You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION 11- CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SAN MARIANO SUR ELEMENTARY SCHOOL
SAN MARIANO SUR, SAN GUILLERMO, ISABELA

TABLE OF SPECIFICATION
PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
QUARTER 2

TEST ITEM PLACEMENT

AN

CRE
AP
UNDERSTANDING
REMEMBERING
LEARNING COMPETENCIES Weight No. of

EVALUATING
No. of days
(Include Codes if Available) (%) items

ALYZING
PLYING

ATING
4. Naipakikita ang
kahalagahan ng pagiging
responsable sa kapwa:
 4.1 pangako o 1
pinagkasunduan; 9
1,4,6, 1
 4.2 pagpapanatili 7 5 9,10, 0
1 ng mabuting 30 70% 20 12,17, 2,3,14
7 5,8 11, 0
pakikipagkaibigan; 18,19, ,15,16
13
4.3 pagiging 20
Matapat
EsP6P- IIa-c–30

Nakapagpapakita ng 2
paggalang sa ideya o 2 23,
0 2 2
suhestyon ng kapwa 13 30% 10 21,22, 24, 0
0 25 27,30
EsP6P- IId-i-31 26 28,
29,

7 3 1 8 7 0
TOTAL 43 100 30
1 3 11 8 7 0

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION 11- CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SAN MARIANO SUR ELEMENTARY SCHOOL
SAN MARIANO SUR, SAN GUILLERMO, ISABELA

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: _____________________________________________________ Marka: _________________


Baitang/Pangkat: _________________LRN:__________________ Lagda ng Magulang: _________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Isulat ang inyong
sagot sa unahan ng bawat bilang na tumutugma sa iyong napiling sagot.

______1. Ipinangako mong isasauli ang damit na hiniram mo sa iyong kamag-aral, ngunit ito ay
nasa labahan pa. Ano ang gagawin mo?
A. Pakikiusapan ko ang kamag-aral ko na sa isang Linggo ko pa isasauli ang damit.
B Lalabhan ko ngayon ang damit upang maisauli ko bukas.
C. Isasauli ko ang damit kahit marumi pa ito.
D. Huwag munang isauli at ipahiram sa iba.
_____2. Sino ang hindi dapat tularan?
A. Nahuli si Ana sa oras ng usapan.
B. Hindi dumating si Jessa sa tinanggap na paanyaya.
C. Nagsasabi si Carla na hindi siya makakarating sa usapan.
D. Kahit medyo umuulan ay sinikap ni Alfonso na makipagtagpo sa kausap na
kaibigan sa eksaktong oras ng usapan.
_____3. Ano ang nangyayari sa taong walang “ Palabra de Honor “?
A. Lumalambot ang kanyang puso.
B. Dumarami ang kanyang kaibigan.
C. Tumutigas ang kanyang damdamin.
D. Nawawalan ng pagtitiwala ang ibang tao.
_____4. Nangako kang magbabayad ng utang sa kaklase mo ngunit wala pang pera ang iyong
magulang. Ano ang gagawin mo?
A. Mangungupit ako sa aking nanay .
B. Uutang muna ako sa iba para mabayaran siya.
C. Liliban muna ako sa klase hanggang makabayad.
D. Mangangalap at magtitinda ako ng dyaryo’t bote na di na napapakinabangan
sa bahay para magkaroon ng pambayad sa utang.
_____5. Bakit mahalaga na makatupad ka sa iyong pangako?
A. Ito ay makakaapekto at makakaabala sa ibang tao kapag hindi ka marunong tumupad.
B. Ito ay makakabawas sa iyong marka.
C. Ito ay makakasira sa iyong marka.
D. Ito ay isang pag-uutos.
_____6. Kaarawan ng iyong nakababatang kapatid, naipangako mo na bibilhan mo siya ng isang
regalo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lamang ang kapatid.
B. Sasabihin ko na bumawi nalang sya sa susunod na kaarawan niya.
C. Tutuparin ko ang naipangako ko sa aking kapatid.
D. Di ko ito tutuparin at hahayaan na lang na magalit siya.

