You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang

Assessment Coursework
Unang Kuwarter
Unang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang- ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

2 | Assessment Coursework EsP G4


4
Assessment Coursework
Unang Kuwarter
Unang Edisyon, 2022

Edukasyon sa
Pagpapakata
o
Unang Kuwarter
Catherine G. Eleponga
Content Creator & Writer

Myrasol D. Beltran
Content Reviewer

Myrasol D. Beltran
Language Reviewer

Myrasol D. Beltran
Internal Reviewer & Editor

Cherry Amor R. Laroza


Layout Artists & Illustrator

Cherry Amor R. Laroza


Graphic Artist & Cover Designer

Merthel M. Evardome, CESO V, Nicholas M. Burgos, Nadine C. Celindro,


Mario B. Maramot, PhD, Ma. Leticia Jose C. Basilan, PhD,
Vanessa A. Bautista, Mylyn G. Sangalang, Cherry Amor R. Laroza, Jonathan V. Mayo
Schools Division Development Team

Assessment Coursework EsP G4 | 3


TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
UNANG KUWARTER
LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1

COGNITIVE DIMENSION

BAHAGDAN
PROCESS
Bilang ng Araw ng Pagtuturo

KINALALAGYAN NG AYTEM
Bilang ng Aytem

Mga Kasanayan sa
UNDERSTANDING
REMEMBERING

Pagkatuto/ MELCs

EVALUATING

CREATING
APPLYING

ANALYZING

1,
Nakapagsasabi ng 7,8, 4, 6,
1
katotohanan anuman ang 10 15 9, 5, 2,3 12, 50%
5
maging bunga nito 10, 14, 13
11
Nakapagsusuri ng
katotohanan bago 16
gumawa ng anumang 4 - 14%
hakbangin 19
a) balitang napakinggan
20
b) patalastas na
4 - 13%
nabasa/narinig
23
c) napanood na 24
programang 3 - 10%
pantelebisyon 26
27
d) pagsangguni sa
4 - 13%
taong kinauukulan
30

KABUOAN 20 20 0 0 10 0 0 10 100%

4 | Assessment Coursework EsP G4


Inihanda ni: Siniyasat ni: Binigyang pansin ni:

GLAIDEL MARIE C. PIOL CHARITO L. PAMILARA OLYMPIA A. ORLINA


Guro I Dalubguro II Punungguro IV

Assessment Coursework EsP G4 | 5


PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
UNANG KUWARTER
LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang isang daang piso (P100) ng iyong
guro. Bago mag-uwian ay tinanong ka ng iyong guro kung napansin mo ang
nawawala niyang pera. Paano mo maipakikita ang pagiging totoo sa iyong
guro?
A. Sasabihin na hindi mo ito napansin at pagkatapos ay uuwi na.
B. Pupuntahan ang kaklase at hihingi ng pera kapalit ng hindi
pagsusumbong.
C. Sasabihin sa guro ang nakita mo upang mapagsabihan ang kaklase na mali
ang kaniyang ginawa.
D. Magbibingi-bingihan at hindi papansinin ang guro para hindi na
madawit sa ginawa ng kaklase.

2. Nahuli mong nangungupit ng barya ang iyong bunsong kapatid mula sa


pitaka ng iyong nanay. Alam mong mapapalo siya ng iyong nanay kapag
nalaman niya ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Tutulungan sa susunod ang kapatid upang mas maramin pa itong
makupit.
B. Hindi na sasabihin sa nanay ang ginawa ng kapatid at bibigyan na
lamang ito ng pera upang hindi na umulit.
C. Ikukuwento sa nanay ang nangyari at sasabihing parusahan ang kapatid
upang hindi na ulitin ang maling ginawa.
D. Ipapaliwanag sa kapatid na mali ang kaniyang ginawa at sasabihin sa
nanay ang nangyari upang mabigyan ito ng tamang disiplina.

