You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Calibungan High School
Calibungan, Victoria, Tarlac

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10


Post – Test

Pangalan: ________________________________ Taon & Pangkat: _____________

Test I: Maramihang Pagpipili: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Unibersal at pangkalahatan ang batas na ito sa bawat tao sa alinmang kultura.


a. Batas Moral b. Batas Pisikal c. Batas Biyolohikal d. wala sa nabanggit
2. Naniniwala na ang tao ay sadyang mabuti at pinasama lamang ng modernisasyon sa paligid.
a. Jean Jacques Rousue b. Jean Jacques Rossue
c. Jean Jacques Rousseu d. Jean Jacques Rousseau

3. Alin dito ang naglalarawan ng isang pagkatao?


a. tindig ng katawan c. pinag-aralan at posisyon
b. kasuotan at pagdadala ng damit d. kilos at ugali

4. Likas na may kabutihan ang tao kaya


a. Kahit anong sama ang impluwensya ng paligid ay magiging mabuti parin siya
b. Malaki ang kanyang potensyal na gumawa ng mabuti
c. Hindi niya maatim na gumawa ng masama
d. Lahat ng kanyang gagawin ay mabuti

5. Kanino ibinigay ng Diyos ang pamamahala sa lahat ng Kanyang nilikha?


a. Sa mga pulitiko b. Sa tao c. Sa mga Santo d. Sa mga hayop

6. Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng
kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang
damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili c. may kakayahan ang taong mangatwiran
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

7. Kasalukuyang kumukuha ng pagsusulit ang klase nina Romy. Biglang tinawag ang kanilang guro sa opisina ng punong-
guro. Sinabi ng katabi niyang si Eric na maaari na nilang buksan ang kanilang aklat. Ang kanyang mga kaklase ay gumaya
kay Eric. Si Romy ay hindi nagbukas ng aklat. Ang pasya ni Romy ay batay sa kanyang konsensya na:
a. tiyak b. di-tiyak c. tama d. Mali

8. Limang taon lamang si Jose. Minsan galing sa kapitbahay, may dala siyang laruan. Tinanong ng kanyang kuya kung may
nakakita nang kunin niya ito. Wala daw kaya itinago ito ng kanyang kuya. Ang konsensyang maaaring mahubog ni Jose ay:
a. pwede b. maari c. tama d. Mali

9. Late ka sa isang subject. Mahigpit pa naman ang iyong guro. Ano ang gagawin mo?
a. Sisihin ang driver na sinakyan mo
b. Humingi ng paumanhin at ipaliwanag ang pagkahuli
c. Hindi nalang papasok at di magpakita sa guro
d. Pumasok na lang basta

10. Bumili ka sa kantina, nang paalis ka na napansin mo na sobra ang sukli. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hayaan na lang c. Ipanlilibre mo na lang
b. Ibabalik ang sobrang sukli d. Ibibili ang sobrang pera

11. Ito ang birtud na naglalarawan ng katapangan at tibay ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
a. kabaitan b. katarungan c. katatagan d. pagtitimpi
12. Ang karapatang magpasya kung gagawing publiko ang gawa o likha.
a. right of publication c. right of integrity
b. right of alteration d. right to renumeration

13. Ang birtud na pumipigil sa tao upang iwasan ang mga masasama sa buhay tulad ng mga bisyo at matuto ng tukso at
ginhawa ng katawan at magkaroon ng huwisyo ng pag-iisip.
a. kabaitan b. katarungan c. katatagan d. pagtitimpi

14. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig
sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kaniya?
a. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.
c. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
d. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.
15. Namasyal kayo ng kaibigan mo sa mall, bibili daw siya ng bolpen at notbuk, magaganda ang kanyang napili at gusto niyang
bilhin iyong lahat pero kulang ang kanyang pera. Sinabi niya sa iyo na itago mo na lang ang isang maliit na aytem sa iyong
bag. Ano ang gagawin mo?
a. Tatakbuhan ko siya c. Di puwede, isauli na lang niya iyon
b. Ibibigay ko sa kanya ang bag ko, takot ako d. Di siya ang magtago!