_____7. Ano ang pinagtitibay ng “Palabra de honor “ ?


A.Pagsunod sa utos.
B.Pagtupad sa pangako.
C. Pagbabago ng pasya.
D.Pagmamalaki sa magagawa.
_____8. Paano tinutupad ang isang pangako ?
A. May pagpapahalaga at pagtitiis.
B. Walang interes at pagpapakasakit
C. May pagkukulang at pag-aalinlangan.
D. May hinihintay na kapalit na kabayaran.
_____9. Nangako ka na maagang umuwi, ngunit nayaya ka sa isang birthday party. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasama ako ngunit magpapaalam kaagad
B. Sasama ako at gagawa ng dahilan sa magulang.
C. Hihingi ng paumanhin sa kamag-aral at ipapaliwanag kung bakit hindi ako
makakasama.
D. Gagawa ako ng paraan upang makapunta sa birthday party nang hindi alam ng
magulang.
_____10. Sino ang makikinabang kapag ikaw ay marunong tumupad sa isang usapan?
A. Sarili mo lang C. Walang makikinabang
B. Ang iyong kapwa D. Ikaw at ang iyong kapwa.
_____11. Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng klase sa isang video
shop na malapit sa inyong paaralan upang gumawa ng inyong proyekto. Ngunit nagbilin
ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon siyang ipapagawa sa iyo. Ano ang
gagawin mo?
A. Ipaalam sa magulang ang sitwasyon upang maunawaan ng ina ang kahalagahan ng
iyong pakikiisa sa pangkat.
B. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain.
C Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao.
D. Di ka nalang pupunta.
_____12. Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinakalat na tsismis tungkol sa iyo ang
iyong matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall. Ano ang gagawin
mo?
A. Sisigawan ang kaibigan at aawayin.
B. Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak.
C. Makikipaghiwalay na sa matalik na kaibigan.
D. Iimbitahin ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang mahinahon
kung totoo ang isinumbong tungkol sa kanya ng kamag-anak mo.
_____13. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ka ng tamang kaibigan.
May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong
mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan.
A. Gagawin ko ang gusto ko, ako naman ang pipili ng kaibigan.
B. Pag-iisipan ko. G usto ko rin kasi ang magdesisyong mag-isa.
C. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin.
D. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa
kanilang anak.
_____14. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math.
Ipinangako niyang isasauli pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay pero
hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksyon mo?
A. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan.
B. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit.
C. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga
gamit.
D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na
pinag-usapan.
_____15. Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang paniniwala tungkol sa kanilang
relihiyon, ano ang pinakamabuti mong gawin para maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan?
A. Igalang ang kanyang paniniwala.
B. Magdahilan na maraming tatapusin at gagawin
C. Pakikinggan lang ang kaibigan pero hindi papaniwalaan.
D. Pipiliin lang ang mga nais pakinggan sa sinabi ng kaibigan.
_____16. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng palabas sa Makati Circuit.
Nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng traysikel malapit sa inyong paaralan sa
ganap na ika 5:00 ng hapon . Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong
nauna na sila sa Makati Circuit. Ano ang magiging reaksyon mo?
A. Kakausapin sila nang mahinahon tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang
naramdaman tungkol doon.
B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong
pagkatao.
C. Iiyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.
D. Aawayin ko sila.
_____17. Ano ang nadarama mo kapag nakakarinig ka ng hindi maganda tungkol sa iyong
kaibigan na may diperensya sa mata.
A. Sadyain ang panunukso
B. Hindi mo nalang papansinin.
C. Pagsasabihan ang nanunukso.
D. Magiging masaya at magaan ang pakiramdam.
_____18. Ang iyong kaibigan ay lagi nalang naninigarilyo tuwing siya ay papasok sa paaralan.
Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. Bumili lagi ng sigarilyo
B. Sabihan na pang macho lang ang sigarilyo.
C. Sabihan na masama ang sigarilyo sa katawan ng tao.
D. Sabihan na magandang pagmasdan kapag siya ay naninigarilyo.
_____19. May pagsusulit. Nakita mo na may kopyahan ang kaklase mong si Ana. Ano ang iyong
gagawin?
