You are on page 1of 14

Maliit pa

Salamat sa #KMJS sa inspirasyon naidulot sa aming


mga guro ng kuwento ng batang si Reymark
Mariano. Kailangang maisulat ang kaniyang
kuwento upang maging inspirasyon sa mga batang

Ako!
Filipino na malaman na di dapat sila nagtatrabaho
sa bukid kundi dapat ay nag-aaral sa paaralan.
Alisin ang bawat batang Filipino sa mabigat na
pagtatrabaho!

Mapupunta kay Reymark ang lahat ng bayad ng


sinumang nais bumili ng PDF file ng kaniyang Kuwento ni Reymark Mariano
kuwento. Ito ang munting handog ng aming team
diumano! Isinulat ni Iginuhit ni
Genaro R. Gojo Cruz Salvacion C. Montenegro
Maliit pa
Maliit pa Ako!
Kuwento ni Reymark Mariano

Isinulat ni Genaro R. Gojo Cruz

Ako!
Iginuhit ni Salvacion C. Montenegro

Karapatang-sipi © 2021 nina Genaro R. Gojo Cruz at


Salvacion C. Montenegro Reserbado ang lahat ng karapatan.
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gayahin o
kopyahin, buo man o bahagi, sa anumang anyo o paraan,
nang walang nakasulat na pahintulot buhat sa mga Kuwento ni Reymark Mariano
may hawak ng karapatang-sipi.

Layout ni Jhucel Atienza del Rosario

Ang aklat-pambatang ito ay naisagawa dahil sa inspirasyon Isinulat ni


naidulot ng episode ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ng
GMA7 tungkol kay Reymark Mariano, isang bata na sa Genaro R. Gojo Cruz
murang edad ay nagsasaka. Layunin ng aklat na ito na
imulat ang mga batang Filipino sa kanilang karapatan na
makapag-aral. At higit sa lahat, magbukas ng mata ng mga Iginuhit ni
ahensiya ng gobyerno na gawin ang lahat ng kanilang
makakaya upang mailigtas ang mga batang Filipino sa Salvacion C. Montenegro
mabigat na pagtatrabaho. Ang PDF file ng aklat-pambatang
ito ay nagkakahalaga ng 50 pesos na direktang mapupunta
sa account ng lola ni Raymark sa Landbank.

Salamat po!

Ang aming team,

Genaro R. Gojo Cruz


Salvacion C. Montenegro
Jhucel Atienza del Rosario
Ako si Reymark. Sampung taong gulang.
Nakatira ako sa Sultan Kudarat.
Isang bata na ako tulad mo.
Pero di tulad mo, nagsasaka na ako kahit
maliit pa ako!
Nag-aararo na ako ng bukid kasi matanda na
si Lolo Rudy.
Malabo na ang mata ng aking Lolo.
Siya ang nag-aani ng mga tanim naming
labanos.
Isang kilo ng labanos, sampung piso.
Kapag tanghali, sabay kaming kumain.
Talbos ng kamote ang ulam namin.

Iniwan ako ni Nanay kina lolo at lola noong


tatlong taong gulang pa lang ako.
At matanda na rin si Rabanos, ang alaga
kong kabayo.
Dalawampu’t apat na taon gulang na
siya.
Kaya unti-unti na siyang nanghihina.
Siya ang katuwang ko sa pag-aararo
tuwing umaga sa dalawang ektaryang
lupa.
Pinakakain at pinaluluguan ko siya.
Naaawa na ako kay Rabanos.
Kasi araw-raw siyang may trabaho.
Ikinakarga ang mga labanos sa kaniya.
Noong magkasakit siya, lagi kong sinasabi na At hindi na sana siya magkasakit
gumaling na siya. dahil wala kaming pera.
Rabanos ang pangalan niya kasi
labanos ang inaani namin.
Si Tatay ang nagturo sa aking sumakay at
magkontrol kay Rabanos noong anim na
taong gulang pa lang ako.

Pagdating ko ng pitong taong gulang,


sinubukan ko nang magsaka.
Kay Tatay ako natutong magsaka.
Napakasarap talaga na lumaking may
kasamang Tatay.
Kumakain kami sa dahon ng saging.

Si Nanay may ibang pamilya na.


Tatlong taong gulang pa lang ako, sina
Lolo at Lola na ang nag-alaga sa akin.
Nagkaroon ng kaso si Tatay.
Hinuli siya kasi mayroon siyang
lumang baril na sabi ni Lolo ay wala
namang bala at di naman
pumuputok.
Simula noon di na namin nakita si
Tatay.
Di ko alam kung saan siya nagpunta.
Matanda na si Lolo Rudy.
Matanda na rin si Rabanos.
Wala si Tatay.

Nagawa kong mag-araro dahil lang kay


Tatay.
Di rin niya gusto pero kahit anong gawin
ganoon talaga.
Gusto ko sanang makasama si Tatay.
Miss ko na si Tatay.
Napapagod na akong mag-aaro.
Kung nandito lang si Tatay, di na ako
gagawa nito.
Maliit pa ako, ganito na ang trabaho ko.
Pero sige lang kakayanin ko para sa
pamilya ko.
‘Tay sana matapos na ang kaso mo.

Masakit sa pakiramdam.
Akalain mo, sa ibang bata, na bakit sila
ang suwerte nila dahil may nanay at
tatay sila.

Kung ako ay may nanay at tatay,


napakasuwerte ko na sa buong mundo!
Paglaki ko, gusto kong maging sundalo.
Ipagtatanggol ko ang mamamayan sa bansa.
Walang mang-aabuso sa aking Tatay.
Walang mang-aabuso sa
ibang tao.

Pipilitin kong maging


matapang kahit maliit
pa ako!
Si Genaro R. Gojo Cruz ay isang guro ng pa-
Ang ilustrador ay guro sa ikalimang
nitikan sa De La Salle University at Philippine
baitang sa Paaralang Elementarya ng Lad-
Normal University. May-akda siya ng maraming
islao Diwa sa Lungsod ng Cavite. Isang self-
aklat-pambata na nagwagi ng mga pa-
rangal sa Palanca, PBBY-Salanga Prize, Romeo taught visual artist. Sumusubok gumu-

Forbes Storywriting Contest at iba pa. Siya ang hit ng mga ilustrasyon para sa maiikling

may-akda ng "Ako ay May Titi" na nag-viral sa kuwento na sumasalamin sa tunay na buhay


social media noong Agosto 2020. Maaari siyang ng mga bata. salvacionmon-
sulatan sa makinangmakinang@gmail.com tenegro@gmail.com

You might also like