You are on page 1of 14

1 | Assessment Coursework EsP G7

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang


Assessment Coursework
Ikalawang Kuwarter
Unang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

2 | Assessment Coursework EsP G7


Assessment Coursework

7
Ikalawang Kuwarter
Unang Edisyon, 2022

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Kuwarter

Antero T. Escala
Content Creator & Writer
Carolyn I. Chavez
Content Reviewer

Lawrence B. Aytona
Language Reviewer
Carolyn I. Chavez
Internal Reviewer & Editor
Cherry Amor R. Laroza
Layout Artist & Illustrator
Cherry Amor R. Laroza
Graphic Artist & Cover Designer

Merthel M. Evardome, CESO V, Nicholas M. Burgos, Nadine C. Celindro,


Mario B. Maramot, PhD, Ma. Leticia Jose C. Basilan, PhD,
Vanessa A. Bautista, Mylyn G. Sangalang, Cherry Amor R. Laroza
Schools Division Development Team

3 | Assessment Coursework EsP G7


TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
IKALAWANG KUWARTER
LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1

COGNITIVE DIMENSION PROCESS

Bilang ng Araw ng Pagtuturo


KINALALAGYAN NG AYTEM

Bilang ng Aytems

BAHAGDAN
UNDERSTANDING
Mga Kasanayan sa
Pagkatuto/MELCs REMEMBERING

EVALUATING

CREATING
APPLYING

ANALYZING
Natutukoy ang mga
1,
katangian, gamit at
2,
tunguhin ng isip at kilos- 1 4 10%
3,
loob
4
EsP7PSIIa-5.1
Nasusuri ang isang
5,
pasyang ginawa batay sa
6,
gamit at tunguhin ng isip at 1 4 10%
7,
kilos-loob.
8
EsP7PSIIa-5.2
Naipaliliwanag na ang isip
at kilos-loob ang
nagpapabukod-tangi sa tao, 9,
kaya ang kaniyang mga 10,
1 4 10%
pagpapasya ay dapat 11,
patungo sa katotohanan at 12
kabutihan.
EsP7PSIIb-5.3
Naisasagawa ang pagbuo
ng angkop na pagpapasya 29,
tungo sa katotohanan at 30,
1 4 10%
kabutihan gamit ang isip at 31,
kilos-loob. 32
EsP7PSIIb-5.4
Nakikilala na natatangi sa
tao ang Likas na Batas 13,
Moral dahil ang pagtungo 14,
1 4 10%
sa kabutihan ay may 15,
kamalayan at kalayaan. 16
Ang unang prinsipyo nito ay

4 | Assessment Coursework EsP G7


likas sa tao na dapat gawin
ang mabuti at iwasan ang
masama.
EsP7PSIIc-6.1
Nailalapat ang wastong
37,
paraan upang baguhin ang
38,
mga pasya at kilos na
1 4 39, 10%
taliwas sa unang prinsipyo
40
ng Likas na Batas Moral.
EsP7PSIIc-6.2
Nahihinuha na nalalaman
agad ng tao ang mabuti at
masama sa kongkretong
17,
sitwasyon batay sa sinasabi
18,
ng konsiyensiya. Ito ang 1 4 10%
19,
Likas na Batas Moral na
20
itinanim ng Diyos sa isip at
puso ng tao.
EsP7PS-IId-6.3
Nakabubuo ng tamang
pangangatwiran batay sa 33,
Likas na Batas Moral upang 34,
magkaroon ng angkop na 1 4 35, 10%
pagpapasya at kilos araw- 36
araw
EsP7PS-IId-6.4
Nakikilala ang mga 21,
indikasyon / palatandaan ng 22,
pagkakaroon o kawalan ng 1 4 23, 10%
kalayaan 24
EsP7PT-IIe-7.1
Nasusuri kung nakikita sa 25,
mga gawi ng kabataan ang 26,
1 4 10%
kalayaan 27,
EsP7PT-IIe-7.2 28
KABUOAN 10 40 0 24 8 4 0 4 100%

5 | Assessment Coursework EsP G7


MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES

EsP7PSIIa-5.1
Natutukoy ang mga katangian, gamit, at tunguhin ng isip at kilos-loob

EsP7PSIIa-5.2.
Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.

