mga pinsan.
Ginawa siyang taga-laba ng mga ito.
Si Rona ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag
may mga dumadalaw na kaibigan ang mga
pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya.

Sa hapag kainan, si Rona ang taga-silbi. Hindi


siya isinasabay sa pagkain, laging huli, gayong
mahaba naman ang mesang kainan. Kung ano
ang matira ay iyon lang ang makakain niya.
Apat na beses sa isang linggo ay tinapang isda
ang ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang
pwedeng kainin ni Rona. Iyon ang laging
itinitira sa kanya ng tiyahin.
Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho
at salat na pagkain sa piling ng tiyahin ay hindi
niya inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang
mahalaga’y patuloy siyang nakapag-aaral sa Pasig
High School. Lagi niyang nilalakad pauwi ang
Pasig at Pateros na halos ay apat na kilometro
ang layo. Wala siyang pocket-money, walang
snack, laging nagugutuman.

Pagdating ng bahay, kahit pagod at gutom,


kailangan niya munang maghugas ng mga
kaldero’t pinggan na nakatambak sa lababo bago
siya makakakain. Kadalasan, matutulog na lang
siya ay pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan.
Dalawang taon nahirahan at nanilbihan si
Rona sa tiyahin. Nang makatapos ng high
school ay kinuha siya ng kapatid at dinala
sa Cebu City. Nagpatuloy ng pag-aaral si
Rona, naging academic scholar at
nagtapos ng edukasyon nang may
karangalan – Magna cum laude. Muli
siyang nag-aral tatlong kurso ang natapos
niya at naging Doctor of Education.
Nakapag-asawa siya ng isang abogado.
Ngayon ay isa nang matagumpay na
educator at businesswoman si Rona.
Isa na siyang milyonarya at maligaya
sa piling ng tatlong anak at
mapagmahal na kabiyak.
Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay
isa nang matagumpay, at respetadong
tao sa mataas na lipunan? Ang mga
pinsan nasa kanya ay nang-api ay walang
natapos na pinag-aralan, ganoon pa rin
ang buhay hindi umasenso. Ang iba ay
nakapag-asawa ng mga hirap din ang
buhay.
• 1. Sino ang pangunahing tauhan sa
Kuwentong binasa?

a. Ana
b. b. Rona
c. c. Kuya Glen
d. d. Angel
2. Bakit sa kaya maagang nagbanat ng buto si
Rona?

a. Dahil may kailangan siyanbg bilihin na gamit.


b. Maagang namulat si Rona sa kahirapan.
c. May binabayaran ang kanyang Pamilya na
utang.
d. Dahil kailangan niyang paaralin ang kanyang
Boyfriend.
3. Saang lugar napadpad si Rona sa
pagtratrabaho?

a. Lungsod ng Dabaw
b. Lungsod ng Makati
c. Lungsod ng Maynila
d. Lungsod ng Quezon
4. Ilang taon nahirapan si Rona bago
siya kinuha ng kanyang kapatid at
dinala sa Cebu?

a. Isang Taon
b. Walong Taon
c. Dalawang Taon
d. Kalahating Taon
5. Bakit kailangang magtrabaho ni Rona sa
kanyang Tiyahin?

a. Dahil gusto niya kumita ng maraming


pera.
b. Gusto niyang lumipat ng ibang bahay
dahil ayaw na niya sa kanila.
c. Dahil sa kahirapan kaya siya ay
nagpasiyang magtrabaho
d. Wala sa mga nabanggit.
• 6. Anu-ano ang ginagawa ni Rona sa kanyang
panunungkulan sa kanyang Tiyahin?

a. Pagluluto, Pagkain, Pamamalingke, at Paglilinis


b. Pagluluto, Paghuhugas , Paglalaba at
Pagpanunuod ng Telebisyon.
c. Pagluluto, Paglilinis ng Bahay, Pamamalingke,
at paglalakwatsia.
d. Pagluluto, Paghuhugas, Paglalaba,
Pamamalingke, at paglilinis ng bahay
7. Sa papaanong paraan nakapag-aral si
Rona sa Kolehiyo?

a. Dahil sa kanyang Tiyahin.


b. Academic Scholarship
c. Pagbebenta ng mga kakanin sa labas ng
bahay
d. Wala sa mga nabanggit
8. Anu-ano ang mga naging buhay ni
Rona sa kasalukuyan?

a. Educator at Businesswoman
b.Educator at Marketing
Representative
c. Educator at Pulis
d. Educator at Business Consultant
9. Naging matagumpay ba si Rona sa
kanyang buhay?

a. Oo, dahil siya ay nakapag-asawa ng


abugado.
b. Hindi, Dahil wala pa siyang pamilya.
c. Ou, Dahil siya ay nakapagtapos sa pag-
aaral dahil sa pagsusumikap.
d. Hindi, Dahil hindi niya tinulungan ang
kanyang Tiyahin.
• 10. Pwede bang maging matagumpay ang isang
taong simple, mahirap at walang wala sa buhay?

a. Hindi, dahil ang tagumpay ay nararapat lamang


sa mga mayayaman.
b. Hindi, dahil ang tagumpay ay ibinigay sa mga
nakatadhana na kahit walan ginagawa sa buhay.
c. Oo, Dahil pwede rin naming ibigay ng mga
magulang ang pera at pamanahan ang mga anak
ng kahit ano para yumaman.
d. Oo, Dahil kahit anong estado mo sa buhay kapag
ikaw ay may pananampalataya sa Diyos,
pagsusumukap, at pagpupursige ikaw ay
magtatagumpay sa iyong gusto sa buhay.
Let’s Check!

You might also like