You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang

Assessment Coursework
Ikalawang Kuwarter
Unang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa
telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

2 | Assessment Coursework EsP G3


Assessment Coursework
Ikalawang Kuwarter
Unang Edisyon, 2022
3
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Kuwarter

Corazon B. Pagsinuhin
Content Creator & Writer

Beverly D. Sastrillo
Content Reviewer

Lawrence B. Aytona
Language Reviewer

Beverly D. Sastrillo
Internal Reviewer & Editor

Cherry Amor R. Laroza


Layout Artists & Illustrator

Cherry Amor R. Laroza


Graphic Artist & Cover Designer

Merthel M. Evardome, CESO V, Nicholas M. Burgos, Nadine C. Celindro,


Mario B. Maramot, PhD, Ma. Leticia Jose C. Basilan, PhD,
Vanessa A. Bautista, Mylyn G. Sangalang, Cherry Amor R. Laroza
Schools Division Development Team

Assessment Coursework EsP G3 | 3


TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
IKALAWANG KUWARTER
LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1
COGNITIVE DIMENSION
PROCESS

Bilang ng Araw ng
KINALALAGYAN NG AYTEM

Bilang ng Aytem
Pagtuturo

UNDERSTANDING
REMEMBERING

BAHAGDAN
Mga Kasanayan sa

EVALUATING

CREATING
APPLYING

ANALYZING
Pagkatuto/ MELCs

1. Nakapagpapadama
ng malasakit sa
kapwa na may
karamdaman sa
pamamagitan ng
mga simpleng
6,
gawain 1, 3,
10 8 5 7, 40%
-pagtulong at pag- 2 4
8
aalaga, pagdalaw,
pag-aliw at
pagdadala ng
pagkain o
anumang bagay
na kailangan
2. Nakapagpapakita
nang malasakit sa
may mga
kapansanan sa
9,
pamamagitan ng: 5 4 10 11 20%
12
a. pagbibigay ng
simpleng tulong sa
kanilang
pangangailangan

4 | Assessment Coursework EsP G3


b.pagbibigay ng
pagkakataon upang
sumali at lumahok sa
mga palaro o 13,
4 15 16 20%
larangan ng isport at 14
iba pang
programang
pampaaralan 5
c. pagbibigay ng
pagkakataon upang
sumali at lumahok sa
17,
mga palaro at iba 4 20 19 20%
18
pang paligsahan sa
pamayanan

KABUOAN 20 20 4 4 4 4 4 0 100%

Assessment Coursework EsP G3 | 5


MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES

● Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may


karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng
gawain
-pagtulong at pag-aalaga, pagdalaw, pag-aliw, at
pagdadala ng pagkain o anumang bagay na
kailangan

● Nakapagpapakita nang malasakit sa may mga


kapansanan sa pamamagitan ng:
a. pagbibigay ng simpleng tulong sa kanilang
pangangailangan
b. pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at
lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at iba
pang programang pampaaralan
c. pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at
lumahok sa mga palaro at iba pang paligsahan sa
pamayanan

6 | Assessment Coursework EsP G3


PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
IKALAWANG KUWARTER
LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1

Pangalan: _______________________ Petsa: ______________


Baitang/ Seksiyon: _________________ Iskor: _______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Nabalitaan mo na maysakit ang iyong guro. Ano ang gagawin


mo?
A. Dadalawin ko siya.
B. Magiging masaya
C. Huwag na lamang pakialaman
D. Magpasalamat dahil walang pasok

2. Naglalambing ang kapatid mong maysakit. Gusto niya ng


prutas. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko na lang siya papansinin.
B. Ibibili ng prutas upang makakain ito.
C. Iutos na lamang sa iba.
D. Bumili na lamang ng sitsiriya bilang pamalit sa hinihiling na
prutas.