EsP7PSIIb-5.3
Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang
kaniyang mga pagpapasya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan.

EsP7PSIIc-6.1
Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa
kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao
na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

EsP7PS-IId-6.3
Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong
sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na
itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.

EsP7PT-IIe-7.1
Nakikilala ang mga indikasyon / palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng
kalayaan.

EsP7PT-IIe-7.2
Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan.

6 | Assessment Coursework EsP G7


PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
IKALAWANG KUWARTER
LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi katangian ng tamang paggamit ng isip at kilos-
loob?
A. pagtulong sa kapuwa ng walang hinihintay na kapalit
B. pagkakalat ng mga maling impormasyon sa social media
C. pagbabasa ng mga babasahing may kaugnayan sa pag-alam ng katotohanan
D. pagsunod sa ipinapatupad na ordinansa ng barangay upang maiwasan ang
pagkalat ng sakit.

2. Bago magbahagi ng kaalaman si Jenn sa kaniyang mga kamag-aaral ay tinitiyak muna


niyang tama at makabuluhan ito. Ang sitwasyon ay nagsasaad ng _______ng isip.
A. gamit
B. tunguhin
C. katangian
D. layunin

3. Ito ay isa sa mga kakayahang kaloob ng Diyos na taglay mo at ng bawat tao na gamit
upang makaalam ng mga bagay na totoo.
A. isip
B. puso
C. kilos-loob
D. pagpapasya

4. Ito ay pagpili sa isang bagay na ang patutunguhan ay para sa kabutihang panlahat.


A. kaalaman
B. pagmamahal
C. isip
D. kilos-loob

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang makatutulong upang mapaunlad mo ang iyong isip at
kilos-loob?
A. Abutan ng tulong ang lahat ng mga nangangailangan.
B. Maging matulungin sa iyong kapwa sa lahat ng panahon.
C. Suriin ang mga artikulong binabasa at gawin ang makabubuti.
D. Palaging makinig sa mga balita mula sa iyong mga kaibigan.

7 | Assessment Coursework EsP G7


6. Alin sa mga sumusunod ang hindi sukatan ng tunay na talino?
A. pakikipagkompetensiya sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan
B. paggamit ng tao sa kaniyang talino upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao
C. paggawa ng programa na makatutulong sa mga kabataang tumigil na sa pag-aaral
D. pagbabahagi sa pamayanan ng mga plano at programa upang makatulong sa
pag-unlad

7. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tamang paggamit ng isip sa pagpapasya?


A. Pinili ni Rhea na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng hirap ng buhay na
pinagdadaanan nila.
B. Agad naniwala si Joyce sa nabasa niyang mensahe sa social media tungkol sa
lumalaganap na sakit.
C. Si Melvin ay sampung taong gulang pa lamang ngunit lumalabas na ng bahay
kahit ipinagbabawal ng barangay dahil sa lumalaganap na sakit.
D. Minabuti na lamang ni Josep na huminto ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay ng
kaniyang pamilya at magtrabaho na lamang kasama ang ibang kaibigan.

8. Matapos malaman ang katotohanan tungkol sa kumakalat na sakit, minabuti ni Aling Nina
na pansamantalang itigil ang kanilang negosyong pagtitinda sa palengke. Ang sitwasyon
ay nagsasaad ng ______ ng isip.
A. gamit
B. layunin
C. katangian
D. tunguhin

9. Bakit mahalaga na pag-isipang mabuti ang gagawing pagpapasya bago mo ito gawin?
A. dahil ito ang magiging pundasyon mo bilang isa tao
B. dahil ito ang makatutulong upang maging mahusay sa iyong napili
C. dahil ito ang magiging dahilan ng pagkakaroon mo ng tiwala sa sarili
D. dahil ito ay makatutulong upang hindi magkamali sa gagawing pagpapasya

10. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting hangarin sa kapuwa bilang tanda ng may
mabuting asal?
A. dahil ito ang magiging daan upang ikaw ay makilala
B. dahil makatutulong ito para maging basehan na ikaw ay mabuting tao
C. dahil ito ang magiging pamantayan mo sa buhay kung sila ba ay tutulong sa iyo
kapag ikaw ay nangailangan
D. dahil ang pagkakaroon ng mabuting hangarin sa kapuwa ay nakatutulong upang
magkaroon ng magandang ugnayan

11. Bakit mahalaga na mapanatili ang pagtutulungan o bayanihan sa oras ng


pangangailangan katulad ng sakuna o kalamidad?
A. upang ipakilala sa ibang lahi na ganito ang ugali ng mga Pilipino
B. upang maipakita na walang pagkakaisa at pagtutulungan sa oras ng kagipitan
C. upang magkaroon ng utang na loob sa mga taong tumutulong sa oras ng
pangangailangan
D. upang maipagpatuloy natin ang magandang pag-uugali ng mga Pilipino at
maipagmalaki ang ating kultura

8 | Assessment Coursework EsP G7


12. Sa iyong palagay, ang pagbuo ba ng pamilya sa murang edad ay tamang desisyon
bilang isang kabataan?
A. Tama ito dahil mahalaga ang pagkakaroon ng katuwang sa buhay.
B. Tama ito dahil dito mo mararamdaman ang pagmamahal at kalinga.
C. Mali ito dahil mahihirapan silang palakihing mabuti ang magiging bunga ng
kanilang pagsasama
D. Mali ito dahil ito ay may kaakibat na mga responsibilidad na dapat ay handa ang
bawat isa bago bumuo ng sariling pamilya.

13. Ang iyong nakababatang kapatid ay nahihirapan sa pagsagot ng gawaing pampaaralan.


Ano ang dapat mong gawin upang siya ay makatapos sa kaniyang gawain?
A. Huwag pansinin ang kapatid.
B. Hayaan ang kapatid na mahirapan sa pagsagot.
C. Ituro sa kaniya ang tamang sagot para hindi na siya mahirapan.
D. Gabayan siya sa pagsasagot at tulungan kung saan siya nahihirapan.

14. Nabasa mo sa social media ang mga panuntunan ng inyong barangay upang mapigilan
ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit. Ano ang dapat mong gawin upang
makatulong sa inyong barangay?
A. Ipagkalat sa iba na ito ay hindi totoo.
B. Hayaan na lamang kumalat ang virus sa barangay.
C. Ipagsawalang-bahala ang nabasang mensahe ng pamunuan ng barangay.
D. Ipaalam sa magulang ang mensaheng nabasa at sumunod sa ipinag-uutos ng
barangay.

15. May bakanteng lote sa inyong bakuran na hindi napakikinabangan. Ano ang tamang
gawin upang maging kapaki-pakinabang ito?
A. Tambakan ng mga basura ang lote.
B. Gawin itong tambayan ng mga kaibigan.
D. Ipagbili ito para mapakinabangan ng iba.
C. Taniman ng mga gulay upang may makain.

16. Nagmamadali kang umuwi sa inyong tahanan dahil may sinusubaybayan kang palabas
sa telebisyon nang biglang may nakasabay kang isang matandang babae na
nahihirapang maglakad dahil sa kaniyang karamdaman. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magmadali sa paglalakad.
B. Tulungan ang matanda sa paglalakad.
C. Huwag pansinin ang matanda sa paglalakad.
D.Tumawag ng ibang tutulong sa matanda sa paglalakad.

17. Pinagsikapan ni Leo na makatapos ng pag-aaral dahil maaga silang nawalan ng mga
magulang na susuporta sa pag-aaral nila. Sa aling prinsipyo ng Likas na Batas Moral
nakaayon ang kilos ni Leo?
A. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
B. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
D. May likas na kahiligan ang tao na pangalagaan ang kaniyang buhay.

9 | Assessment Coursework EsP G7


18. Ilang araw nang nakararamdam ng pagsakit ng tiyan si Joseph kaya siya ay kumunsulta
na sa malapit na health center ng barangay. Sa aling prinsipyo ng Likas na Batas Moral
nakaayon ang kilos niya?
A. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
B. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
D. May likas na kahiligan ang tao na pangalagaan ang kaniyang buhay.