16. Si Ana ay naging prostitute dahil sa matinding pangangailangan, ano ang saloobin mo tungkol dito?
a. Kawawa naman siya
b. Mali ang kanyang pamamaraan kahit pa may magandang layunin
c. Pwede, kung iyon ang solusyon
d. Tama lang ang ginawa niya

17. Dumalo ka sa isang parti at niyaya kang uminom at manigarilyo ng mga kasama mo. Napansin mong lasing na sila at
nangungulit na, nakita mo pang humihithit pa sila ng shabu at may kasamang mga babae na bangag na rin at maaaring
mapariwara. Ano ang dapat mong gawin?
a. pabayaan sila at umalis na lamang c. isumbong sila sa kanilang mga magulang
b. Makisama na lang sa kanila d. Pagalitan sila ng todo

18. Nais ni Maria na makatapos ng pag-aaral kaya siya ay pumasok sa isang bahay aliwan. Kaya nagtatrabaho siya sa gabi at
nag-aaral sa araw. Mula sa ginawa ni Maria, masasabing:
a. Tama ang kanyang layunin subalit mali ang kanyang paraan.
b. Tama ang kanyang paraan subalit mali ang kanyang layunin.
c. Mali ang kanyang paraan subalit tama ang kanyang layunin
d. Mali ang kanyang layunin at tama ang kanyang paraan

19. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?


a. Paglilinis ng ilong c. Pagsusugal
b. Pagpasok nang maaga d. Maalimpungatan sa gabi

20. Sa gitna ng pagsubok sa buhay, mahalaga na


a. Ibahagi ito sa mga taong malalapit sa iyo c. Ipasa sa kaibigang handing dumamay
b. Manahimik at gawing pribado ang suliranin d. Makipag-ugnayan sa mga kabarkada

21. May mga taong nagdaranas ng lubhang paghihirap dahil sa kanilang malubhang karamdaman, subalit nananatiling matatag
ang kalooban dahil sinasabayan nila ito ng matibay na
a. Pag-ibig b. Panalangin c. Paniniwala d. Pag-asa

22. Ano ang dapat mong hanapin sa mga kabiguan, suliranin at pagsubok na iyong naranasan sa buhay?
a. swerte b. aral c. turo d. kapighatian

23. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan?


a. Si Belle na takot sa lumilipad na ipis
b. Si Abby na ayaw maglakad sa madidilim na kalye
c. Si Drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep
d. Si Marie na nahihiyang mag-ulat sa harap ng klase

24. Sino ang higit na may matalinong paghuhusga sa mga sumusunod?


a. Itinuloy ni Mario ang pagkuha ng kursong Mechanical Engineer kahit mababa ang marka sa Mathematics
b. Nang sabihin ni Jane na sinisiraan siya ng kaklase niyang si Maria, agad itong sinugod ni Nympha at kinausap
c. Gustong bilhin ni Jose ang polong nakita niya sa mall ngunit hinsi niya ito ginawa dahil kailangan pa niyang bilhin
ang gagamitin niya sa investigatory project niya.
d. Dahil napakahaba ng pila sa kantina naisip ni Marjorie na hindi muna kumain ng tanghalian

25. Alin sa mga paraang ito ang hindi makatarungan?


a. pagrarally c. pakikipag-ayos
b. pagdedemanda o paghahabla d. pagpipilit sa sariling katwiran

26. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol na hindi maaaring
mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal

27. Pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa tao.


a. mundo b. dignidad c. kapaligiran d. buhay

28. Ang pagkitil sa buhay ng isang nilalang upang malunasan ang paghihirap lalo na ang mga nakaratay sa ospital.
a. aborsiyon b. suicide c. euthanasia d. wala sa nabanggit

29. Ang pangunahing karapatan ng tao.


a. Dignidad b. pag-unlad c. mabuhay d. Pakikipagsapalaran

30. Lahat ng nilalang ng Diyos ay may kabuluhan. Ano ang pinakamataas na uri ng kanyang nilalang na nararapat lamang na
pahalagahan?
a. bundok b. tao c. araw d. dagat
Test II. Moral Dilema. Pag-aralang mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon at piliin ang sa palagay mo’y pinakatamang
kasagutan. (Ang bawat kasagutan ay may kaukulang puntos, lima (5) ang pinakamataas).