6 | Assessment Coursework EsP G4


3. Sumali sa paligsahan sa pagguhit ang magkaibigang Linda at Mara. Nangako sila
na kahit sino ang manalo sa kanilang dalawa ay ikatutuwa pa rin nila ito. Habang
nakatalikod si Linda ay nakita mong patagong tinapunan ni Mara ng tubig ang
iginuhit nito. Walang umamin kung sino ang may sala sa pagkatapon ng tubig. Ano
ang gagawin mo?
A. Hahayaan na lamang mag-isip si Linda kung sino ang may sala.
B. Ituturo ang ibang kalahok upang hindi masira ang pagkakaibigan nilang
dalawa.
C. Sasabihin kay Mara na mali ang kaniyang ginawa at ikukuwento kay Linda
ang nakita mong ginawa ni Mara.
D. Isisigaw na si Mara ang may kasalanan upang masaksihan ang pag- aaway
nilang dalawa sa paligsahan.

4. Niyaya ka ng iyong mga kalaro na maghabulan sa inyong bakuran. Hindi ka


pinayagan ng iyong ama sapagkat dumidilim na at delikado ang tumakbo dahil
maraming malalaking bato. Hindi ka nakinig at nagpatuloy pa rin hanggang sa
natisod ka at nagkaroon ng bukol sa ulo. Paano mo sasabihin sa iyong ama ang
nangyari sa iyo?
A. Pipigilan na lamang ang pag-iyak kahit masakit dahil baka mapagalitan ng
ama kapag nalaman niyang nagkabukol ako.
B. Lalakasan ang loob na sabihin sa ama ang nangyari, hihingi ng pasensya, at
mangangakong makikinig na sa susunod.
C. Sasabihin na kasalanan ito ng iyong mga kalaro dahil kung hindi sila
nagyaya ay hindi ka mapapahamak at magkakabukol.
D. Sasabihin sa ama na dapat ay maglagay ng poste ng ilaw sa bakuran upang
hindi madilim kapag inaabot ng gabi sa paglalaro.

5. Nakita mong nakipagsuntukan sa kanto ang iyong kuya kaya nagtamo siya ng pasa
sa mukha. Pinakiusapan ka niyang huwag sabihin sa iyong tatay ang nangyari
sapagkat mapagagalitan siya nito. Tinanong ka ng tatay mo kung napaano ang kuya
mo. Paano mo sasabihin sa iyong tatay ang katotohanan sa kabila ng pakiusap ng
iyong kuya?
A. Sasabihing nadulas si kuya sa may banyo kaya nagkaroon ng pasa sa mukha.
B. Sasabihin kay Tatay na hindi alam ang nangyari kay Kuya at tanungin na
lamang siya.
C. Sasabihin ang katotohanan na nakipagsuntukan si Kuya at hayaang
pagsabihan ni Tatay si Kuya.
D. Sasabihing hindi napansin ni kuya ang poste sa may kanto kung kaya’t
nauntog ito at nagkapasa.

Assessment Coursework EsP G4 | 7


6. Matalik mong kaibigan si Kaloy at palagi kayong magkasama sa paglalaro
ng basketball. Ngunit napapansin mong mayroong hindi kaaya-ayang
amoy ang kaniyang katawan sa tuwing siya ay pinagpapawisan. Paano mo
maipakikita ang pagiging totoo mo sa iyong kaibigan gayong maaaring
magalit siya?
A. Kakausapin ko siya na kami lamang dalawa at sasabihin ang aking
napapansin na hindi kaaya-ayang amoy niya.
B. Pababayaan ko na lang dahil baka magalit siya at masira ang
pagkakaibigan namin.
C. Sasabihin ko na lamang na ang bango niya kahit kabaligtaran naman
nito ang naaamoy ko sa kaniya.
D. Hindi ko na lamang ito papansinin at lalayo na lang ako sa kaniya upang
hindi siya maamoy.

7. Matalik mong kaibigan ang dalawa mong kaklase na sina Mira at Cindy.
Isang araw, narinig mong kausap ni Mira ang iba mong kaklase at kung ano-
anong paninira ang sinasabi niya tungkol kay Cindy. Noong araw din na iyon
ay narinig mong panay papuri naman ang sinasabi ni Mira noong ang
kaharap ay si Cindy. Alin ang nararapat mong gawin?
A. Sabihin kay Mira na mali ang kaniyang ginagawa at ipagtapat kay Cindy
ang narinig.
B. Sasabihin kay Cindy na layuan na si Mira sapagkat hindi siya
totoong kaibigan.
C. Sisiraan si Mira sa buong klase upang maiganti si Cindy at hindi na siya
kakaibiganin pa.
D. Ipagkakalat ang ugali ni Mira upang mawalan ng kaibigan at upang
magtanda sa kaniyang maling asal.