19. Pinigilan ni Teloy ang sarili na kunin ang perang naiwan sa mesa kahit na kailangan niya
ito para ipambili ng gamot ng kaniyang tatay na may sakit. Sa aling prinsipyo ng Likas na
Batas Moral nakaayon ang kilos niya?
A. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
B. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
D. May likas na kahiligan ang tao na pangalagaan ang kaniyang buhay.

20. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tamang pagpapasya na naaayon sa Likas na
Batas Moral?
A. Tinutulungan ni Jenny ang kaniyang mga magulang sa pagtitinda sa palengke.
B. Kinuha ni Joshua ang perang nakita niya sa mesa at ibinili niya ito ng pagkain.
C. Bumibili si Leo ng mga bagay na hindi gasinong kailangan upang maging masaya
sa buhay.
D. Sinamantala ng mga kabataan ang pagkakataon na walang nakabantay sa labas
ng bahay upang maglaro ng basketball kahit may banta ng nakahahawang
sakit.

21. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan?


A. Malaya kong nagagawa ang tama para sa ikabubuti ng lahat.
B. Malaya akong hindi sumunod sa ipag-uutos sa akin ng aking magulang.
C. Malaya akong nakakapag-post sa social media ng kahit anong maisip ko.
D. Malaya akong nakapaglalaro sa labas kahit ipinagbabawal ng barangay na
lumabas.

22. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan


maliban sa:
A. Sinabi ni Melvin sa guro nila ang ginawang pandaraya sa pagsusulit ng kaniyang
matalik na kaibigan. Sinabi niya ito kahit alam niya na magagalit ang kaibigan niya
sa kaniya.
B. Nasaktan ni Merry ang kaniyang matalik na kaibigan dahil sa kaniyang
pagsisinungaling. Dahil ditto, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang
itama ang pagkakamaling nagawa niya.
C. Inilaan ni Joseph ang mahabang panahon sa pag-aaral upang mapalawak ang
kaniyang kaalaman sa pagtuturo. Alam niyang malaking bagay ito upang
matulungan niya ang mga kabataang umaasa sa kaniya.
D. Nakita ni Jenny ang panlolokong ginagawa ng kaniyang kapatid sa kaniyang
magulang. Ang alam ng kaniyang magulang ay pumapasok ito sa paaralan ngunit
sa halip ay kasama niya ang kaniyang barkada upang maglaro ng basketball sa

10 | Assessment Coursework EsP G7


kabilang barangay. Dahil alam niyang labis na magagalit ang kaniyang magulang
ay hindi sinabi ni Jenny ang ginagawa ng kaniyang kapatid.

23. Ang sumusunod na mga halimbawa ay nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan


maliban sa:
A. ang pumili ng paaralan na papasukan
B. ang piliin ang tama para sa kabutihan ng lahat
C. ang tumulong sa kapuwa sa abot ng kaniyang makakaya
D. ang pumili sa magiging resulta ng kaniyang ginawang maling kilos

24. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.” Ang pahayag ay _____
A. tama, dahil ang tao ay nilikha na may likas na kabutihan.
B. mali, dahil ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghusga ng tao.
C. mali, dahil ang kalayaan ay magkakaroon lamang ng kabuluhan kung malayang
magagawa ng tao ang mabuti at masama.
D. tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay
gagamitin sa paggawa nang naayon sa kabutihan.