1. Sabay kayong naglalakad ng kaklase nitong si Sarah, pauwi na kayo noon. Biglang tumunog ang sirena na nagsasabing
alas dose na. Huminto ito at nagpatirapa sa daan para sa isang panalangin. Pinagtitinginan siya ng mga tao, ano ang
gagawin mo?
a. Sasabayan ko siya sa kanyang panalangin
b. Iiwananan ko siya para makapagconcentrate siyang mabuti
c. Hahayaan ko siyng makapaanalangin at hihintayin kong makatapos ito
d. Kakalabitin ko siya at sasabihing pinagtitinginan siya ng mga tao
e. Sasabihin kong mauuna na ako sa knya

2. Dumating sa buhay mo ang unang lalaki/babae na nagpatibok ng puso mo. Napaibig ka na niya ng todo ng malaman mo na
may pananagutan na pala ito. Nang sabihin mo ito sa kanya , nabigla siya at sinabi niyang higit ka niyang minamahal kaysa
kanyang asawa. Ano ang gagawin mo?
a. Dahil mahal ko siya, itutuloy ko ang pakikipagmabutihan sa kanya
b. Kahit masakit sisikapin ko siyang limutin
c. Ipapaliwanag kong mali ang aming relasyon at nakabubuting ibaling na lamang sa kanyang pamilya ang kanyang
pagmamahal
d. Pagsasalitaan ko siya ng masasakit dahil niloko niya ako
e. Pagpipiliin ko siya sa aming dalawa ng kanyang asawa

3. Laging nag-aaway ang iyong mga magulang maging sa harap ng hapag-kainan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos walang
oras na hindi sila nagsumbatan, bagay na ikinabahala ninyong magkakapatid. Hanggang dumating ang puntong nagpasiya
na silang maghiwalay. Pinagtig-isahan nila ang dalawa mong nakababatang kapatid at ikaw ay hinayaang pumili kung sino
ang sasamahan mo sa kanila. Ano ang gagawin mo?
a. Mas pipiliin kong manirahan sa aking mga lolo kaysa sa kanila
b. Makikiusap akong huwag nilang itutuloy ang paghihiwalay alang-alang sa aming magkakapatid
c. Sasama ako sa aking nanay sapagkat alam kong mas maaalagaan niya ako
d. Maglalayas na lamang ako at pipiliin kong buhayin ang aking sarili
e. Mas nanaisin kong mamuhay na lamang mag-isa

4. Dumating ang matinding dagok sa inyong buhay. Nagkasakit ang nanay mo at nagkataong nawalan ng trabaho ang tatay
mo. Sa kabila ng pagsisikap sa kabila ng pagsisikap niyang makahanap ng bagong trabaho subalit naging mailap ang
pagkakataon. Kinakailangan ka munang huminto sa iyong pag-aaral sapagkat ang konting naiipon ng iyong nanay ay
kailangan maipambili muna ng gamut. Dumating ang dati mong kababata at sinabi sa iyong madali lamang kumita ng pera
sa kanyang trabaho kaya kung gusto mo ay sumama ka na lamang sa kanya sa Maynila. Nang tanungin mo kung anong
klaseng trabaho ito ay walang kagatol-gatol na sinabi nitong nagbebenta siya ng panandaliang aliw. Ano ang gagawin mo?

a. Pag-isipan ko munang mabuti kung sasama ako o hindi


b. Sasama ako sa kanya upang may maipantustos ang aking mga kapatid sa pag-aaral at mapambili ng gamot
ang nanay ko
c. Maghahanap na lamang ako ng ibang mapapasukan, iyong marangal
d. Tatanggihan ko ang kanyang alok at hihimukin ko siyang ihinto ito habang may pagkkataon
e. Sasabihin ko sa kanyang masamang trabaho iyon

5. Kasalukuyan kang nag-aaral ng magkaroon ka ng kasintahan na ito ay lingid sa kaalaman ng iyong magulang. Istrikto sila at
sinabi sa iyong pag-aaral muna ang dapat mong unahin. Ngunit sadyang mapagbiro ang pagkakataon dahil lumampas sa
guhit ang inyong relasyon at ito ay nagkaroon ng bunga. Labis mong ikinabahala ito sapagkat maari kang itakwil ng iyong
magulang sa pagsuway mo sa kanilang kautusan. Ano ang gagawin mo?
a. Ipalalaglag ang bata
b. Paninindigan ko ang aking ginawa at tatanggapin ang anumang desiyon ng aking magulang
c. Pansamantalang itatago ito at ipagtatapat sa tamang pagkakataon
d. Maglalakas loob akong ipagtapat ang aming ginawa at ako ay magmamakaawa
e. Tatakasan ko ang responsibilidad at ibabalik kapag handa na

Inihanda ni:

Maria Theresa B. Lucas


Guro sa EsP Ipinasuri kay:

Bambino L. Galutera
Principal I

You might also like