8. Inabutan kayo ng inyong guro na maingay sa loob ng klase. Nang tinanong


niya kayo, walang sumagot sa inyo. Ano ang maaari mong gawin?
A. Magsasawalang-kibo na lang ako sa aking upuan.
B. Magpapatuloy pa rin kami sa pag-iingay sa klase.
C. Hahayaan ko na lang ang aming guro na magalit.
D. Tatayo ako at sasabihin kung bakit kami maingay.

8 | Assessment Coursework EsP G4


9. Nagkaroon ng palaro sa inyong eskuwelahan at kasali ang inyong grupo.
Nanalo kayo ngunit nakita mo ang pandarayang ginawa ng kaklase mo para
kayo ay manalo. Ano ang gagawin mo?
A. Mananahimik na lang dahil wala namang ibang nakakita kundi ako.
B. Hindi na papansinin ang nangyari para makaiwas sa gulo sa mga
kasama.
C. Ipagsasabi ang maling ginawa ng kasama upang hindi na ito makasali sa
ibang palaro.
D. Sasabihin ko sa pamunuan ang totoong nangyari upang maibigay ang
panalo sa karapat-dapat.
10. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa Araling Panlipunan. Habang nagsasagot ay
napansin mo ang isa mong kaklase na may binubuklat na papel na kaniyang
kinokopyahan. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan na lang ang kaklase dahil baka mali rin naman ang
kinokopya niya.
B. Hindi na lang papansinin ang ginagawa ng kaklase upang hindi ito
magalit.
C. Hahayaan na muna ito at pagkatapos ng pagsusulit ay isasangguni sa
guro ang nakita.
D. Hihiramin ang papel sa kaklase at kokopya rin upang mataas ang
maging marka.

11. Naglalaro kayo ng batuhang bola sa inyong bakuran. Sa hindi inaasahang


pangyayari ay natamaan mo ang salamin ng inyong bintana at nabasag ito.
Alam mong magagalit ang nanay mo. Paano mo maipakikita ang pagiging
totoo sa iyong ginawa?
A. Sasabihin ko na ang aking kalaro ang nakatama.
B. Magtatago ako kaagad para hindi mapagbintangan.
C. Aaminin ko ang kasalanan at hihingi ng tawad sa nangyari.
D. Sasabihin na hindi ko alam kung sino ang nakabasag ng bintana.

Assessment Coursework EsP G4 | 9


12.Gustong-gusto ni Celine ang bagong biling damit ng kaniyang ate kaya
isinuot niya ito nang palihim sa handaan ng kaniyang kaibigan. Sa hindi
inaasahang pangyayari ay sumabit ito at nagkaroon ng punit. Alin sa
sumusunod ang dapat gawin ni Celine?
A. Sabihin sa kaniyang ate ang pagkakamali at hihingi ng paumanhin sa
nagawa.
B. Itago ang damit at sabihin sa ate na nawawala ang kaniyang damit.
C. Humingi ng pera sa kaniyang nanay at bumili agad ng katulad na damit.
D. Labhan kaagad ang damit at itago sa damitan ng ate na parang walang
nangyari

13. Nagkaroon ng paligsahan sa pagbaybay sa inyong paaralan. Mahigpit ang


laban ng dalawa sa mga kalahok. Sa pahuling bahagi ng paligsahan ay nakita
mong dinidiktahan ng isa mong kaklase ang isang kalahok. Alin sa
sumusunod ang nararapat mong gawin?
A. Isisigaw na mandaraya ang isang kalahok para mapahiya.
B. Kakausapin ang gurong tagapamahala at sasabihin ang nakita.
C. Hindi na lang papansinin ang nakitang pandaraya ng isang kalahok.
D. Ibabalita sa iba ang pandarayang ginawa ng kalahok pagkatapos ng
paligsahan.