25. Nakilahok ang mga kabataan sa isang rally laban sa pamunuan ng barangay. Nangyari
ito dahil hindi umano makatao ang pagtrato ng tauhan ng barangay sa kanila. Dahil dito,
hinuli ang mga kabataang sangkot sa nangyari. Sa sitwasyong ito, nawala ang
kanilang________________.
A. panlabas na kalayaan
B. karapatang pangtao
C. panloob na kalayaan
D. dignidad ng tao

26. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng responsableng paggamit ng kalayaan


ng mga kabataan?
A. palaging paglalaro ng online games
B. pagrebelde sa mga magulang dahil hindi naibigay ang gusto
C. pag-ubos ng pagkain sa mesa kahit may hindi pa kumakain sa pamilya
D. pag-una sa mga gawaing bahay bago maglaro sa labas kasama ang barkada

27. Bago gumawa ng isang pagpapasya si Joseph ay nananalangin muna siya upang
gabayan ng Poong Maykapal ang desisyong gagawin. Anong hakbang sa
pagpapaunlad ng kalayaan ang ginagawa ni Joseph?
A. pakikinig sa sinasabi ng konsiyensiya
B. pagsasabuhay ng moral na panuntunan
C. paghingi ng gabay sa Diyos sa panalangin
D. pag-iisip sa sitwasyon bago magbitiw ng pasya

28. Niyaya ka ni Clara na maligo sa tabing dagat sa oras ng klase. Ano ang gagawin mo
bilang isang kaibigan niya?
A. Sasama ako sa kanya para maligo.
B. Magpapaalam muna ako sa magulang bago sumama.
C. Sasama ako at magyaya ng iba pang kaklase para masaya.
D. Pagsasabihan ko si Clara na huwag maligo sa dagat dahil oras pa ng klase.

11 | Assessment Coursework EsP G7


II. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang T sa iyong sagutang papel
kung ito ay tama at M naman kung mali.

29. Bago maglaro si Joseph sa labas ng kanilang tahanan kasama ang kaniyang mga
kaibigan ay sinisikap muna niyang tapusin ang mga gawaing pampaaralan.

30. Tumatakas si Ken sa mga gawaing bahay para siya ay makapaglaro.

31. Nag-aral nang mabuti si Joseph para makakuha siya ng mataas na parangal sa kanilang
paaralan.

32. Masayang naglalaro ng volleyball si Apple kasama ang kaniyang mga kaibigan nang
biglang dumating si Alice at inagaw ang bola ng walang dahilan.

33. Pinili ni Jean na kunin ang pagkain sa lamesa kahit alam niya na mayroong nagmamay-
ari nito.

34. Mas pinili ni Juvy na tumulong sa iba ng walang hinihintay na kapalit.

35. Dahil sa panganib na dala ng COVID-19 ay mas pinili ni Janella na mag-aral na lamang
sa halip na lumabas ng tahanan.

36. Dahil matalik na kaibigan ni Jenn si Ayessa ay minabuti niyang pagtakpan ang kaniyang
pagkakamali.

III. Panuto: Sa inyong sagutang papel, bumuo ng isang sanaysay tungkol sa mga naging
pagpapasya mo ng mga nagdaang araw. Tukuyin ang mga nagawang tama at
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral (Gagawin ang mabuti;
iiwasan ang masama). Gamiting gabay ang mga batayan sa pagmamarka sa
pagbuo ng sanaysay.

BATAYAN SA PAGMAMARKA

Mahusay Mahusay at maayos ang ginawang paliwanag. Masusing nailahad ang


mga naging pagpapasya at mga paraan kung paano naituwid ang
(4) ilang pagkakamali na taliwas sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral.

Hindi Gaanong Hindi gaanong mahusay at maayos ang ginawang paliwanag. Hindi
Mahusay buo ang ideya ng mga ginawang pagpapasya.

(3-2)

Nangangailangan Hindi maayos ang ginawang paliwanag. Hindi nailahad ang mga
ng Patnubay naging pagpapasya at mga naging paraan upang ituwid ang maling
pasya.
(1)

12 | Assessment Coursework EsP G7


SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 11. D 21. A 31. T


2. C 12. D 22. D 32. M
3. A 13. D 23. D 33. M
4. D 14. D 24. D 34. T
5. C 15. D 25. C 35. T
6. A 16. B 26. D 36. M
7. A 17. A 27. C 37.
8. A 18. D 28. D 38. Puntusan ayon sa batayan sa
pagmamarka
9. D 19. A 29. T 39.
10. D 20. A 30. M 40.

13 | Assessment Coursework EsP G7


14 | Assessment Coursework EsP G7

You might also like