A. Kausapin si Ana at sabihin na masama ang nandaraya sa pagsusulit.
B. Pabayaan si Ana sa pangongopya.
C. Wala lang akong pakialam.
D. Tingnan na lamang siya.
_____20. Naglilinis ka ng kwarto ng iyong kapatid. Nakita mo na may bagong pabango sa
kanyang cabinet. Ano ang maaari mong gawin?
A. Kunin ang pabango
B. Gamitin habang naglilinis.
C. Itago sa isang sulok ang pabango
D. Magpaalam sa kapatid bago kunin kung nais mo itong subukang gamitin.
____21. Dalawa mong matalik na kaibigan ang lumapit sa’yo upang humingi ng payo. Sinabi ng
isa na isinasama siya ng kaibigan sa pamamasyal ngunit gusto niyang magpaalam muna
sa kanyang nanay. Sinabi naman ng isa na maaari siyang sumama at saka na lamang
sabihin sa kanyang nanay. Ano ang ipapayo mo?
A. Huwag na lang sumama.
B. Sumama bago magsabi sa magulang
C. Magsabi muna sa magulang bago sumama.
D. Sasama kahit hindi ka magpaalam sa magulang.
______22. Habang ikaw ay nagwawalis ng silid-aralan, nakakita ka ng sampung piso sa sahig.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Pabayaan mo na lang sa sahig.
B. Ibili mo ang pera ng iyong proyekto.
C. Itago ang pera kasi wala namang nakakita.
D. Ibigay sa guro upang ipaalam kung sino ang may-ari ng pera.
_____ 23. May pagsusulit sa Science ang klase. Magkasunod sa upuan si Roy at Lito. Nagulat si
Roy nang bigla siyang kalabitin ni Lito. Dahan-dahan siyang lumingon. Sumenyas ito na
gusto ni Litong mangopya sa kanya. Ano ang dapat gawin ni Roy?
A. Huwag pansinin si Lito at hilingin sa guro na ilipat siya ng ibang upuan.
B. Kakausapin si Lito. Sabihin na ang pandaraya ay di tama.
C. Isumbong si Lito sa guro.
D. Hayaan na lang ito.
_____24. Pinagsususpetsahan ng iyong mga kamag-aral si Eddie na kumuha ng nawawalang
pera ni Rona na kanyang katabi. Kung ikaw ang pangulo ng klase, ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko sa aking mga kamag-aral na huwag munang maghugas, at tiyakin muna
kung paano nawala ang pera ni Rona.
B. Kakausapin ko si Eddie na magtapat siya kung saan inilagay.
C. Isusumbong sa guro si Eddie.
D. Aawayin ito at tutuksuhin
_____25. May dumating na sulat para sa iyong kapatid. Parang gusto mong galawin. Alin ang
tamang gagawin mo?
A. Punitin ang sulat
B. Gagalawin dahil titingnan mo lang
C. Huwag galawin kung hindi para sa iyo
D. Pababayaan na lang ang sulat na maitapon.
_____26. Araw ng camping sa inyong paaralan. Nagkaroon ng paligsahan sa pamamalengke at
ikaw ang naatasang magsagawa nito. Nagkataong naubusan ka na ng perang baon.
Nakita mong malaki ang perang naibigay sa iyo at kayang- kaya mong dayain ang presyo
ng bawat bilihin upang magkaroon ng dagdag na baon. Ano ang gagawin mo?
A. Dadayain ang presyo ng pinamili at kukunin ang sobrang pera.
B. Sasabihin ang tamang presyo ng bilihin ,di bale nang walang baon, may pagkain
naman na nakalaan sa camp.
C. Kakausapin ang kasamang namili na wag sasabihin ang tamang presyo
D. Walang tamang sagot.
_____27. Bilang lider ng pangkat, tinanong ka ng titser mo kung paano napaganda ang inyong
proyekto. Ano ang sasabihin mo?
A. Ibinigay ko po ang lahat ng aking nakayanan.
B. Malaki po ang naitutulong ng bawat kasapi.
C. Ang ilan pong kasapi ay walang kooperasyon.
D. Ako po ang bumili ng lahat ng ginamit sa paggawa nito.
_____28. Napagkasunduan ng iyong klase na magpapadala ng kard at kahon ng biskwit sa isang
kaklaseng matagal nang maysakit. Ikaw ang napakiusapang maghatid ng mga ito.
Tatanggapin mo ba ang pinapagawa sa iyo?
A. hindi nararapat
B. Depende kung may panahon
C. Oo, dahil makakahingi ako ng biskwit
D. D. Oo, dahil para ito sa kapakanan ng kaklaseng maysakit.
_____29. Ikaw ang napili bilang tagapagsalita sa palatuntunan dapat purihin para sa Linggo ng
Wika. Tatanggapin mo sa dahilang____
A. gusto mong maging sikat.
B. ayaw mong ipahiya ang gurong nagrekomenda sa iyo.
C. wala nang makagagawa nito kundi ikaw.
D. pagkakataon ito upang masubok ang iyong kakayahan.
_____30. Magkaibigan kayo nina Pablo at Pedro. Isang araw, nag-away si Pablo at si Pedro. Sila
ay hindi nagkibuan. Tinawag mo ang dalawa at tinanong ang dahilan. Pareho silang may
katwiran. Ano ang iyong pasya
A. Wala kang gagawin.
B. Iwanan ang pakikipagkaibigan sa dalawa.
C. Kampihan kung sino ang may katwirang ayon sa iyong gusto.
D. Pagbatiin ang dalawa, at pag-usapan ng mahinahon ang naging sanhi ng alitan.
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 11. A 21. C
2. B 12. D 22. D
2. D 13. D 23. B
3. D 14. D 24. A
4. A 15. A 25. C
5. C 16. A 26. B
6. B 17. C 27. B
7. A 18. C 28. D
8. C 19. A 29. D
10.D 20. D 30. D

You might also like