14. Nakita mong sinaktan ng ate mo ang inyong bunsong kapatid kaya umiyak.
Sinabihan ka niya na huwag sasabihin sa inyong nanay ang kaniyang
ginawa. Narinig ng inyong nanay ang iyak ng kapatid mo at tinanong ka
niya kung bakit ito umiiyak. Paano mo ito sasabihin sa kaniya?
A. “Ako po ang may kasalanan.”
B. “Hindi ko po alam kung bakit, Nanay.”
C. “Nakita ko pong sinaktan siya ni Ate.”
D. “Nauntog po ito sa sahig kaya umiyak.”

15. Ano ang magandang epekto sa iyo ng pagsasabi ng katotohanan?


A. Magiging sikat ako.
B. Dadami ang aking kaaway.
C. Hindi ako magiging masaya.
D. Gagaan ang aking kalooban.

10 | Assessment Coursework EsP G4


II. Panuto: Iguhit ang masayang mukha () kung nagpapakita ng
pagsusuri ng katotohanan at malungkot na mukha () naman
kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

16. Ibinalita ni Arthur sa kaniyang mga kaklase na sa darating na Agosto 22,


2022 na ang kanilang pasukan matapos marinig sa balita ang pormal na
pahayag ng DepEd tungkol dito.

17. Ikinuwento ni Ruth sa kapatid ang kaniyang narinig na usapan ng kanilang


mga kapitbahay tungkol sa mga nahuli ng pulis sa kanilang lugar.

18. Agad na nalungkot si Bernard nang marinig sa kanilang kapitbahay na sa


isang linggo pa maibabalik ang suplay ng kuryente sa kanilang lugar.

19. Ayon sa balitang narinig ko sa radyo, si Vice President Sara Z. Duterte na


ang bagong Kalihim ng Edukasyon kaya agad ko itong sinabi sa aking
nanay.

20. Pinagbabasehan ni Arnel ang ulat tungkol sa bilang ng kaso ng COVID-


19 sa kanilang bayan mula sa opisyal na Facebook Page ng kanilang
munisipyo.

21. Nagbabasa si Ara ng mga updates tungkol sa COVID-19 mula sa ulat ng


Department of Health (DOH).

22. Agad na pinaniniwalaan ni Marisa ang mga nababasa niyang post


ng mga kaibigan sa Facebook tungkol sa pagkakaroon ng tsunami.

23. Kinumpirma muna ni Renzo sa sekretarya ng kanilang barangay kung totoo


ang nabasa niyang patalastas tungkol sa magaganap na patimpalak sa
kanilang barangay.

24. Nanood si Sandy ng balita sa telebisyon upang malaman ang dahilan ng


pagsasara ng isang estasyon ng telebisyon.

Assessment Coursework EsP G4 | 11


25. Agad nagsaliksik si Mariel kung totoo nga ba ang buwayang nasa
palabas na Lolong matapos itong mapanood sa telebisyon.

26. Nalungkot si Lara nang makumpirma sa isang programa sa telebisyon ang


tungkol sa hiwalayan ng kaniyang mga iniidolo.

27. Tinawagan ni Ronald ang kaniyang guro upang magtanong tungkol sa


kanilang aralin.

28. Pinagbabasehan ni Alona ang sinasabi ng naglalako ng isda tungkol sa


kalagayan ng panahon.

29. Hindi na nagsusuot si Caren ng facemask dahil sinabi ng kaniyang


kaibigan na si Lyca na wala ng COVID-19.

30. Agad pumunta si Ana at ang kaniyang ina sa doktor upang ikonsulta ang
kaniyang nararamdaman.

12 | Assessment Coursework EsP G4


SUSI SA PAGWAWASTO

I.
1. C
2. D
3. C
4. B
5. C
6. A
7. A
8. D
9. D
10. C
11. C
12. A
13. B
14. C
15. D
II.
16. 
17. 
18. 
19. 
20. 
21. 
22. 
23. 
24. 
25. 
26. 
27. 
28. 
29. 
30. 
14 | Assessment Coursework EsP G4

You might also like