3. Lubos ang pag-iingat sa inyong lugar upang makaiwas sa


COVID-19. Gamit ang mga natutuhan mo sa paaralan, paano
ka makatutulong sa pag-iwas sa Covid-19?
A. Ipagwawalang bahala ang COVID-19.
B. Magpo-post sa Facebook ng mga nasawi sa COVID-19.
C. Ibabahagi sa kaibigan ang mga nakatatakot na balita.
D. Susundin ang ipinatutupad na mga nabasang health
protocol.
Assessment Coursework EsP G3 | 7
4. Nabalitaan mo na ang kaklase mong si Toni ay ulila na sa
magulang kaya hindi nakakapasok sa paaralan at nag-aalaga
ng kapatid na may sakit, ano ang maaari mong maitulong?
A. Pakokopyahin si Toni sa pagsusulit.
B. Bibigyan si Toni ng mga lumang damit.
C. Sasamahan si Toni at liliban na rin sa klase.
D. Magbibigay ng sipi ng tinalakay na aralin at ituturo ito kay
Toni.

5. Nagyayang maglaro ang mga kaibigan ni Andy ngunit walang


kasama sa bahay ang kaniyang inang maysakit. Ano ang dapat
gawin ni Andy?
A. Sasama sa mga kaibigan sa paglalaro.
B. Hindi sasama at aasikasuhin ang maysakit na ina.
C. Hahayaan na lamang ang kaniyang ina sa bahay.
D. Maglalaro at uuwi kada kalahating oras upang silipin ang
inang maysakit.

6. Anong larawan ang nagpapakita ng pag-aalaga sa taong may


sakit?

A. B. C. D.

7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng


pagmamalasakit sa maysakit?
A. Ang batang inaalagaan ang kaniyang kapatid na
maysakit sa bahay.
B. Ang batang hindi pinaiinom ng gamot ang tatay na
maysakit.
C. Ang batang nakipaglaro sa mga kaibigan at iniwan ang
lola niyang mahina na ang katawan.
D. Ang batang pinabayaan sa bahay ang kapatid na masakit
ang tiyan.

8 | Assessment Coursework EsP G3


8. Ang Nanay ni Cleo ay nilalamig at nilalagnat. Paano
maipadadama ni Cleo sa kaniyang nanay ang kaniyang
pagmamahal at pagmamalasakit?
A. Dinadalahan ni Cleo ng malamig na sabaw ang kaniyang
nanay na maysakit.
B. Nagpapatugtog nang malakas na malakas upang hindi
marinig ang kaniyang nanay na natawag sa kaniya.
C. Hindi niya pinapansin ang kaniyang nanay.
D. Pinapakain ni Cleo ang kaniyang nanay at pinaiinom ng
gamot.

9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng


pagmamalasakit sa may kapansanan?
A. Pag-akay sa taong bulag sa pagtawid sa kalsada.
B. Pagmamasdan lamang ang aleng bulag.
C. Tumalikod at kunwari ay hindi siya nakikita.
D. Gumawa ng ibang bagay upang di mapansin ang bulag.

10. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa


may kapansanan, maliban sa isa. Alin ito?
A. Si Lisa na hinihikayat ang kapatid niyang bulag ngunit
mahusay umawit sa pagsali sa paligsahan sa pag-awit.
B. Si Leo na pinagtatawanan ang kaklaseng papilay- pilay
maglakad.
C. Si Mariz na isinasali ang kaniyang pinsan na may
kapansanan sa paglalaro.
D. Inaalalayan ni Owen ang kaniyang lola sa paglalakad
dahil malabo na ang paningin nito.

Assessment Coursework EsP G3 | 9


11. Paano maipakikita ang pagmamalasakit sa taong may
kapansanan?
A. Pinauuna ni Pia sa pila ang kaniyang kaklaseng pilay
upang makabili ng pagkain sa kantina.
B. Isinasali ni Rico sa kaniyang pangkat si Roy kahit na ito ay
mahina ang pandinig.
C.Sinasabihan ng magkaibigan na huwag ng sumali sa
paligsahan ng pagguhit ang kanilang kaklaseng putol ang
kamay.
D. Hinihikayat ni Ren ang kaibigan niyang mahusay umawit
na makilahok sa pagtatanghal sa palatuntunan kahit hindi
ito nakakalakad.

12. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng


pagbibigay ng pagkakataon sa may kapansanan na
makalahok sa mga palarong pampaaralan?
A. batang pilay na kalahok sa larong chess
B. batang pilay na sumali sa pagluluto
C. bulag na lumahok sa tagisan ng pag-awit
D. batang walang kamay na kasali sa paligsahan sa pagguhit

13. May kaibigan kang mahusay mag-chess ngunit siya ay isang


pilay. Paano mo siya hihikayating lumahok sa palarong
pampaaralan?
A. Babayaran ko siya upang sumali sa laro.
B. Magmamakaawa ako sa naglalaro ng chess.
C.Palalakasin ko ang kaniyang loob at susuportahan siya.
D. Ipagkakaloob ko sa kaniya ang lahat ng kaniyang
kahilingan.

14. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong tumulong sa may


kapansanan sa paglahok niya sa palarong pampaaralan, alin
sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. Bigyan ng upuan ang pilay.
B. Tuksuhin ang batang duling.
C. Iligaw sa paglalakad ang bulag.
D. Pagtawanan ang kaklaseng may bingot.
10 | Assessment Coursework EsP G3
15. May paligsahan sa pag-awit sa inyong paaralan. Alam mong
magaling umawit ang kaibigan mong bulag na si Ronnie. Ano
ang sasabihin mo sa kaniya?
A. Huwag na lamang siyang sasali dahil siya ay may
kapansanan.
B. Hihikayatin ko sumali si Ronnie dahil alam kong mahusay
siyang umawit.
C. Hindi ko sasabihin kay Ronnie na may paligsahan sa pag-
awit sa aming paaralan.
D. Hahayaan ko na lamang siya dahil alam kong may
kapansanan siya.

16. Nagkaroon ng palatuntunan sa inyong paaralan. Unang


nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing
impaired child na si Edgar. Nasa kalagitnaan na siya ng tula
nang bigla niyang nakalimutan ang susunod na linya. Kung
ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang gagawin mo?
A. Tatawanan ko si Edgar.
B. Tatawagin ko siya para umupo na.
C. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala na niya
ang nalimutang linya.
D. Hahayaan na lamang siya at hihintaying maalala niya ang
nalimutang linya.

17. Naglunsad ng programa ang barangay tungkol sa palaro sa


mga taong may kapansanan. Alin sa mga sumusunod ang
gagawin mo upang mahikayat sila na sumali?
A. pagbili ng gustong kagamitan ng manlalaro
B. pagbibigay ng mga papuri sa kanilang talento
C. panoorin ng mga magagandang laro sa internet
D. hindi na papansinin

Assessment Coursework EsP G3 | 11


18. May paligsahan sa inyong barangay sa paggawa ng poster.
Para ito sa programang pangkalikasan kaya inaanyayahan
ang lahat na makibahagi. Alam mong magaling dito ang
kaibigan mong putol ang paa. Sa paanong paraan mo siya
mapapasali?
A. Bigyan sila ng pera para sumali.
B. pilitin silang sumali sa paligsahan.
C. Pagalitan siya upang mapilit na sumali.
D. Kausapin nang maayos at hikayating sumali dahil
mahusay siya dito.

19. Alin ang nagpapakita ng pagkakataon sa may kapansanan


na lumahok sa palarong pampamayanan?
A. paggawa ng gawain ng pilay
B. pagdadala ng kagamitan ng isang bulag
C. pagbili ng pagkain para sa kaibigang pipi
D. pagpapasali sa liga ng balibol sa kaibigang bingot

20. Si Nina ay naputulan ng paa dahil sa isang aksidente ngunit


magaling siyang manlalaro ng chess. Isang araw, inihayag ng
guro ang tungkol sa nalalapit na palarong pampaaralan. Kung
ikaw ay kaibigan ni Nina, ano ang gaagwin mo?
A. Sasabihin ko sa kaniya na huwag na siyang sumali dahil sa
kapansanan niya.
B. Hihikayatin ko siyang sumali at makilahok dahil alam kong
kayang-kaya niya ito.
C. Sasabihin ko sa guro na maghanap na lamang ng ibang
kalahok.
D. Ipagwawalang bahala ko na lamang ang aking narinig.

12 | Assessment Coursework EsP G3


SUSI SA PAGWAWASTO

1. A
2. B
3. D
4. D
5. B
6. D
7. A
8. D
9. A
10. B
11. A
12. A
13.C
14.A
15.B
16.C
17.B
18.D
19.D
20.B
14 | Assessment Coursework EsP G3

You might also like